Kabanata 3: Someone
5:00 ng hapon ng matapos sa lahat ng gawain niya ang isang binatang lalaki. Napasandal siya sa swivel chair niya kasabay ang isang malalim na pagbuntong ng hininga. Tiningnan niya ang orasan kaya nahagip ng kanyang mga mata ang isang litrato niya nu'ng bata pa lamang siya.Nakangiti siya sa litrato habang nakayakap sa isang batang babae mula sa kanyang likod. Nakangiti rin ang batang babae sa litrato. Halata ang kasiyahan sa kanilang mukha nu'ng araw na kinuhaan sila ng litrato. Napangiti na lang ng mapait ang binata kasabay ng pagtulo ng kanyang luha sa kaliwang mata niya. Nahagip pa ng mata niya ang kalendaryo kaya mas lalo siyang nangulila.
Isang araw na naman ang lumipas.
Ang litratong iyon ay ang unang litrato nila ng kapatid niya ng napatunayan niyang nagsasabi ito ng totoo na magkapatid sila. Hindi niya kasi ito nakilala simula ng mabuhay ito dahil ayaw ng kanyang mga magulang na makilala niya ito. Sinabi rin sa kanya ng mga magulang niya na isang sumpa ang kanyang kapatid dahil sa isang nakalalokong dahilan.
Isang dahilan kung bakit ayaw ng mga magulang niya sa kapatid niya. Marahas niyang pinunasan ang luha sa kaliwang mara niya saka inayos ang kanyang mga gamit. Pupuntahan niya ang kapatid niya.
Lumabas siya ng opisina niya at doon ay sumalubong ang kanyang sekretarya. Nagtitipa ito sa Computer na nasa desk niya at halata mo na pursegido ito sa kanyang ginagawa. Tumikhim naman ang binata upang makuha niya ang atensyon ng sekretarya niya.
"Ay Sir!" Gulat na sabi ng sekretarya niya. Gusto niyang tumawa pero hindi niya ginagawa. Iyon kasi ang trademark niya sa opisina, cold, snobbish, at silent type.
"Please cancel all my appointment tomorrow I need to get rest," malamig niyang sabi dito. Nagtataka namang tumingin sa kanya ang sekretarya pero hindi na ito nag-react saka sumunod sa binata.
"Ire-reschedule ko na lang po the day after tomorrow," response ng sekretarya niya. Tumango lang ang binata saka pinindot ang elevator sa basement.
"You can home early," sambit nito bago sumara ang elevator. Hindi na siya nagtataka kung magulat itong muli. Simula kasi ng namatay ang kanyang kapatid nilulong niya ang sarili sa pagta-trabaho. Ultimo Sunday pumapasok siya. Hindi rin niya ugali ang mag-cancel ng appointment kaya nagtaka ang sekretarya niya kanina.
Mabilis niyang tinungo ang isang Flower Shop para bumili ng bulaklak.
Death Anniversary ng kanyang kapatid ngayon kaya gusto niya itong makasama ngayon. Pagpasok niya pa lang sa Flower Shop ay halimuyak na mga mababangong bulaklak ang bumungad sa kanya.
"Good Afternoon Sir, I'm Arista of Garden Bloom Flower Shop how may I help you?" Ngiting sabi ng babaeng nasa loob nito.
"A flower arrangement for an anniversary," malamig na turan ng binata. Hindi pinahalata ng babae ang takot at ngumiti ulit.
"What kind of anniversary sir?" Tanong naman ng kanyang kausap.
"Death Anniversary!" Mas malamig niyang sabi. Muntik pang mabitawan ng babae ang hawak nito kung hindi lang nakadalo ito sa lamesa.
"R-right away, sir." Napahawak pa sa dibdib niya ang babae dahil sa kaba. Pero wala namang pakialam ang binata. Nang natapos na ang arrangement, ay agad itong binayaran ng binata saka walang sabi-sabing umalis.
Nag-drive siya papuntang Eastwood Cemetery kung saan nakalibing ang kapatid ng binata. Pagkatapos niyang mag-park ay mabilis nitong tinungo ang pinaglibingan ng kanyang kapatid. Isa itong musoleyo na siya mismo ang nagpagawa. Masyadong espesyal ang kanyang kapatid. Gusto niya na kahit sa ganitong paraan lang ay maibigay niya ang pangangailangan nito.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
ActionMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...