Chapter 2

97 6 0
                                    

Aika's POV

Wala yung dalawa kaya kami Lang ni Allen ang nandito sa bahay naming tatlo, si trisha kadate si xian, si Jamine naman may pinuntahan kasama si racky.

Buti pa sila may love life, samantalang ako, Wala. pambihira, bakit ko pa yun naisip, masaya naman ako kahit single ako ah..siguro gutom lang ako kaya ganito.

"Ah allen--"

"gutom ka na? Ok." Teka, pano nya nalaman?

"So, libre mo ko?"

"Bakit? Wala ba kayong pagkain dito?" Tinaasan nya ng kilay, Wala na palang stucks sa kusina.

"Geh wag nalang, ako nalang bibili" kuripot yan eh. "hmmm allen?..Hindi mo ba ako pipigilan" naghintay ako ng ilan sandali, nababakasali.

"Hahaha-- hindi.." Okay, naghintay pa kasi ako.

Habang pababa ako ng hagdan, may bigla akong naalala. "ah Allen.."

"Yes?"

"Wala ka bang napapansin?"

"Na ano?" Nakakunot na noo nya.

"Kama ko yang hinihigaan mo, iPod ko Yang nilalaro mo at bahay namin tong tinatambayan mo.." tinaasan ko sya ng kilay.."diba?"

"Tapos.." kinuha ko sakanya Yung iPod ko, hindi nya gets kainis.

"Tutal Wala dito si Trisha at jamine, dun ka muna sa kabilang kwarto" kinuha ko rin Yung phone nya. "bawal gadgets...paki bantay na rin tong bahay Habang Wala ako..OK?" Bilin ko.

"Uuwi nalang ako--"

"Eh sinong magbabantay dito sa bahay? Pano Kung pasukan kami..gusto mo bang magalit sayo si Trisha?" Napamewang ako. "so..Alis nako hah, bye baby boy" nginitian ko pa sya ng napakalapad, bahala syang maasar.

"Hindi ka Lang nilibre eh..tssss" mahina nyang sabi..

"May sinasabi ka?" Patay malisya ko.

"Wala.sabi ko dalian mo na!"

"ok po Sir!" Nag salute na ko sakanya tska na ko umalis.

...

Nag grocery muna ako tsaka bumili na rin ng art materials para daw bukas, may plano kasi si Allen at kailangan nya yun..Hindi ko alam Kung saan nya gagamitin, ewan bahala sya. kahit minsan madamot yun, bibilhan ko parin sya. Ganyan ako kabait sakanya pero sa kasamaang palad, hindi yun ma appreciate ng kapatid ko, poor me.

iniwan ko muna lahat ng pinamili ko dito sa kotse, bibili pa ako ng cake para sa dessert namin mamaya.

Pagpasok ko ng shop, pumili agad ako ng cake, lahat sila mukhang masasarap.

"Hi po ma'am!" Bati sakin nung nasa counter "ano po sainyo ma'am?"

"Ah Yung caramel tsaka chocolate flavor nalang"

"Sige po ma'am," nginitian ako nung ate. "upo muna kayo ma'am Habang naghihintay" nag smile ako sakanya, sinunud ko naman Yung sabi nya, umupo muna ako dun sa malapit sa pintuan.

"Babe, asan kana ba?..oo andito na ko..kanina pa mag iisang oras na Wala ka parin..Ok.bye I love you" sabi nung babaeng nasa harapan lang ng lamesang inupuan ko, may kausap sa phone. Kawawa naman sya, mukhang Hindi na sya sisiputin ng boyfriend nya.

Bat Kasi Hindi nalang sila magsabay pumasok dito, diba?..may paganyan ganyan pa sila.

Napatitig nalang ako dun sa babae, maganda sya tsaka sexy, pero mukhang mahina.

Hala, nakatingin na rin sya sakin, nahuli nya akong nakatitig sakanya, nginitian ko lang sya, nag smile back din sya..mukhang mabait naman.

Parang kailangan nya ng kausap habang hinihintay Yung boyfriend nya, kung kausapin ko kaya sya? Wala naman sigurong masama Kung lalapitan ko sya.

Single meets Brokenhearted (LuYoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon