Napatigil si Ana. Hindi ko alam kung nagulat siya! O kung ano man.
"Anton, Hindi pa ako handa sa pagkakaroon ng BF. Pero...", sabi ni Ana.
"Pero Ano!!!", sabi ko.
"Puwede tayo maging mag MU. Mahal naman kita eh!", sinabi niya.
"YES!!!!!! I love you ANA MARIE REGALADO!!!!!! YAHOOO!!!! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na napapayag kita maging mag MU tayo.",sabi ko.
Grabe ako na ata ang pinakamasayang tao nung panahon na yun.
"Haha! I love you!", sabi ko sa kanya.
"I love you more", sabi niya sa kin.
"I love you the most", sabi ko sa kanya.
"I love you, ang pagmamahal ko sayo ay parang pi. walang katapusan", sabi niya sa kin.
"Wow Math. Ako naman. I love you, ang pagmamahal ko sayo ay parang horizon sa dagat. Akong yung horizon ikaw yung tumitingin. Hindi mo alam na walang katapusan ang pagmamahal ko sayo." sabi ko sa kanya.
"Wow grabe. Basta Mahal Kita! ", sabi niya.
"Jet'aime. Oheboke. Gua aidi. Ti Amo. Te Amo. Palangga ta ka. 1 L0\/3 j00Z.", sabi ko sa kanya..
"Alam ko ibig sabihin ng lahat ng yan. Pero yung huli hindi ko alam. ", sabi niya sa kin.
"I love you yan. In Leet Speak. ", sabi ko.
"Pinahirapan mo pa ako!!!!! LECHE ka talaga. Haha!!", sabi niya sa kin.
Naalala ko tuloy nung nagkita kami sa 7-11. Yung babaeng leche ng leche. Haha. Basta ang mahalaga ngayon hindi niya talaga ako kilala. Pero ang nangingibabaw sa kin ngayon ay yung pagmamahalan namin sa isa't isa.
Hindi namin namalayan na Umaga na pala. Mga 3 o clock ba yun. Basta usap lang talaga kami ng usap ng kahit ano. Para bang walang bukas.Buti na lang. May laptop siya at tulog na yung nanay at tatay ko kaya hindi nila napansin na nagcocomputer ako. Inantok na si Ana kaya yun.
"Ui Anton bago ako matulog. Ano muna tawagan natin???", sinabi niya na parang kilig na kilig.
"Ummm. Sige ganito na lang tawag mo sa kin pogi!", sabi ko.
"Haha sige sige. Tapos sa kin naman tawag mo sa kin sexy!!", sabi niya sa kin.
"Haha, sige. Sexy matulog ka na :) Gabi na. Sige ka. Hindi ka tatangkad. Magiging kasing tangkad mo si Mahal." sabi ko.
"Hoy pogi! Ang tangkad tangkad ko na. Buka nga mas matangkad ako sayo.", sabi niya ng pabiro.
"Haha. Purkit sexy ka lang. Haha. Mas matangkad ako sayo no. Haha.", sabi ko.
"Sige na Sexy tulog ka na! I love you!", sabi ko.
"I love you too pogi!", sabi niya.
ana_cute_regalado is offline
Yun pinatay ko na rin yung computer. 4 o'clock na nun ng gabi. Sobrang late na. Matutulog na ako. Ang lamig pa naman sa kuwarto ko. Kinikilig ako. Inaalala ko yung kanina. Hindi ako makatulog. Pero mga 5 o'clock na yata nung makatulog ako.
Nagising ako nung mga 12 o' clock ng umaga. Mga Huwebes na yun. Derecho kain na agad ako. Nandun pa pala si Papa. Vincent ang pangalan niya.
"O anak, ang late mo na nagising ah.", sabi ni papa sa kin.
"Napasarap po kasi tulog", sabi ko sa kanya.
"O kain ka na! Hindi magandang pinapagantay ang pagkain", sabi ni mama sa kin.
Bigla kong naalala at pumasok na lang sa isip ko na ipalipat na lang ako sa Ateneo.
"Dad, may sasabihin ako sayo.", sabi ko.
"Ano yun anak?", sabi niya sa kin.
"Dad, Sa Ateneo De Manila University na lang kaya ako pumasok. Kasi piling ko mas maganda dun. University.
Mas marami akong malalaman at magiging kaibigan. Tsaka diba sa Loyola School ka naman nagtratrabaho. Naisip ko na baka may dicsount ako. At Pag honor pa ako. May discount pa ulit. Mas lalong luluwag ang pamumuhay natin.", sabi ko ng may mabuting pagpapaliwanag.
"Anak! Hindi ko akalaing makakapagisip ka ng ganyan! Oo nga Hon. Dapat lang dun na siya.", sabi ni Mama sa kin at kay Papa.
"Sige anak. Asikasuhin niyo na yung pagkuha niya ng card sa Blessed Elena Academy. Mag entrance Exam ka sa Lunes. Magaral ka ha. Wala munang Facebook. Siguraduhing mong mataas ang grade mo sa entrance exam. Para siguradong pasok ka sa Ateneo.", sinabi niya na nagpapaalala.
"Sige dad mag-aaral ako ng mabuti", sabi ko.
Ngumiti sila mama at papa sa kin. Hindi nila alam na isa rin sa dahilan ko para lumipat ay ng makilala si Ana ng lubusan. Mukhang swerte ang taon na ito. Gusto ko na talaga makilala si Ana ng personal at sisiguraduhin ko na ang Anton niyang makikilala ay yung hindi mayabang. Kundi, yung mabait.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.