Mawawala rin nman to diba

1.3K 6 0
                                    

"Mawawala rin naman 'to, 'di ba?

Yung kilig.
Yung kaba.
Yung lito.
Yung bilis nang tibok ng puso ko pag nandyan ka na.
Mawawala rin naman ang lahat ng ito, hindi ba?
Darating din ang araw na hindi na ako malilito kung saan ba ako nararapat lumugar, kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhang sasaluhin mo.
Sa ngayon, dito nalang muna ako.
Sa pagitan ng magkaibigan o higit pa roon.
Dahil ang totoo, hindi naman talaga ako umaasa sa kahit na ano, wala akong nakikitang hinaharap o kung saan nga ba tayo tutungo pero masaya ako dahil ikaw ang kasama ko.
Masaya na ako sa ganito.
Pangako, hindi na ako magtatanong. Alam naman ang lugar ko.
Alam ko...alam ko.. alam ko.. Hindi ako nalilito, alam kong. . .magkaibigan tayo.
Pero sabi nila, hindi naman ganito ang magkaibigan lang. . .hindi ko pala alam, nalilito pala ako.
Maghihintay ako, hindi ko alam kung saan; kung sa araw na mawala ang kilig, yung kaba, yung lito, yung bilis ng pagtibok ng puso pag nariyan ka. . .o sa panahong magkakaroon na tayo ng lugar; hindi yung nasa pagitan lang tayo ng magkaibigan o higit pa, kung may hinaharap bang para sa'ting dalawa, kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhang sasaluhin mo, o sa sagot kung mawawala rin ang lahat ng ito.
(Ayoko sana, dahil sa'yo lang ako nakaramdam ng ganito.)
Maghihintay ako...sayo.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon