Chapter 7
Selos
Gumising ako. Punong puno ng ngiti yung mukha ko. Kahit saan ako mapatingin, para siya pa rin yung nakikita ko. Iba na yata to. Haha. Pagpasok ko ng school, una kong hinanap sa gate, si Ana. Ayun, nakita ko na rin siya.
“Ayyy, akala ko kung sinung dugyot”, sabi ko sa kanya.
“Kapal mo!. Leche. Haha :D Good morning pogi kong escort. Pwe!”, sabi niya.
“Ayyy ganun. Gantihan pala ah. Kilitiin kita diyan eh.”, sabi ko sa kanya.
“Uyyyy wag! Parang awa mo na”, nagmamakaawa siya.
Haha. Kahit saan kasi may kiliti si Ana. Naghabulan kami. Haggang nabangga ko yung isang teacher.
“Lagot!!”, sabi ko sa sarili ko.
“You! Mr. Anung year ka na. hindi ka nagdadahan dahan. Tumingin ka naman sa dinadaanan mo. Hindi na kayo bata para maghabulan”, sabi nung teacher na strikto.
“Ayyy sorry mam,.”, sabi ko.
Natawa si Ana. Tumakbo kami. Hahaha. Imba lang talaga.
“Haha. Kakatuwa lang talaga. 7:20 na Assembly na! lagot!”, sabi niya.
Tumakbo kami. Holding hands pa rin haha. Yun pinagalitan kami nung adviser namin.
“Mr. Martinez and Ms. Martinez este Regalado ayy.”, sabi ni Mam.
“Yikeeee!!!!! Meant to be”, asar ng buong Tesla.
“Hoy, wala akong sinasabi ahh. Pero bagay kayo ah. Ana Martinez. Bagay! Tumakbo ba kayo papunta rito?”, sabi ni Mam.
“Ayy hindi, hindi. Naglakad kami, Slow motion!. Joke mam. Hahah siyempre nagmamadali kami”, sabi ko.
“Barado ako sa inyo ah. Dapat papagalitan ko kayo. Sige wag na lang haha. Pass na”, sabi ni Mam.
Kinilig ako dun sa sinabi ni mam. Ms. Martinez. Wow lang talaga.
Math 1st Subject namin. Nagpray kami tapos ang swerte kasi activity gagawin naming. By pair daw.
“Okay class, ako ang mamimili ng partner niyo. Mr. Martinez. Partner kayo ni Ms. Mar, este Regalado”, sabi niya.
Tawanan at Asaran buong Tesla. Pinasundo pa sa kin ni Mam si Ana. Hahaha. Haay.
“Pinapresent kami sa harap. Nung nilalagay ko yung masking tape napahawak ako sa kamay niya habang nagbabasa siya Tapose nagkatinginan kami ang nagblublush pa. Pati si mam kilig.
Natapos yung math pinatawga kami ni Mam sa labas.
“Mr. Martinez and Ms. Regalado. Ang sweet niyo. Aminin niyo nga sa kin, hindi ako magagalit, kayo na ba?”, tinanong n imam.
“Ummmm.”, sabi naming dalawa.
“I can see it in your eyes, kayo na nga. Basta inspiration lang ah.”, sabi niya.
“Opo.”, sabay naming sinabi ni Ana.
Umalis na si Mam. Lumipas yung AP tapos yun Recess na. Nakipagkita kami kay Kevin at Jessa. Tumatabi si Jessa sa kin tapos iba yung tingin niya. Hindi ko magets. Ang lagkit. Parang pagmagkaholding hands kami ni Ana, iba yung expression nung mukha niya.
“Ui Anton my escort, Bili mo na ko ng food, reserve kayo upuan ah.”, sabi ni Ana.
“Sge kong muse, take your time. Kahit kain baboy ka pa mamaya.”, sabi ko
“Yabang mo. Kala mo kung sinong payat. Haha”, sabi niya.
“May sinabi akong mataba ka?”, sabi ko.
“DIyan ka na nga che!”, sabi niya.
Tawa lang kami ng tawa ni Kevin. Si Jessa, hindi ko maitindihan. Ang weird niya ngayon.
“Tuliro, di malaman ang gagawin.”, kinantahan namin ni Kevin.
“AYyy! Hahah. Kayo talaga”, sabi ni Jessa
“Huwag mong damdamin, hindi mo pasan ang mundo.” , sabi ni Kevin
“Wala lang. Napagalitan kasi ako ni Sir kanina.”, sabi niya.
Pero piling ko may problema talaga si Jessa, or frustration?
Nilapitan ko na lang si Jessa.
“Ui jessa, kung may problema ka lang nandito kami ah.”, sabi ko. Inakbayan ko siya.
Dumating si Ana. Parang di niya gusto yung nakita niya.
“Anton, ikaw ah. Wala pa nga tayong 2 araw”. Sabi ni Ana. Seryoso siya.
“Ui ana. Wag ka naman ganyan. May problema si Jessa”. Sabi ko.
“Ayy sorry lang ah! Di ko kasi alam. Pero kailangan ba akbayan ang isang BABAE kung may problema siya”, sinabi niya ng pagalit.
Tumakbo siya palayo.
Naku, lagot ako kay Ana. Namisunderstood na naman niya ko.
“Jessa, pasensya ka na kay Ana ah.”, sabi ko.
“Okay lang. Ganyan na talaga si Ana. Lilipas lang yun. Sorry talaga. Ako dahilan ng away niyo. Sorry.”, paiyak niyang sinabi.
Niyakap ko na lang si Jessa.
“Usap na lang tayo mamaya sa FB. Time na eh. Balik na ko sa Classroom. Bye”, sabi ko.
Bumalik ako ng classroom. Si Ana. Malungkot sa isang side. Parang ang sweet lang naming kanina. Galit na naman siya sa kin.
“Ui Ana! May problema lang talaga si Jessa kanina. Umiiyak talaga siya kanina.”, sabi ko.
“Ah talaga! Pero bakit kailangan mo akbayan! Kasama ba yun?”, sabi niya ng pataray.
“Sorry kung yun yung pagkakaintindi mo. Diba best friend mo rin siya. Hindi mo ba siya aakbayan kung may problema siya. To ease the pain. Yan na naman tayo Ana eh. Yan na naman.”, sabi ko.
“Bahala ka na nga sa buhay mo. LECHE talaga. LECHE.”, sabi niya.
Natapos yung buong araw. Hindi kami nagkibuan. Kakamiss. Parang ang sweet lang naming kanina.
Offline siya buong araw. Walang mga status sa FB. Mukhang dinamdam niya talaga. Hindi rin nagonline
Si Jessa. Ano kaya problema nun. Ano ba yan! Dalawa yung pino problema ko. Hay Makatulog na nga. Pero piling ko hindi talaga ako makakatulog. Hay Ana. Yan na naman tayo…
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomansaSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.