Naging sikat ako. Hindi ko alam kung bakit. Marami yatang nakaalam nung mga achievements ko. Hindi ko pinansin si Ana sa mga nagdaang araw. Pero yung tingin niya sa kin, nakakatunaw. Parang nagmamakaawa na gulat. Hindi na rin kami naguusap sa Facebook. Nagkailangan na rin siguro kami. Sayang naman kasi yun na yun oh. Ibibigay ko na lang tong mga Rosas at Teddy bear sa kanya. AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Ay hala! Bakit ko natapon yung mga Rosas at Teddy Bea. Naku sayang effort.
Mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ko siya matiis. Haggang isang araw, nag-online ako pagkatapos na pagkatapos kong ilapag yung gamit ko. May napansin akong noti sa may message.
“Ana Regalado? Ano naman kaya sasabihin nito?”
Eto yung sinabi niya:
Anton. Sorry talaga. Hindi ko lang kasi talaga akalain yun. Sorry kung hindi kita pinansin. Ang bait mo naman pala talaga. Siguro may mali sa kin. Sorry talaga Anton. Nga pala. Bukas buksan mo yung locker mo. May surprise ako.
“Naku, May pasurprise surprise pa to.”
Aaminin ko, hindi rin ako nakatulog buong magdamag. Pagkatapos ko gawin yung assignment ko at magreview at magadvance study. Pero, medyo galit pa rin ako sa kanya. Siya pay may gana magalit.
Nagumaga na. Papasok na ko sa school. Pagdating ko ng gate dumerecho ako sa locker. May note siya.
“Anton, Sorry, Nakalimutan ko, Bukas na lang”
Nakakaasar lang. Haaay. Nga pala. First Period ang Homeroom. Magkakaeleksyon kami. Ako pa naman napipisil nilang Escort.
“ANTON 4 ESCORT”, sabi nung mga classmate kong babae.
Hahaha. Magampanan ko kaya ng tama yun. Lagi lang akong president sa dati kong school tapos magiging escort pa ako.
“KRRRIIING”
Nagring na yung bell. Papasok na ako. Elections na. Ninominate nila ako. President, PRO, Bus Mgr. Pero konti lang boto ko. Nung nagmuse na. Lahat sila gusto si Ana. Maganda naman talaga si Ana. Kaso yung ugali. Siya na yung muse namin. Tapos nung escort na. Badtrip!!!! Ako lang ninominate. Tapos sinirado na yung nomination. Ako na talaga!!!!! Nakakaasar! Si Ana pa yung Muse ko. Hindi ko to inaakala. Tapos rarampa pa ako dun sa stage!!!!!! Ayoko na. Kaso medyo gusto ko rin. Mahal ko rin naman si Ana, pero nagtatampo ako sa kanya. Hindi kami nagtinginan. Buong araw. Pumunta na lang ako sa library. Badtrip!
Kinabukasan, Pagpasok ko ng gate ng school. Sinundo ako nung best friend ni Ana. Nagtaka ako. Kinaladkad ako. Tapos dinala niya ako dun sa may puno. Nandun si Ana.
“Anton. Sorry na talaga. Mali lang talaga pagkakilala ko sayo. Eto o, chocolate tapos Bag. Binili ko yan para sayo”
Natouch naman ako. Hindi ko inaakala. Pero buti na lang dala-dala ko rin yung regalo ko.
“Ana. Sorry rin. Dapat hindi ako naging ganun. Eto o, rosas, tatlo yan, tapos may teddy bear ka pa.”, Hindi matanggal yung ngiti sa mukha niya. Pinipigilan ko lang pero kinikilig rin ako.
“Anton, puwede na ba maging tayo ulit?”, sabi niya ng seryoso.
“Diba dapat ako nagtatanong niyan”, sabi ko.
“Okay okay,,, rewind rewind. Kunwari hindi pa tayo nagliligawan sa FB”, sabi ko.
“HAHAHAHA.”, tumawa lang siya.
“Ana Regalado, puwede ba kitang maging girlfriend”, sabi ko ng romantikong paraan
“OO”, sinigaw niya.
Nagulat ako. Dumating si Kevin tapos nagpalakpakan lahat nung napadaan. Nakakahiya na nakakakilig. Niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako. Sa wakas. May matatawag na rin akong Girlfriend. Buti na lang walang mga teacher. Kundi, PDA to. Nagholding hands kami. 7:00 pa lang naman. Hindi ko talaga akalain na may matatawag na akong girlfriend. Habang naglalakad kami dun sa football field. Tinanong ko isya.
“Ano na tawagan natin? Yung dati pa rin ba?”, sabi ko
“Hahah. Tawag kayo sayo Poging Escort ko.”, sabi niya
“Nadagdagalan lang eh, Sige tawag ko sayo Magandang Sexy na Muse ko”, sabi ko
“ haha sge ikaw bahala”, sabi niya
7:20 na sa orasan ko. Sabay na kaming pumunta ng classroom. Buti na lang konti lang nakakaalam sa Tesla. Buti na lang. Nagrecess. Pinakilala ako tsaka si Kevin ni Ana sa mga tropa niya. Akala ko puro babae lang mga kaibigan nito. May mga lalaki rin pala. Mababait naman sila. Alam na rin pala nila na kami talaga ni Ana. Nagsubuan kami ng noodles ni Ana. Loko loko tong mga kaibigan ni Ana. Lumayo talaga sila samin tapos lumipat sa kabila.
“Baka panira tayo ng moment, nakakaabala lang yata kami”, sabi ni Jessa, yung best friend ni Ana.
“Oo nga. Tsaka Dinadaga at nilalanggam na tayo sa cheesiness at sweetness niyo.”, sabi ni Kevin.
“ui, wga naman”, sabi naming sinabi ni Ana.
Nagtawanan kami. Lunch Time. Naglakad lakad kami dun sa Football field. Napagusapan naming ni Ana ang kung ano ano.
“Alam mo tumaba ka simula nung nagkita tayo sa 7-11”, sabi ko.
“Ang yabang mo! Kala mo kung sinu kang payat hahah tignan mo nga katawan mo. Pasalamat ka pogi ka sinagot kita”, sabi niya.
“Hahaha. Nga pala, gusto mag date na tayo?”, sabi ko.
“Naku, magpapaalam pa ako. Pero, p p pero sasabihin na ba natin sa mga magulang natin?”, sabi niya
“Sige kahit ipagpaliban natin. Di bali na lang. Araw araw naman basta kapiling kita date natin yun”, sabi ko.
“Korni mo! Haha gasgas na yang mga linya mo!”, sabi niya
“12:25 na!balik na tayo sa kwarto! Ingat lang Muse kong Sexy ah. Baka pagtumakbo ka lumindol!”, sabi ko.
“Ang sama mo! Haha halika na. Dalian natin”, sabi niya.
Natapos yung huling klase namin. Nakakakilig lang talaga. Yung mga sweets moments naming inaalala ko. Habang naglolocker siya.
“Ui. Anung nginingiti mo diyan. Nakita mo lang kasi ang Sexy mong muse nagkaganyan ka na”, sabi niya.
“Wala lang. Hahaha Tumatawa ako kasi tumataba ka na!hahaha”, sabi ko.
Pinalo niya ko. Nagkurutan kami haha. Tapos yun naglocker na ko. Tapos hinatid ko siya sa service niya. Umuwi ako sa bahay namin ng puno ng ngiti ang mukha. Hindi yata ako makakatulog. Iniisip ko lang talaga kung ano mangyayari bukas. Hindi ako makagetover. Matutulog na nga ako. Good Night. :)
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomantizmSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.