THIRD PERSON'S POV
Nagising si klien sa pagkirot ng mga sugat niya. Unti unti niyanh binuksan ang mga mata niya at saka inaninag ang nasa paligid niya. Una niyang napansin ay ang nanay niya na sobrang nag aalala sa kanya.
"Nanay" bigla na lang itong umiyak kaya nataranta ang nanay niya at sinubukang pakalmahin ang anak anakan nito.
"nanay bakit ganon? Wala naman po akong ginawa kay mommy pero sinasaktan niya ako. Hindi po ba ako love ni mommy? Bakit po sa tuwing nakikita niya ako lagi na lang siyang galit. Lalo na si daddy?" Iyak na tanong ni klien.
"Hindi ko rin alam anak, baka naman mainiy lang ang ulo ng mommy mo. Intindihin na lang natin ok?" Pinunasan niya ang luha niya. Sabay ngiti at tumanho ng paulit ulit.
"Very good dahil diyan may surprise ako sayo" ngiting sabi ng nanay ni klien.
"Ano po yun nanay?" Tanong ni klien habang nagkukusot kusot ng mata dahil sa mga luha niya kanina
Kinuha ng nanay ni klien ang libro sa tabi ng lampshade ni klien at pinakita ng ngiting ngiti.
"Ito nak" ngiting sabi ng nanay ni klien saka inabot ang libro kay klien.
Tuwang tuwa naman si klien sa nakita dahil sa isip niya ay may bago nanaman siyang babasahing libro.
"Thank you nanay" ngiting sabi ni klien saka ito niyakap.
-
-
-
"Happy birthday anak" ngiting sabi ng nanay ni klien habang pinakita sa kanya ang maliit na cupcake na nilagyan ng maliit na kandila."Ordinaryong araw lang naman po ito nanay bakit pa po may cupcake sayang lang po sa pera" takang sabi ni klien.
"Bakit po pagdumadating ang araw na ito laging may cupcake hindi naman po mahalaga yung araw na ito lalo na kila mommy at daddy kasi ito yung araw na ipinanganak ang malas sa pamilya nila" malungkot na aabi ni klien.
Bumakas sa mukha ng nanay niya ang sakit at awa mula sa narinig sa alaga.
"Sana dumating yung araw na sasabihin din yan sa akin ni mommy at daddy nanay." Dagdag pa ni klien.
Umupo sa harap ni klien ang nanay niya upang maging magkapantay sila saka hinawakan ang balikat nito.
"Anak wag mong sasabihin yan. Special ang araw na ito kasi dito ka binigyan ng life ni jesus. Kaya ka nandito dahil sa pinanganak ka ng araw na ito kaya dapat special ito ok?" Pagpapaliwanag ng nanay niya.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
AksiMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...