THIRD PERSON'S POV
Sa isang napakalaking mansion sa gitna ng malawak na gubat ay nakatira ang isang pamilya. Pamilya ng pangalawa sa pinakamakapangyarihang tao sa buonf mundo.
Lahat ng tao ay hinahangaan sila at hinahangad na mapabilang sa kanilang pamilya gayon din ang sa pinakamakapangyarihang pamilya.
Ang akala ng ng marami ay perpekto ang kanilang pamilya. May isang anak na hinahangaan sa unibersidad na knayang pinapasukan dahil sa angkin nitong katalinuhan.
Ang ilaw ng tahanan na napakasopistikada at maganda pati na ang haligi ng tahanan na may autoridad at maiilang ka kapag siyang iyong tinitigan. Sa mata ng lahat ay perpekto na sila at halos lahat ng tao ay hinahangad na mapabilang sa kanilang pamilya.
Ngunit ang hindi nila alam.
Nasa kabila ny perpekto nilang imahe ay may nakatagong demonyo sa kanilang mga katauhan lalo na't isa silang miyembro ng mafia
Pumapatay ng walang awa at nagpapahirap sa maraming tao.
Kabilang dito ang walang muwang nilang anak na si klein annalise thea elise na buong buhay nilang pinahirapan.
Sa isang maliit na tahanan sa likod ng mala palasyo nilang mansyon ay doon ito lumaki.
Nabait at masayahin si klien. Kasama ang kanyang tagapagalaga o yaya.
Silang dalawa lang ang nandoon at kahit kailan ay hindi pinakilala ng pamilya nila si klien kahit pa mismo sa kapatid nito.
"NANAY HABULIN NIYO AKO" tuwang tuwang sabi ni klien habang nakikipagharutan sa tagapagalaga niya.
"Diyos ko kang bata ka. Tama napagod na si nanay" sagot ng tagapag alaga nito.
Biglang tumigil si klien at lumapit sa tagapagalaga niya.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong nito. Bata pa lang ay matalinong likas si klien sa edad na 4 ay deretso na ito kung magsalita.
"HULI KA" biglang gulat ng tagapagalaga niya at kiniliti siya
"Waaaah tama na nanay hahaha" ilang oras pa nagkulitan ang dalawa ng biglang tumigil si klien.
"Nanay gutom na ako. Pwede na ba tayong kumain?" Nagpout pa si klien para mas maawa sa kanya ang nanay niya.
Napatigil sin ang nanay niya a tila hindi makapagisip ng sasabihin
"Nak ano kasi aish! Paano ko ba ito sasabihin?" Napakamot ng ulo ang nanay niya dahil sa pagkapanic
"HIndi na naman po ba nagpadala ng pagkain sila mommy dito?" Malungkot na sabi ni klien.
Tila nasaktan naman ang nanay nito sa nakikita. Hindi niya rin kasi alam ang sasabihin sa bata. Mula pa ng umaga ay hindi pa aila kumakain at ngayon ay maghahapunan na. Walang magawa ang nanay nito kung hindi yakapin ng mahigpit ang alaga.
"Wag ng malungkot nak malay mo nakalimutan lang" sabi ng nanay ni klien.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
ActionMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...