7: Training I

3.6K 148 81
                                    

Kabanata 7: Training unang bahagi

Sabado ngayon at sobrang nakakapagod para kay Acel ang pag-aaral pero worth naman dahil masaya siya. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang kasiyahan lalo na't isa ito sa pangarap niya, ang makapag-aral.

Sa School ay laging pinapalayo ni Althea si Acel sa kanya pero dikit ng dikit pa rin si Acel dahil masarap itong kausap para sa kanya.

Madalas na si Althea ang naghahatid ng impormasyon kay Acel ng mga dapat niyang gawin, hindi naman judgemental si Acel para hindi magustuhan bilang kaibigan si Althea. Bumabase sa attitude si Acel kung sakaling magkaroon siya ng kaibigan.

Nagpapahinga siya sa sala mga 6:30 ng umaga habang nakasaksak ang earphone sa kanyang tenga at nakikinig ng music. Biglang may pumasok na tao pero hind na ito pinansin ni Acel dahil alam niyang si Althea lang ang pumasok. "Hi Acel! Pinapasundo ka ni EK may training daw kayo. Dalawang araw ka doon, o baka mas matagal," Ngiting sabi ni Althea.

Kaagad namang pumanik sa taas si Acel at naghanda ng mga gagamitin. Nilagay niya iyon sa kanyang Bag saka sinalanaan ng maayos. Naglagay siya ng towel, extra shirt, pants, at undergarments na good for one week isama pa ang tubig at first aid kit bago niya napagpasyahang bumaba.

Naabutan niya si Althea na nanonood ng Palabas doon. Pero mabilis namang napansin ni Althea ang presensya niya kaya tumingin ito kay Acel at ngumiti. "Lets go," tumayo si Althea saka lumakad palabas habang si Acel naman ay sumunod lang sa kanya

"Gumamit ka ng isa sa kotse mo aalis din kasi kaagad ako," saad ni Althea. Kinuha naman ni Acel sa bulsa ang susi ng Porsche Panamera na kotse saka siya sumakay at nag-drive kasunod ni Althea.

Napansin ni Acel na ang dumadami ang puno sa kanilang paligid. Pero hindi nagreklamo si Acel dahil may tiwala siya kay Althea. Mayamaya tumigil sila sa isang malaking puno. Umatras lang sila ng konti at umandar ulit.

Kita sa mukha ni Acel ang pagkamangha ng biglang naging daan ang puno pababa. Napakabilis ng pangyayaring ito dahil hindi inaasahan ni Acel na sa ilalim ng lupa pala ang kanilang destinasyon. Sinundan niya ito at mas lalo siyang namangha dahil parang nakakita siya ng isang palasyo. Isang malaking palasyo na akala mi sa Europe mo lang makikita.

Parang wala rin sila sa ilalim ng lupa dahil may araw din dito. Ang kaibahan lang, teknilohiya ang gamit para lang magkaroon ng araw at buwan. Napakaganda din ng paligid, napakalawak at puno ng magagandang view. Ang pinakamaganda sa lahat at talagang una mong mapapansin ay ang Malaking palasyo na nasa gitna. Hindi inakala ni Acel na may ganito sa Pilipinas.

"We're here," mabilis na sabi ni Althea. Agad namang pinark ni Acel ang kanyang kotse saka bumaba. Pagbaba pa lang niya ay agad niyang nakita si Hestia na may nakasunod na mga maids at butler.

Dumaan sila sa main door nagulat na lang siya ng biglang may kulay violet na parang shield sa buong Main Door pero dumiretso lang sila kaya hindi ko na pinansin.

Nang nakapasok na si Acel sa loob nakaramdam siya ng mainit sa batok ko pero hindi nakakapaso dahil masarap sa pakiramdam sa totoo lang. Nakarating sila sa isang silid kung saan mabilis na nakita niya ang isang babaeng nakamaskara. Mas nagulat si Acel dahil katabi ng babaeng may maskara si Althea na nakangiti sa kanya.

"Acel, si EK mismo ang nag-utos sa akin na ipadala ka dito. Aalis na ako dahil may pupuntahan pa ako sa West Wing ng Underground Castle. EK aalis na ako," tumango naman si EK kaya mabilis na umalis si Althea sa harap niya.

Sumenyas ni EK kay Acel na isara ang pinto at paalisin ang mga tao kaya agad na sumunod ang kanyang tauhan sa kakalabas lang na si Althea. Hindi lumabas si Hestia sa silid dahil umupo pang ito sa Sofa na nasa dulo at tiningnan lang sila ng walang emosyon.

Tumingin si Acel sa babaeng nakamaska at nakita niyang tinanggal nito ang maskarang suot. Doon nag-sink sa utak ni Acel na ito ang babaeng nagligtas sa kanya sa mga lasing. Ang babaeng dahilan kung bakit nararansan niya ang lahat ng mayroon siya ngayon.

"So Mr. Quilvick you're because you will become a part of my empire, the Phantom Empire. I will train you for you to fit in my life. Being part of my life is risky so you should know how to defend your self," malamig na saad ni EK. Umupo rin si EK sa tabi ni Hestia saka nag-cross legs.

"Let me teach you some basic moves from taekwando and judo for now then tomorrow you will enter the skill room for me to know what did you learn. Do you understand?" Saad ni EK habang in-emphasize niya ang huling pangungusap.

Tumango lang si Acel sa kanya bilang pagsagot. Nakakasindak ang boses ni EK halatang makapangyarihan at may authority. Siya 'yung tipo ng tao na hindi mo dapat binabangga.

"For now I want you to run 5 laps around this training room if you stop back to zero. Now go," sabi niya in cold tone. May pabilog na guhit ang paligid ng training room. Iyon ang sinundan ni Acel sa pagtakbo. Agad akong tumakbo ng tumakbo kahit hinihingal na siya hindi pa rin siya huminto. Ayaw niyang mag-back to zero.

Isang oras ang lumipas ng matapos niya ang 5 laps ng binato siya ni EK ng bote ng tubig. "5 minutes break then run for 10 laps," mas malamig na saad ni EK. Walang sinayang na minuto ng pagpapahinga si Acel dahil napaka-ikli lang nito. Agad siyang tumakbo muli para matapos ang 10 laps.

3 ½ oras siyang tumakbo bago matapos ang 10 laps. Pinagpahinga siya ng five minutes ni EK saka pinag-push up ng 50 push ups. Agad siyang dumapa at pumorma para sa push up. Hirap pa ang katawan niya at nanginginig na rin ang paa at kamay niya sa pagod dahil na rin sa pagtakbo.

Nasa 21 pa lang si Acel ay bumigay na ang katawan niya. "Iyan lang ba ang kaya mo? I thought you are determined to be strong? Back to Zero, 50 push up now," malamig na saad ni EK. Napalunok naman si Acel at nagsimula ulit

Pagkatapos ng 50 push up, nahimatay na si Acel. "Such a weak man, how did he become him?" Inis na sabi ni EK. "My Queen, give him a chance. According to my test he is him 100%," walang emosyong saad ni Hestia.

"I know, after Althea do her personal business summon her on my office," malamig na saad ni EK. "I will my Queen," sagot ni Hestia at walang sabi-sabing binuhat si Acel gamit lamang ang isang kamay. Dinala niya si Acel sa kwarto nito saka nagsulat si Hestia at nilagay sa gilid ang note.

Tomorrow 6 am don't be late or you will be dead as meat

Ek

--*--

5:20 am. Nagising si Acel at nakita ang note na iyon na nakalagay sa gilid.

Kaagad siyang napabangon at mabilis na nag-ayos ng katawan saka siya nagmamadaling bumaba. Pumunta siya sa dinning at doon ay pinagsilbihan siya ng mga katulong. Nagsabi pa si Acel na siya na lang ang gagawa ng mga iyon pero sinabi na lang ng mga katulong na trabaho nila iyon.

Nang natapos ay pumunta ulit siya sa training room daw at doon ay nadatnan ulit ni Acel si EK na mask ng nawala na ang tao sa paligid, ay tinanggal niya na ito. "I'm quite disappointed to your performance yesterday, don't you know that?" Malamig na saad ni EK. Napalunok naman sa takot si Acel dahil na rin sa lamig ng boses ni EK.

"Follow me," agad namang sumunod si Acel. Takot kasi siyang magalit si EK.

"Back to beginning, 10 laps around the TR," malamig na saad ni EK. Mabilis namang tumakbo si Acel sa ikot sa TR. 'Mahabang araw na naman ito para sa akin,' saad sa isip ni Acel.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon