Kabanata 19: Traitor II
Napatawa si Klien habang pinapanood ang mga laban ng Obnoxious Gang. Malalaki ang in-improve nila. Pero kung pagbabasehan ang standard ng Mafia Category, masyado pa silang mahina. Gayu'n pa man, magandang simula ito.
Natutuwa siya sa paraan kung paano pinatay ni Nicolo ang Bloody Hell Gang. Iniisip niya tuloy na karapat-dapat na mabigyan sila ng Reward galing sa kanya.
Tinawanan niyang muli ang kanyang kalaban. Sigurado siya na nagdiwang ang mga ito dahil nakapasok sila sa Underground. Pero ngayon, magagawa pa rin ba nilang magsaya pagkatapos niya silang patayin?
--*--
Maagang pumunta ang lahat ng Gangster sa Death Zone para sa pang-apat na araw ng Tournament. Kahapon ay nakapagpahinga ang buong miyembro ng OG dahil na rin sa wala silang laban. Ngayong araw ay mayroon silang dalawang laban.
Hinuli ang laban sa pagitan ng Obnoxious Gang at ang makakalaban nitong Demon Hell Gang. Save the best for the last ika nga nila.
Nang magabi ay sinimulan na ang labanan. Tatlong oras silang naghintay bago tinawag ang kanilang grupo. Ngayon, ang tumaas naman ay si Blood Six o si Ricky.
Nang mag-buzzer ay nagsimula na siyang maglabas ng scytana kuword. Sabay na nakalabas ang blade ng scythe at ng katana sa magkabilang dulo nito.
Susugod sana ang Demon Hell, pero nang makita nila ang armas ni Blood Six ay napatigil sila.
"This is scytana kuword that is made by me. It has four face weapon inside of this weapon. Ang Scythe, Katana, Swords, and kunai. Ang kaiba lang sa mga nakita ninyong weapon na ipinalabas ng gangmate ko ay kaya nitong mag-summon ng dalawang weapon ng sabay," sabi nito saka sumugod.
Mayamaya ay tumba na silang lahat at may laslas sa leeg. Hindi na niya pinatagal pa ang laban dahil ayaw niya rin namang makipaglaro. Bumaba na siya pagkatapos ng laban niya. Ang lahat naman ay natahimik dahil sa ginawa ni Blood Six. Mas mabilis pa ito sa ibang laban ng kanyang kagrupo.
Dahil sa laban na ito, tumaas ang rank nila from 150 ay naging 110 na.
Sumunod ay ang Night Fury Gang at ang kumalaban dito ay si Hallow Five o si Jico.
Tinapos niya ito gamit ang kakaibang tactic sa sobrang kakaiba to the point na hindi alam ng ibang manonood ang nangyayari. Kaya lahat ng kalaban niya ay namatay.
Masyadong unpredictable ang galawan niya at halatang pinaglalaruan lang niya ang kanyang kalaban sa maikling oras.
Dahil dito, tumaas na naman ang rank nila sa 90. Umuwi na sila pagkatapos ng laban ni Jico dahil wala na naman silang laban sa susunod na araw.
Lumipas muli ang isang araw at bumalik sila para sa ika-pitong laban nila. Mayroon silang apat na laban ngayong araw kaya mas na-eexcite ang mga tao sa laban ng OG.
Sumunod na tumaas ay si Mind Four o si Render laban sa Phoenix Gang.
Gamit ang Double Gun na imbis na bala ang tatama ay maliliit na kutsilyong may lason ang ginamit niya. Gaya ng iba, namatay din ang kanyang kalaban. Dahil dito, tumaas sa 60 ang rank nila.
BINABASA MO ANG
Esoteric Empress [FIN] [Under Major Editing]
ActionMinsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan lamang? May magagawa ka ba para mabago ito? ------------------------------------------------------ ...