17: Ranking Tournament

2.6K 87 4
                                    

Kabanata 17: Ranking Tournament

"Okey class we will have a Project by pair. I'll give your partner today," announce ng Professor nila Althea. Isa-isa silang tinawag kasabay ng ka-partner nila. Ang naging magkapareho naman ay si Acel at Althea.

"Yuck! Why did she become Prince Acel's partner, it should be me!"

"Oo nga siguro binayaran niya ang Professor natin"

"Mali ka diyan girl! poor nga siya 'di ba?"

"Ay oo nga pala"

Nagtawanan naman ang lahat dahil dito.  Sa loob ni Althea inirapan niya na lang ang mga ito. Naisip niya pang ipa-bankrupt ang mga kumpanya nila dahil hindi nila alam kung sino ang binabangga nila.

--*--

Ngayon ang unang araw ng Tournament para sa Ranking ng bagong Obnoxious Gang. Umaabot ang Ranking Tournament ng Isang Linggo. Required ang lahat na sumabak dito. Pero may gabi-gabi namang gang fight sa loob ng Arena. Naging in-active dito ang Power Gang na ngayon ay Obnoxious Gang na sa loob ng isang taon. 

Naghahanda ang OG para sa kanilang misyon na ibinigay ni EK para sa pagpatay ng sampung Gang na traydor sa underground.

Tiningnan ni Acel ang listahan ng lahat ng gang.

Falling demons gang

Hell gang

Demonic gang

Bloody hell gang

Demon hell gang

Night fury gang

Phoenix gang

Vertous gang

Blood bath gang

Wicked demons gang

Mr Ryan Quivas, Eight Of High Council.

Alam ni Acel na ilang tao muna ang pinatay ng miyembro ng Gang niya bago sila pinadala dito. Ang sinabi ni Hestia kay Acel na maayos na ang Mental Health ng lahat sa method na ginamit nila. Kailangang maging stable ang lahat bago sila bumalik.

"So guys , okay na ang plano, patayin lang ang nasa mga na nasa folder na ito," tumango silang lahat at ngumiti. Iniisip ni Acel kung anong method ang ginamit nila after ng first kill ng lahat.

"Yes leader," sabay-sabay nilang sabi. Napangiti si Acel sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng lahat.

Mayroon silang Costumize Signature Bike at Car ng mga Agents kaya hindi na sila nahirapan pa sa mga sasakyan.

Nang nakarating na sila sa Arena o ang Death Zone ay isa-isa kaming pinakilala.

Mahina lang ang presensyang pinalalabas nila para sa plano. Isa ito sa mga training na tinuro sa kanila ni Althea kaya madali na lang sa grupo.

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon