22: Past

2.3K 72 7
                                    

Kabanata 22: Past

Year 19**

"HON MANGANGANAK NA AKO" sigaw ni Mrs Claire Quilvick sa asawa niya na si Mr Rey Quilvick. Bigla namang nag-panic ang buong Mansyon sa kaalamang manganganak na ang asawa ng kanilang Master.

"Kuya! pahanda ng kotse saka pakilagay na ang gamit ng baby sa koste," sigaw ni Rey. Mabilis siyang kumilos at nag-utos pa ng ilang gawain sa iba.

Agad niyang binuhat ang asawa, kasunod nito ang mayordomang si Lisa. Inilagay ni Rey ang asawa niya sa back seat at inalalayan naman ito ni Lisa. Sumakay ang isang body guard sa passenger seat at sa driver seat naman si Rey. Binilisan na nila ang pagda-drive. Habang si Claire naman ay hapong-hapo at pinipigilan ang paglabas ng bata hanggang sa makarating sila sa ospital.

Pinaharurot na niya ang kotse niya hanggang sa makarating sila sa hospital.

Kinuha ng mayordoma ang gamit ng baby, samantalang si Rey ay kinuha ang asawa at patakbong pinasok sa hospital.

"Doc nurse I need assistant please!" Pasigaw na sabi ni Rey. Dala-dala niya ang asawa at patakbong sinalubong ang stretcher. Agad na dumating ang mga nurse na may dalang stretcher.

Inilagay doon ni Rey ang asawa saka sinamahan ito at hawak-hawak ang kamay. Nag-aalala siya para sa asawa.

Halos hindi na makapagsalita ang asawa ni Rey na si Claire at mahigpit na hinahawakan ang kamay nito.

"Hon everything will be fine you don't have to worry," sabi ni Rey kay Claire. Hinalikan ni Rey ang noo ng asawa kaya napanatag ito.

"Naihanda na po ang Labor Room," sabi ng isang nurse.

Ipinasok na sa Labor Room si Claire at pinaltan na ng hospital gown. Ganu'n din si Rey nagpalit na rin ito ng hospital gown saka pumasok sa Labor Room.

"Pwesto na, Mister," sabi ni doctora Alfonso. Tumango si Rey dahil na rin sa nagkaroon na sila ng training sa panganak bago ito nangyari.

Pumuwesto naman si Rey sa gilid ni Claire at hinawakan ang kamay ng asawa.

"You can do it hon! para sa baby natin. Isipin mo na lang na pagtapos nito masisilayan na natin si Baby Acel," sabi ni Rey kay Claire. Ngumiti naman si Claire kahit hapong-hapo na. Nanghihina na siya sa nangyayari.

"O-oo k-kakayanin k-ko," nanghihinang sabi ni Claire.

Halos magkabali-bali ang buto ni Rey dahil kay Claire. Malakas ang asawa niya dahil isa silang assassin. Pero parang wala lang ito sa kanya dahil nakikita niya na nahihirapan ang asawa. Para sa kanya ay maliit na bagay lang ito kung para sa sakit na nararanasan ng asawa. Hindi rin naman mahina si Rey.

Naging worth it naman ang lahat ng narinig ng mag-asawa ang unang iyak ng prinsepe nila. Napangiti ang dalawa dahil dito.

"Tapos na Claire," sabi ni Rey at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Claire. Ngumiti sa kanya si Claire at unti-unting nakatulog sa sobrang pagod.

Pinangalanan nilang Acel Tame Quilvick ang kanilang anak.

--*--

Ilang araw lang pagkatapos manganak ni Claire ay na-discharge na ito ni Rey.

At ilang buwan pa ang lumipas ay napabinygan na rin ang kanilang anak.

Ngunit ng pauwi na sila galing sa reception ng binyag ay. . .

"Hon mag-seatbelt ka! Yakapin mong maigi si Baby Acel," seryosong saad ni Rey sa asawa habang nagmamaneho ito.

"Bakit Hon? Anong nangyayari?" Pag-aalala ni Claire saka ginawa ang sinabi ni rey na mag-seatbelt at yakapin ng mabuti si Baby Acel.

"Wala tayong preno, kaya maging constant ang takbo ng kotse. Ibabangga ko ito sa puno para tumigil," sabi ni Rey.

Natatakot man ay nilakasan ni Claire ang loob para sa kanilang anak na wala pang muwang.

'Diyos ko wag niyo sanang pababayaan ang akong anak' sigaw sa isip ni Claire.

Mayamaya ay nakahanap na ng magandang puno si Rey para sa pagbabanggan nila. Para madali silang makita ng makakatulong sa kanila.

"Ibabangga ko na ito kumapit kang mabuti," sabi ni Rey saka niya ito ibinangga.

Sumalpok naman sila saka lumabas ang airbag dito. Doon sila sumubsob pero nawalan pa rin ng malay ang mag-asawa.

Malapit lang sa pinangyarihan ng bangga, may isang lalaki ang naka-hood ang pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan ng mag-asawang Quilvick. May nakakakilabot itong ngisi na pinorma ng kanyang labi.

'Ngayon mararanasan mo ang naranasan ko noon Rey. Simula na ng hinagpis mo' sabi nito sa isip.

Binuksan ng lalaki ang pinto ng Passenger Seat saka kinuha ang umiiyak na batang nakayakap kay Claire saka ito umalis.

Pagkaalis na pagkaalis nito, ilang minuto ang nakalipas ay may mabubuting loob ang naglabas sa mag-asawa sa kotse. Isang itong Doctor kaya alam nito ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

Pagkalayo nila sa sasakyan ay saka ito sumabog.

Mas binilisan ng Doctor ang pagmamaneho ng kotse dahil alam niya ang kalagayan ng dalawa na maaari itong mamatay dahil sa natamo nilang sugat sa ulo. Naisugod sa ospital ang mag-asawa saka agad ding inoperahan.

Sa kabilang dako naman ay. . .

"Patayin mo ang batang 'yan at siguraduhon mong hindi mabubuhay kung hindi mananagot ka sa akin," walang pakialam na utos ng lalaking naka-hood.

"Masusunod po pinuno," sabi ng babae.

Saka ito umalis. 'Yung lalaki naman ay biglang tumawa na parang demonyo.

"Rey, Rey, Rey!! Kawawang Rey. Hindi man lang niya na makikita ang paglaki ng anak niya dahil mamamatay na ito. Ngayon mararanasan mo na rin ang naransan ko sa ginawa mo sa ama ko. Mararamdaman mo ang naramdaman ko noon at doble pa dahil anak mo ang nawala." Tumawa ng napakalakas ang taong ito. Halos manginig sa takot ang mga tauhan niya sa sobrang takot.

"Babagsak ka na rin Rey Adam Quilvick," ngisi nitong sabi.

Sa ospital kung nasaan na-admit ang mag-asawa, na-asikaso na sila ng Org, lalo na ang kanilang expenses. Nagising si Claire sa pagkaka-coma na nasa gilid nito ang asawa.

Mas malala ang naging pinsala kay Claire dahil sa pagprotekta nito sa anak nito na ngayon ay nawawala.

Nabg maramdaman ni Rey nagising na si Claire ay agad itong napabangon. Bakas sa mukha ang puyat at pagod sa paghahanap kay Baby Acel.

"Nasaan si Baby Acel?" Bungad nito.

"Hon magpahinga pa muna," bakas sa boses ni Rey ang kalungkutan kaya napa kunot ang noo ni Claire.

"Nasaan si Baby Acel, Rey!" sigaw nito.

"M-may k-ku-mu-ha s-sa, k-kan-ya," utal-utal na sabi ni Rey.

Mayamaya ay nagwala na si Claire habang umiiyak ganu'n din si Rey na doble ang sakit na nararamdaman.

Tatlong buwan ang nakalipas mula nang nagising si Claire. Hindi sila tumigil sa paghahanap.

"Sir may natagpuan kamong bangkay ng baby sa laguna. Sunod po ito at naagnas na ito po ang mga gamit nasa **** Funeral na po ang bata," report ng pulis.

Agad nilang inabot ang isang talang may nakaburda na pangalan ni Baby Acel na madumi.

Pagkatapos hawakan ni Claire ang telang ito ay pinagmasdan lang ng kaunti saka ito biglang umiyak.

Pilit mang inaalo ni Rey si Claire hindi niya din magawa dahil sobra siyang nasakyan na malamang patay na ang panganay nila.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon