Chapter 12

77 2 0
                                    

Aika's POV

"What if yung lumang room nalang ang gawin nating room para sa club natin?" Tanung ko habang nilalabas yung mga gamit ni Allen dito sa dati nyang room.

"Kung wala pang nakakakuha dun.." Sagot nya habang nilalabas yung mga kahon sa room.

Maaga kaming pumasok ni Allen dahil sa tawag na tanggap niya kagabi. Gagamitin daw kasing math club tong room na to, kaya ito kami nagaayus na ng gamit. Wala pang alam yung iba tungkol dito. Nag decide kami ni Allen na mamaya nalang namin sabihin sakanila, tutal kakaunti pa naman gamit dito.

"Wala pa yun..tsaka maaga pa naman wala pang intrams, mabuti na mayrun kaysa wala" pangkukungbinsi ko.

"Tama." Pag agree nya.."kaya buhatin mo nayan at ng Hindi tayo mahuli sa klase natin" makapag utos parang sya yung kuya eh.

Binuhat na namin ang mga kahon sa nasabi Kong lumang kwarto. Pero pagdating namin ay naka lock ito. Pinagbilin nalang namin ang mga gamit sa janitor ng paaralan. Nagmamadali rin kasi tong si Allen. Mamaya nalang namin sisilipin Kong anong itsura ng loob ng kwartong iyon.

"Nga pala ate pangit, thanks kanina. Nagising ka pa tuloy ng napakaaga haha" sambit nya habang naglalakad

"Oo nga eh, nasira pa tuloy tulog ko, dapat nyan sagot mo lunch ko mamaya" biro ko.

Nakita Kong kumunot ang noo nya.

"Teka? May baon ka ah? Diba pinabaonan tayo ni mama, hindi ka kumuha?"

"Kumuha" sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Tataba ka nyan sa ginagawa mo eh haha" natawa nalang kaming dalawa. Alam ko naman yun eh, nagbibiro lang ako.

"Teka, may kailangan ka pa ba? Pupunta na ko ng room ko.."

Umiling sya.."wala na ate, ako ng bahala. Yung VP naman ang pag tatrabahuin ko mamaya." ngumiti sya sabay nagkamot ng ulo.

Kyut kyut nito.

Bigla nalang nawawala ang mata pag tumatawa.

Nga pala ang tinutukoy nyang VP si jamine. Sya ang vice pres. Ng club. Mukhang mantritrip nanaman tong si Allen.

"Ingat ka. Baka makain ka" natatawa Kong sabi.."geh, Una nako.."

"Teka ate, magpapatawag ako ng meeting mamaya before lunch." Habol nya.

"Ok, sabay nalang kami ni jiroh" tumango naman sya tsaka nako tumalikod.

Pero hindi pa ko nakakahakbang tinawag nya ulit ako..."sandali!"

"Oh ano nanaman?"

"Babawi ako sayo mamaya *wink*" sabi nya sabay takbo..

Napakunot noo ako.

Eh nagbibiro lang naman ako kanina. Di bale hahayaan ko nalang sya. Mapilit sya eh, ano kaya yung pambawi nya sakin?

Naglakad lang akong pumunta sa room ko, maaga pa naman kasi tsaka di ko trip tumakbo ngayun, masyado akong napagod kanina. Hay

Pagdating ko sa room, wala pa prof. Namin, maaga pa naman kasi. Kakaunti pa din ang klamyt Kong nandito.

Nilapag ko na yung bag ko tsaka na ko umupo. Nandito na rin pala si jiroh, may sinusulat sya ng kung ano sa notebook nya. Hindi nya ata ako napansin na umupo sa tabi nya.

"Ehem!" Pagkuha ko ng atensyon.

Tumingin lang sya sakin tsaka bumalik ulit sa ginagawa nya.

Na frown ako sakanya...

Single meets Brokenhearted (LuYoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon