Chapter 11
Ang daming nangyari nung nakaraang buwan. First Date, First Kiss, First Monthsarry. Masaya ako. Una kong naranasan tong lahat sa 1st Girlfriend ko. Pero bat ganun, parang ngayon, medyo nawawalan ng spark. Dumadaan ba talaga lahat ng magkarelasyon sa ganito. Yung kung dati halos minuminuto kayong nagtetext, nagchachat, nagkikita, nagtatawagan. Ngayon, sa isang araw minsan isang beses na lang kami nag-uusap. Ang aga naman ata magkasawaan. Hayaan mo, ibabalik namin yung dati. Pero ang mahalaga naman dun diba kami pa rin? Okay pa rin yun.
Kinabukasan
Gumising ako ng maaga. Bat ganun yung feeling ko, parang malungkot. Parang Tinatamad. Parang nawawala na yung feeling ko na in-loved. Siguro infatuation lang to, wag naman sana. Grabe yung mga ginawa ko kay Ana. Minahal ko na rin siya. Unti-unti lang talagang nawawala yung spark.
Bihra na rin kasi magkita sa puno. Ang huling pagkikita pa namin nun mga apat na araw na yung nakakaraan. Hindi lang ba kami nagpapapang abot. Minsan kasi nakakalimutan ko na rin pumunta muna sa puno kasi may iba pa kong ginagawa. Busy.
Nako, Lagot ako kay Mama. Ang baba ng results ng 1st Monthly Test Ko. Pinakamataas ko na yung 92. Halos Lahat Line of 8. May 2 pa ngang line 7. Lagot talaga. Eh kailangan pa naman ipapirma sa mga magulang. Nagconcentrate kasi ako masyado sa relasyon namin ni Ana. Siguradong grounded ako nito. Nawawala na nga yung spark sa relasyon namin tapos eto pa yung nangyayari. Kinakabahan talaga ako ngayon. Kailangan kong papirmahan sa magulang ko to.
Kinagabihan (Sa bahay)
"Nay."
"O Anak."
"Ummm. Test Papers ko po."
"Eto ba yung Monthly Tests mo?"
"Opo."
"O Sige, patingin.", habang tinitignan ni mama, kinakabahan talaga ako.
"Anu to? 92 yung highest mo. May 2 ka pang line of 7. Anton? Anung nangyayari sayo? Scholar ka! Dapat inaayos mo to. Anu bang pinagagagawa mo. May girlfriend ka na ba? Kung meron, ayusin mo muna tong grades mo. Bumawi ka sa Quarterly Exams Mo. Grounded ka muna for 1 quarter. Ayusin mo muna to. mag-aral ka na ngayon! Nagiging pabaya ka na!", sabi ko na nga ba. Magagalitsi Mama. Paano ko papaliwanag kay Ana. Grounded ako. Ganun na nga sitwasyon namin, grounded pa ko.
Kinabukasan
Pagpasok ko ng school, tumingin ako dun sa may puno. Nagstay ako dun tapos nakita ko si Ana, mukhang papunta din dito sa may puno.
"Muse ko. May sasabihin ako."
"Anu Escort ko?", kinakabahan ako.
"Namimiss ko na yung dating tayo. Yung sweet, yung laging nagkukulitan, nag-aasaran. Namimiss na kita.", ngumiti siya.
"Ako din eh. Masyado tayong nagiging busy."
"Pero.."
"Pero Anu?"
"Bumaba kasi yung grades ko ngayong quarter, gusto ni mama ayusin ko muna yung grades ko. minemaintain ko kasi scholar ako. Kaya pagpasensyahan mo muna kung di muna tayo masyado magkikita. Mag-aaral muna ako.", nalungkot siya pero ngumiti pa rin siya.
"Naiintindihan ko. Kapag di mo minentain grade mo di mawawala ka dito. Ayoko ngang mawala ka. Tiiisin ko yung di muna tayo magkita masyado.", sinabi ni Ana ng pangiti.
"So Cool-Off Muna. Pero pag naayos ko grades ko. For sure, parang dati na ulit.", sabi ko sa kanya.
"Sige. Hihintayin ko yun.", niyakap niya ko.
"Basta I love You.", sabi ko.
"I love you too.", umalis na kami sa puno. Pumunta sa classroom. nagsisimula na ang isang hamon sa buhay ko. Ang ibalik ang dati kong grades.
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.