Kunwari Lamang

1.3K 4 0
                                    

#SpokenWordsPoetry

Ayokong mag tengang kawali ka.
Ayokong mag dalawang isip ka pa.
Ayokong ibaling ang atensiyon mo sa iba.
Ang gusto ko,
Gusto kong maging handa ka.
Gusto kong ihanda mo ang iyong tenga.
Sapagkat, dedikado lamang sa'yo itong tulang ibibida.

Baduy man kung pakikingan,
Pwes!
Walang bagay sa mundo na magtatangkang ako'y pigilan.
Oo
Oo mahal kita.
Oo  masasabi kong ikaw na nga.
Oo masasabi kong ikaw ang itinadhana.
Oo ikaw ang dahilan ng mga ngiting kailanma'y hindi ko naipakita.
Mga ngiting nagpatunay na ako'y masaya sa tuwing kasama ka
Pilit kong itinatanong sa sarili ko,
Bakit?
bakit ikaw pa?
Ngunit, maging mga bituin hindi kayang ipaliwanag itong nararamdamang sa twina'y humahalina.

Minahal ko ang tulad mo hindi
dahil sa nakikita ng aking mga mata,
Kundi dahil sa isinisigaw ng pusong  sa bawat kabog , pangalan mo ang sinasalita.

Ohhh mahal! 

Hindi na kailangang sambitin pa isa-isa.
Baka maya-maya'y ako'y tuluyang mabalisa
At mawalan ng pagkakataong mahalin ka

Mahal, iniirog kita dahil mahal kita.
Yun lang wala nang iba pa.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana,
Alam ko namang walang makapagsasabi na tayo!
Yung tayo!
Yung tayo talaga!
Yung tipong mahal kita tapos mahal mo ako!

Hanggang magtapos tayo sa mga katagang "uy wala palang  tayo"

Naiba ang ihip ng hangin,
Bumagsak ang mga bituin.
Umiyak ang langit nung nalaman kong  ika'y agad saki'y dinagit.

Ngunit mahal,
Labis kong ikinalulungkot ang mabilis mong pagbitaw at pagsuko. Ako ba ang naging mahina? O sadyang Diyos na ang nagdidikta?

Hindi ko naman inaasam asam na maging isang ibong ililipad ka sa mga lugar na mapapanatag ka!

"Siya na ang mayaman siya na nag may oto, siya na"  ika nga ni callalily sa kanyang kanta

Totoo,
Oo totoo
Iyan lang masasabi ko sayo.
'Pagkat maging ibon man ako, hindi kaya ng aking mga pakpak na ilipad ka, tulad ng sa kanya.

Sa kanya, na alam kong magiging komportable ka.
Sa kanya na papangitiin ka hanggang tenga.
Sa kanya na magiging masaya ka.
Sa kanya na alam kong mapapanatag ka sa lilim ng kanyang mga pakpak.

Hindi tulad ko, na marupok, duwag at walang binatbat at tila nag pakatanga.

Oo naging tanga sa unang pagkakataon
Nagpakatanga sa unang taong labis na pinaglaanan ng pagmamahal na sing lalim ng isang balon.

Kung ako man ay mabibigyan ng isa pang pagkakataon,
Yun ay hindi para magkabalikan ang naungkat  nating pag iibigan bagkus ay isipin lamang  na ang lahat ay kunwari lamang,

Kunwari na  hindi kita minahal
Kunwari  hindi kita nakilala
Kunwari  nagkamali ang tadhana
Kunwari  hindi ikaw ang dahilan ng mga ngiti sa aking mga labi.
Kunwari hindi para sa 'tin ang mga bituin.

Kailangan kong mag kunwari na parang walang nangyari,
Kailangan kong  isipin na ang lahat ng ito,
Ang lahat ng ito ay imahinasyong tangi.
Upang mata'y mapigilan sa pag-iyak.
Huwag isiping, puso ay minsang nagkabiyak.

Ngayon, sa pagwawakas ng  tulang inilaan
Ay kasabay ng paghalik ng araw sa karagatan.
Natapos ang araw ng walang inialay na tapang
Pinipilit at ibinabato sa sarili  na ang  lahat ng ito ay kunwari lamang.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon