Kabanata 8: Training ikalawang bahagi
Tatlong taon ang lumipas, araw-araw pumapasok si Acel ng may pasa sa katawan. Walang nakakapansin nito lalo na't sa katawan lang ang mga sugat. At sa loob ng 3 taon na iyon, marami siyang natutunan. Nasa Third Year na siya ng Collage at dalawang taon na lang, ga-graduate na siya.
Tumigil sila sa isang pintuan agad din silang pumasok sa loob. Nakakita suya ng metallic door sa kanan katabi ang malaking clear glass window.
Tapos may buttons sa harap nito at upuan. Para itong Recording Studio kaso malawak ang loob at puro robot.
"Now you will enter that metallic door and show me what you learn for the past year to me," tumango si Acel saka huminga ng malalim bago pumasok.
"Beginners level activated," isang robotic voice ang narinig niya sa paligid kasabay ng pagbabago ng paligid.
"Remember all you learn for the past 3 years now," malumanay na saad ni Kate sa kanya. Ito ang pinaghandaan niya sa nakalipas na buwan. Ayaw niyang ma-disappoint si Kate kung sakali mang matalo siya. Siya na mismo ang unang sumugod sa lahat ng robot sa paligid. Nag-form si Acel na parang isang kabalyero na handa ng lumaban.
Kailangan niyang mapatunayan ang sarili niya kay Klien para worth it ang lahat ng pagod nilang dalawa. Unang sumugod 'yung nasa kaliwa niya at susuntukin dapat siya pero umiwas naman si Acel at sinipa ito kaya natumba kaagad ito.
Sumunod ay 'yung sa kanan kaya sumipa siyang muli. Paisa-isa lang ang lumalabas na robot dahil na rin sa beginners level lang ito. Ngayon ay siya naman ang sumugod saka sabay na sinuntok ang mukha ng robot. Akala mo sa una metal ang mga robot pero parang sa tao rin ang balat nito kaya hindi masyadong masakit kapag nagkaroon ng direct contact si Acel sa kalaban.
Kinuha niya yung ulo nu'ng dalawang robot at pinag-untog niya kaya natumba sila. Hinanda niya na kaagad ang sarili sa maaaring mangyari dahil alam niyang hindi ito magiging madali.
--*--
Hingal na hingal si Acel dahil na rin sa pagod. Tagaktak na ang pawis niya at ang suot niya ay puno ng dugo at pawis. Habol-habol hininga siyang lumabas ng training roon pero nawala ito pagka-alis niya sa kwarto. Nagulat pa siya lalo na't kahit nasa damit niya pa rin ang dugo at Pawis, parang hindi siya nakipaglaban sa maraming Robot. Natapos niya ang hard Level ng training na ito.
"Great job Acel just rest for one hour and we will proceed to your sense later," malamig na saad ni Klien. Pagkatapos ng eksaktong isang oras ay bumalik si Klien. Akala ni Acel ay male-late ito ng kaunti pero hindi pala. Tiningnan niya lang si Acel gamit ang pinakamalamig na tingin ni Kate. Tiningnan niya ito na parang sinasabi niyang tumayo ka.
"Get up we still have a training," nagsitayuan ang balahibo ni Acel dahil na rin sa lamig ng boses ni Klien na parang hinukay sa ilalim ng lupa. Natagpuan na lang ni Acel ang sarili niya na nasa malawak silang garden na malapit sa isang maze. Pinaupo niya si Acel sa isang bato at pinag-blindfold.
"Concentrate and feel the presence of your surrounding. Try to avoid the stones. Just like your training before Understand?" Tumango naman si Acel, huminga ng malalim, at tinanggal ang ang mga iniisip niya. Ginawa niya ang lahat para makapag-focus.
Mayamaya nakaramdam kaagad siya ng kirot sa bandang balikat. Hindi niya inaasahan iyon dahil mas mabilis ito sa mga binato sa kanya sa training nila noon.
"Feel the presence of the stone and avoid it," wala pa ring emosyon at malamig pa rin ang boses niya. Nagbato ulit si Klien ng bato kaso hindi niya ulit naiwasan. "Focus and clear your minds," dagdag ni Klien. Nag-consentrate ulit si Acel at inalala ang kanyang training para sa kanyang sense. Ngayon, mas matinding pagpo-focus ang ginawa ni Acel.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
ActieMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...