Kabanata 2: Save
Naglalakad si Marco sa madilim na eskinita ngayon. Ginabi kasi ito sa trabaho. Malamig ang simoy ng hangin lalo na't maghahating-gabi na. Niyakap niya ang sarili habang patuloy na naglalakad sa madilim na daanan.Nagkakaroon naman ng kaunting liwanag kapag nagkakaroon ng kulog at kidlat. Madilim sa paligid lalo na't natatakpan na ng maitim at makapal na ulap ang buwan na dapat sana ay masisilbing ilaw sa kanyang dadaanan.
Mas nakapagpadilim ay ang patay-sinding ilaw sa dinadaanan niya. Siya na lang ang bumubuhay sa sarili niya dahil para sa kanya, walang kwenta ang mga magulang niya. Tatlo kaming magkakapatid noon. Pero sa kasawiang palad, matagal ng namatay ang dalawa niyang kapatid.
Namatay ang dalawa sa pangbubugbog ng magaling niyang ama. Sugalero sila ng kanyang Ina. Walang ginawa kung hindi ang uminom at magsugal sa buong araw. Halos doon na tumira sa sugalan ang kanyang mga magulang dahil sobra itong nalulung doon. Kung minsan pa ay pati pera niya ay nadadamay minsan dahil kinukuha ito ng kanyang mga magulang. Labis-labis ang galit dito nito Marco. At alam niya na baka hindi na niya mapatawad ang mga ito hanggang sa siya ay mamatay.
Tinatanong niya sa sarili niya kung bakit sila ang naging magulang niya. Pakiramdam niya ay napakamalas niya sa buhay na para bang sinalo na niya lahat ng kamalasan sa mundo.
Matalino si Marco. Maparaan, mabait, at higit sa lahat pursegido sa buhay. Gusto niyang umahon sa kahirapan pero hindi niya alam kung paano.
Valedictorian siya ng nagtapos sa Elementary at High School. Kasundo niya lahat ng teacher dahil nga pagiging matalino nito.
Tahimik itong tumatanaw ng mga alaala kasama ang kanyang mga kapatid. Naglalakad ito ng tahimik pero mabilis dahil alam niya na malapit ng bumagsak ang ulan. Halata na sa itsura ng langit kaya hindi niya na napansin na ang nadaanan niya ay ang eskinita kung saan may gumagamit ng droga at nag-iinuman.
Sanay na siyang makakita nito pero hindi matatanggal sa kanya ang takot lalo na't wala siyang mahihingian ng tulong.
"Pare halika sama ka sa amin tagay tayo," sabi nu'ng isang lasing. Nagsalin pa ito ng alak sa maliit na baso saka itinaas papunta sa direksyon niya.
"Ah hindi na po salamat na lang," mahinang sambit ni Marco saka pilit na naglalakad ng mabilis para malamapasan ang mga ito. Pero pakiramdam niya ay slow motion ang lahat dahil nahablot pa siya sa balikat ng isa sa mga kasamahan nito.
"Aba sino ka sa akala mo? Nagawa mo akong tanggihan? Hoy bata! Wala pang nakakatanggi sa amin!" sabi nu'ng isa pa niyang kasama. Nanlilisik ang mga ito at napakatapang ng ekspresyon. Mas lalong kumabog ang puso niya sa kaba. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakakapit nito sa kanyang balikat.
"Kailangan mong matuto ng leksyon!" Galit na sabi ng pangatlong lasing. Nagpatunog pa ito ng kamay habang ang may hawak kay Marco ay kinuha ang mga kamay nito at inilagay sa likod. Pilit namang kumakawala si Marco sa pagkakahawak nito perp sadyang napakalakas nito para sa kanya. Mga brusko at may tattoo ito sa katawan kaya mas lalo siyang na-intimida sa mga ito.
Pipi itong nagdarasal na sana... Sana may taong tumulong sa kanya kahit imposible na lalo na't masyado ng malalim ang gabi. Wala ng ideya sa oras si Marco ngayon dahil nakatuon lang siya sa kung paano siya makakaligtas sa mga kamay ng mga ito.
"T-tama n-na! P-pakiusap 'w-wag niyo akong s-sasaktan!" nanginginig na ang boses ni Marco pero parang bingi ang mga ito. Tumawa pa na parang baliw nangingiti-ngiti pa na parang aso.
"Tuturuan ka namin ng leksyon para magtanda ka!" Mas lalo pang nakapagpatakot kay Acel ang paglapit nito sa kanya.
Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. Wala siyang magawa kun'di ang magmaka-awa na 'wag siyang saktan. Pero parang napakadamot ng tadhana dahil nakaramdam na siya ng sakit sa tiyan. Kasabay pa nito ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Napakabilis ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
AksiMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...