Pansamantala

1.4K 3 0
                                    

Naranasan mo na ba yung pakiramdam na pag kinausap ka nya hindi mo maitago yung kilig?
Naramdaman mo na ba na sa tuwing nakikita
mo siya hindi mo alam kung saan lulugar dahil nga sa pagkasabik?
Naranasan mo na bang magmahal tapos hindi mahalin pabalik?
Naranasan mo na ba na ang mismong panahon na ang tumututol sa inyong pag-ibig?

Dahil kung may naranasan kana sa mga nabanggit ko malamang hindi na biro ang pag-ibig sa'yo.
At kung naranasan mo naman lahat ng nabanggit ko sigurado akong hindi mo na ipagkakatiwala ulit ang iyong puso.
Pero naranasan mo na ba ang pansamantalang kilig? Pansamantalang pagmamahal? Pansamantalang ngiti? Pansamantalang pag-ibig? Pansamantalang saya?
Ibahin natin ang tanong, naranasan mo na bang maging pansamantala ng iba?

Ang hirap mag-mahal sa sandaling panahon.
Ang hirap maiwan na lamang nang wala man lang sapat na eksplanasyon.
Pero masaya ako, noong panahon na sa akin ika'y lumalapit.
Na sa aking pakiramdam ay sa parehong lubid na ng pagmamahal tayong dalawa ay nakakapit.

Akala ko lamang pala, pakiramdam ko nga lang pala.
Pero mahal, tao lang ako kaya sa akin ay normal nang mag akala.
Pero sinabi mo sa akin noon na ang aking akala ay tama.
Na mahal mo rin ako pero tila ba ang panahon ay nananadya.

Inayos niya ulit ang relasyon niyong dalawa at tila ba ako'y naiwan nanamang nag-iisa.
Pero ako'y masaya para sa'yo kung ang kaligayahan ay natagpuan mo muli sakanya.
Maghihintay ako, mag-hihintay ako ng habang-buhay para sa wala.
Uubusin ko ang aking oras hanggang sa ako'y malagutan na lang ng hininga.

Mahal, mag-hihintay ako sa tuwing nag-aaway kayong dalawa.
Sa akin ka sana muling lumapit dahil hahagkan kita.
Pupunasan ko ang mga pumapatak na luha na nagmumula sa iyong mga mata.
At kahit ilang beses mong tawanan to, sasabihin ko pa rin ng paulit-ulit na "mahal kita. "

Mahal kita, oo mahal kita pero sa pagitan naming dalawa alam kong mas pipiliin mo siya.
Dahil isa lang naman akong hamak na kaibigan na lagi mong iniiwan.
Pero ako'y sanay na, tila ba ang aking pagkatao ay nasanay na kaya't di na'ko nangangamba sa iyong muling paglisan.
Sapagkat alam kong ika'y babalik kapag kaibigan na malalapitan ang iyong muling kailangan.

Mahal, naghihintay muli ako sa ating susunod na pansamantala.
Naghihintay rin ako na sambitin na sana ng iyong mga labi ang katagang "mahal din kita. "
Pero mahal, kagaya ng aking sinabi maghihintay ako ng pang-habang buhay.
Basta't para sa'yo kahit sarili kong pagkatao handa kong ialay.

Lahat-lahat ng meron ako ay handa kong ibigay.
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo kahit ang buong katawan ko na ay nakaratay.
Pero mahal, paano kita ipaglalaban kung may mahal ka ng iba.
Paano ako maghihintay kung masaya na kayong dalawa.

Kaya mahal, tama na.
Itigil na natin ang ugnayan nating pansamantala.
Mahal, mahal kita ngunit hindi tayo para sa isa't isa.
Na ang bawat tao pala ay itinakda sa pang-habang buhay nila.

At marahil hindi ikaw ang nakatakda para sa'kin.
At sa huling pagkakataon mo na lang maririnig ang "mahal kita" na aking babanggitin.
Dahil ngayo'y alam ko nang sagutin ang mga tanong ko sa panimula nitong tula.
Lahat ng iyon ay naranasan ko na rin pala sa pag-ibig na pansamantala.

Tagalog spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon