Kabanata 10: Devin Ice Clark Eshton
Unti-unting minulat ni Dice ang mata niya. Ang nakita niya lang ay puting ilaw. Napakunot ang noo niya at tinanong sa sarili kung nasa langit na ba siya o baka nasa impyerno lalo na'isa siyang makasalanang tao.
Alam niya sa sarili niya na marami na siyang napatay na tao kaya hindi siya karapat-dapat sa langit kun'di ang kapatid niya lang.
"Master Dice, gising na po kayo. Jusko sandali lang tatawag ako ng doktor," sabi ng isang boses na pamilyar sa kanya. Hindi niya kasi ito maaninag dahil blur ang paligid ang paningin niya.
Mayamaya ay dumating na ang mga doktor at nagsagawa ng initial test para kay Dice. Doon na luminaw ang paningin niya kaya nasabi na ng doktor na Completely Healed na siya.
Lumapit sa kanya si Nanay Aly na siyang kinagulat niya. Hindi niya inaasahang makikita ang taong nag-alaga sa kapatid ng mahabang panahon. Tinanong niya ang sarili kung tama ba ang nakikita niya o namamalik mata lang siya.
"Master Dice," bati ni Nanay Aly at bahagyang nag-bow kay Dice bilang pagalang.
"Nay, no need for that. Hindi ka na rin naman tauhan ng pamilya namin," dating tauhan ng kanilang pamilya si Nanay Aly pero ngayon ay hindi na. Siya ang nanny ng kapatid niya simula pagkabata. Baby pa lang ang kapatid niya ito na ang nag-alaga. Wala kasing pakialam ang magulang niya simula umpisa pa lang kaya
Ito ang tumayong ina ng kapatid niya. Siya ang kasama niya sa hirap na dinanas niya sa kamay ng kanyang magulang. Siya at wala ng iba pa. Kaya nga malaki ang utang na loob ni Dice sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-aalaga sa kapatid nito.
Itinuring niya itong anak at isang babasaging porselana. Kahit mahirap ang dinanas nilang dalawa hindi niya ito iniwan kahit hindi niya ito kaano-ano.
Kahit hindi sila nakakakain ayos lang basta okay lang din ang kapatid ko. Siya rin ang tumutulong kay Dice para makita nito ang kapatid ng pasekreto. Kaya sobra siyang nagpapasalamat sa kanya.
Kaso nang inakala nilang namatay ang kapatid ni Dice, pinalayas na rin si Nay Aly. Wala rin kasi daw siyang silbi pa. May bago na itong trabaho ngayon at sa tingin ni Dice ay masaya na ito sa bagong buhay.
"Mabuti at gising na kayo Master Dice," bati ni Nay Aly. "Nay I told you no need for the formality. Drop the Master just Dice," mahinahong saad ni Dice habang nakangiti pa.
"Okey Dice," ngiti niyang sabi.
"Kamusta Dice may nararamdaman ka ba?" Tanong ni Nay Aly.
Hanggang sa naalala niya 'yung pagsabog pinakiramdaman niya ang sarili at nagtanong bakit parang wala siyang galos.
"Nay, ilang taon na ba akong natutulog?" Takang tanong ni Dice. Napatawa naman si Nay Aly dahil sa itsura ni Dice.
"Dalawang linggo lang ihjo," ngiting sabi ni Nanay Aly.
"Pero bakit wala akong galos?" Takang tanong ni Dice.
Alam niyang dapat marami siyang galos dahil malakas ang impact ng kotseng sinasakyan sa kanya.
"Pinasok ka kasi sa Healing Tube kaya ganyan. Nandito ka sa kuta ng Phantom Empire," nanlaki naman ang mata ni Dice dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Nanay Aly sa kanya.
"Se-seryoso," hindi makapaniwalang tanong ni Dice pero tumango lang si Nanay Aly bilang sagot. Pagkatapos ng ilang segundo, biglang sumeryoso si Dice sa harap ni Nanay Aly.
"Paano ka nakapasok dito nay," seryoso niyang tanong.
"Buhay ang kapatid mo Dice. At isa siya sa may mataas na katungkulan sa Phantom Empire ngayon. Kinuha niya ako isang buwan pagkatapos mong inakalang patay na siya. Simula noon hindi na ako lumabas ng underground," ngiting sagot ni Nanay Aly na nagpakunot ng noo ni Dice dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari.
"Underground?" Tanong muli ni Dice.
"Oo nasa underground tayo Dice. Ito ang main head quarters ng Phantom Empire ang Underground Castle. Lumalabas ako ng palasyo pero hindi na ako tumaas pang muli sa kamaynilaan. Walong taong na rin ako dito," paliwanag ni Nay Aly. Nagliwanag naman ang mukha ni Dice saka hinawakan ang kamay ni Nay Aly.
"Ibig sabihin buhay ang kapatid ko at nandito siya? Nay pwede ko po ba siyang makita?" Masayang tanong sa kanya ni Dice.
Biglang sumaya ang puso niya ng marinig ang balita. Nakahinga rin siya ng maluwag. Para sa kanya mabuti't nakaligtas si siya sa pagsabog na yun.
Alam niya ring may dahilan kung bakit hindi ito nagpakita sa kanya. At kung ano man ang rason na iyon tatanggapin niya atleast buhay ito at makakasama niya pa siya ng mahabang taon.
"Pero Dice binabalaan kita. Hindi na magkaugali ang nakilala mo noon at ngayon. Marami silang pagkakaiba. Nagbago siya simula noon," Malungkot na sabi ni Nay Aly.
"Nawala na ang masayahing siya pati pagiging positibo niya sa buhay ay nawala na rin. Natabunan na siya ng galit at pagkasuklam niya sa magulang mo. Naging brutal at walang awa ang kapatid mo. Alam mo ba tuwang-tuwa pa yang kapatid mo makakita ng dugo. Marami na siyang napatay na masasamang tao hindi naman kasi pumapatay ng inosente ang Phantom Empire pinapatay nila 'yung mga taong wala ng karapatan pang mabuhay," dagdag pa nito
Mayamaya biglang bumukas ang pinto may babaeng cold ang dumating, walang iba kung hindi si Hestia niya.
"She wants to see you Nay Aly," cold na sabi nito. Halos tayuan ng balahibo si Dice ng marinig ang boses nito.
"With you," sabay tingin sa kay Dice. Nakita ni Dice ang mata nito ba para bang patay na ang taong nasa harapan niya. Napalunok na lang si Dice ng hindi inaasahan.
"O sige pupunta na kami," sabi ni Nay Aly.
Inayos si Dice ni nay aly. Inilagay niya ito sa isang wheel chair bago itinulak papunta sa opisina ng kanyang kapatid.
"Nay kaya ko naman maglakad," saad ni Dice pero ngumiti si Nay Aly saka sinagot ang sinabi niya.
"Hindi pwede nak. Magagalit ang kapatid mo kapag pinalakad ka," sabi ni nay Aly kaya nanahimik na lang si Dice. Baka mas lalo pang magalit ang kapatid niya sa kanya kung nagkataon. Gaya nga ng sabi ni nay Aly sa kanya. galit ito sa pamilya nila.
Napuno ng katahimikan ang hallway dahil wala sa kanila ni Nay Aly ang nagsasalita.
Nakita ni Dice ang napakagandang interior design ng lugar. White and gold ang theme ng buong hallway. At parang kumikinang sa sobrang liwanag ng paligid.
Alam niyang favorite color niya ang dalawang color na ito pero nagtaka siya bakit walang lila na paborito nitong kulay.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa tumigil sila sa dulo ng hallway. Sa isang violet with gold na pinto.
Bigla namang kinabahan pero excited din ba sa wakas makikita niya na ang kapatid.
"Nandito na tayo nak papasok na ba tayo?" Tanong ni nay Aly.
Tumingin si Dice sa kanya at huminga ng malalim. Saka niya pinilit ang sarili na kayanin ang pagpasok sa loob.
"Opo nay okay na po ako buksan niyo na," ngiting sabi nito.
Binuksan na ni nay Aly ang pinto pagkatapos nito kumatok. Mas lalo lang nadagdagan ang nararamdamang emosyon ni Dice ngayon lalo na ng tuluyan ng nagbukas ang pinto. Tinulak ni Nay Aly ang Wheel Chair sa loob saka sila lumiko sa gilid at nakitang may opisina doon. Dito ay napuno na ng kulay lila ang opisina na alam niya na kung bakit.
May babaeng pumipirma ng mga papeles nakatingin lamang siya dito ngunit ramdam mo na alerto siya.
"Its good to see you alive and kicking kuya Clark," nakangiti at mababang tone nitong sabi. Mas lalo tuloy kinabahan si Dice pero hindi niya rin maipaliwanag ang sayang naramdaman ng tinawag siya nitong Kuya Clark. Nakangiti man siya, pero iba ang nararamdaman ngayon ni Dice. Dahilan din para mangilabut kilabutan siya. Alam niya na sa sarili niya na siya nga ang kapatid niya, walang iba kung hindi si Althea.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
ActionMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...