Puppy Love (Chapter 10): Monthsarry

12 0 0
                                    

Chapter 10

Monthsarry

Nung Thursday, tinulungan ako nung mga classmates ko na bumili ng mga pang decoration. Sana talaga maging maganda yung kalalabasan nito. Gusto kong hindi niya rin makalimutan yung mga magiging magandang ala-ala namin. Grabe napagod ako dun. Makapahinga na nga. 

Friday ng Umaga

Eto na yung araw na pinakahihintay ko. First Monthsarry na namin ni Ana. Sana magworkout lahat ng plano ko. Kung tutuusin sa loob ng isang buwan andami ng nangyari sa min. Siyempre nandiyan yung napakadaming kiligan. Di mabilang na kwentuhan. Nandiyan di naman yung nag-aaway kami. Yung laging may pinagtatalunan. Selos. Pero lahat yun nalagpasan namin sa una naming monthsarry. Sigurado ako malalagpasan namin yun haggang 1st Anniversary namin. 

Ngayon, papasok na ko ng school. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa mga mangyayari mamaya. Gusto ko maging perfect to. Siguro iibahin ko muna ngayong araw. Paano kaya kung di ko muna siya pansinin. Tapos magtampo siya sa kin. Mas magwoworkout yung plano nun. Sige ganun na lang. Dumaan ako dun sa puno kung saan kami palaging nagkikita at nandun si Ana. 

"Ui Escort Ko!", pangiting sinabi ni Ana habang lumalapit siya sa kin. Hindi ko pinansin.

"Aaaa Snob!", nagsalita siya ulit habang papalayo ako. 

"Baka walang nakakalimutan ngayon?", sinigaw niya. Lumingon ako.

"Anu ba meron ngayon? Ahhh Friday, maraming mga quizzes. Sige bye!", ngumiti ako at naglakad ng papalayo. 

"LEEEECCHHHEEEE!", narinig ko na naman yung boses ni Ana. Parang yung boses niya nung una kaming nagkita sa 7-11.  Natawa na lang ako. Wala talaga kaming pansinan haggang mamayang hapon. Pero magugulat siya mamaya. HAHA

Pakuha na ko ng mga gamit ko sa locker tapos nakasalubong ko si Ana. 

"Mr. Alzheimer's!", sigaw ni Ana sa kin.

"Ms. Sungit", sabay belat ko sa kanya. Habang naglalakad si Ana, nasa likod niya si Jessa at kinindatan ko. 

"You Know What to do.", bulong ko sa kanya. Tumawa siya sabay lakad na. Kinuha ko yung gamit ko sa locker. Hinintay ko muna kumonti yung tao. Tapos lumapit ako sa locker nina Jessa at Ana. Kumukuha pa rin ng gamit sa Ana. Sumingit ako sa locker niya. Nung sinara na niya.

"Care to help.", sinabi ko ng pa-sweet.

"CHE! I can do this on my own!", tumakbo siya papalayo.

"Sige ka lalaki biyas mo niyan.", inasar ko siya. Pinalo niya ko ng malakas. 

"I don't care Mr. Alzhaimer's. Magpapalaki naman ako ng braso eh. Tumabi ka nga.", Naglakad siya ng papalayo. Tumawa na lang ako. Haaay Nako Kung alam lang niya mga plano namin. Pumasok na ko sa classroom namin. 

Kinahapunan

Maaga rin uwian ngayon mga 3:00 PM din. Kinausap ko muna si Jessa.

"Jessa, kausapin mo muna si Ana Canteen or Library basta malayo sa Court", nagthumbs up si Jessa.

"Sure thing Anton. Sige kausapin ko na siya. Good Luck mamaya.", lumapit na siya papunta kay Ana. Tumakbo na kaming buong Tesla papuntang court. Nagsimula na silang magdecorate. Nakaktuwa kasi talagang may mga roses in a boquet na naka shape na parang heart sa floor. May mga sinasabit na stars sa stage. May props na tree. May speakers sa gilid. May Fog effect. Nagbibihis na yung mga fairy na lalaki at babae. Hinahanda na yung banner sa gilid. Wow, pag teamwork talaga malaki magagawa. Ngayon pinapraktis ko na yung song and dance number ko kay Ana. Sana matuwa siya. 

5:00 PM

Ready na lahat. All set kung baga. Nandito na yung prinsipe. Ang kulang na lang yung prinsesa. Nakacostume na nga ako eh. Nakacostume na rin kaya si Ana. Parang eto lang yung nakikita ko sa mga fairytales. Text ko nga si Jessa. Sabihin ko all set na. 

Umupo nako dun sa stage. Umaakting na para bagang may hinihintay. Ayan na ata siya. Ayun nakacostume. All set. Umakting ako na parang may hinihintay then nung papasok na siya sa aisle. Palapit na ko ng palapit sa kanya habang tumutugtog yung intro ng Just The Way You Are. Tapos ngumingiti si Ana habang papalapit ako sa kanya. Sumasayaw at kumakanta ng just the way you are. First time ko to ginawa song and dance number. 

Her eyes, her eyes make the starts look like they're not shining. 

Talagang nga kumikislapkislap yung mata niya habang lumalapit ako sa kanya. 

When I see your face, there's not a thing that I would change.

Ako na siguro yung pinakaswerteng lalaki sa mundo. Maganda at mabait ang girlfriend ko, kahit minsan mataray okay lang. Natapos yung kanta halos mangingiyak si Ana.

"Ana! Para sayo yung katang yun! Wag ka na mag-alala. Di ko naman nakalimuta eh. Tumingin sa kanan mo.", tumingin siya sa kanan at binandera yung banner na Happy First Monthsarry, Ana :). 

"Wow! Anton! Di ko akalain na gagawin mo to. Ang sweet.", tapos kinuha ko yung boquet of flowers para ibigay ko sa kanya. 

"O eto, Flowers for you. Not One. But A Dozen. Ana, nagpapasalamat ako na nakilala kita. Inspirasyon kita araw araw para mabuhay ako. Nagpapasalamat ako dahil tinuruan mo ko maging responsable at maging mapagmahal. I love you.", Niyakap ako ni Ana. 

"Salamat Anton! Wala akong masabi. nasurprise talaga ako. Salamat din.", tapos sumayaw kami sa saliw ng iba't ibang tugtog habang sumasayaw rin yung mga classmates ko na nakapangcostume ng fairies. Para talagang fairytale yung nangyayari ngayon. Naapos yung araw ko ng may malaking ngiti sa mukha ko. Natupad na rin ang hiling ko. Ang icelebrate ang monthsarry namin. Sana mas tumagal pa ang relasyon namin. Si Ana ang isa sa mga rason kung bakit natuto ako magmahal.  Haay para tong isang panaginip na nagkatotoo. 

Puppy Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon