Chapter 1

268 7 0
                                    

Aika's POV

"Grabe aika, Ang gaganda talaga ng mga kwento mo"

Patuloy lang sa pag lipat ng pahina si trisha sa luma kong notebook.

"Yun nga Lang, walang ending..kahit sad ending or happy ending man Lang..WALA!" Inagaw naman ni jamine yung notebook na hawak ni trisha.

Paggising ko sila na agad nakita ko..inaantok pa ko eh.

"Bat andito kayo? Maaga pa ah?" Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko, pakusot kusot pa ng mata...

"oy Iniwan mo kaya kami dun sa bahay..hmph, bakit ka pala umalis hah?!" Reklamo ni trisha.

"Oo nga, Hindi kapa nag paalam." Tampo ni jam, pareho ma silang nakaupo sa magkabilang side ng kama, tignan ko sila sandali.

"Namiss ko Lang tong kwarto ko..dibale mamaya dun nako matutulog sa bahay natin" tumayo na ako para pumunta sa cr..baka kulitin pa nila ako eh..

"Nga pala aika, free ka ba today? Mag Jo jogging kami ni jam, sama ka?" Lumabas naman na ako ng cr para sagutin sya..

"Sige ba!..pangbawi ko Lang sainyo hehehe" tamang tama 5:30 palang naman..

"Isha, daan mo na--"

*blag!*

Awwww..mashakit yun...bigla kasing bumukas Yung pinto, eh andon sa likod si jam kaya yun, nauntog...

"Ayy sorry" di man Lang nya tinulungan si jam, tsk! "Ate! Halika, Dali!" Sabay hila nya sakin dun sa kama ko, aray ko.

"Bastos nito! Hindi mo ba alam kumatok...tssss" reklamo ni jam kay allen .Nagka bukol ata sya..

"Malay ko ba na nanjan ka? Pasara sara kasi sa daan.." sagot naman nitong katabi ko..gera nanaman ba?

"Ikaw pa may ganang magalit hah?" Okay Ito nanaman sila,


"Nag sorry naman ako ah?"

"Edi sana tinulungan mo na rin ako..."

"Eh? Kaya mo naman sarili mo diba?" Jam rolled her eyes at allen..

Nakikinig Lang kami ni Trisha sa kanilang dalawa, masakit na Nga mata ko eh kakalingon sakanilang dalawa...

"Tama na Nga yan..Allen, ano ba yun? Bat ka nandito?" Tanung ko sakanya..

"Wag na, mamaya nalang." He sighed.

"Wala palang sasabihin eh, tsss" bulong ni jam, pero syempre, hindi nakatakas sa pandinig ko.


"Makaalis na nga lang!" Padabog na sinara ni Allen Yung pinto.

"Ibang klase talaga Yung kapatid mo aika, magkaibang magkaiba kayo ng pagkatao" komento ni Trisha pagkaalis ni Allen..

"Kaya nga, daig pa Ang babae Kung mag react..alien ba Yung kapatid mo?" Pasinget naman ni jamine..

"Ano ba kayo, hayaan nyo na..pansin nyo ba, tinawag nya akong 'ate' kanina?"

"Tinatawag ka naman nyang ate ah?"- trisha raised her brow.

"Oo, pero may 'panget' naman sa dulo..ate panget diba?"

"Nagpapansin Lang yun Kay Trisha, kasi crush ka nya..." Inis pa rin si jam, napatawa naman si Trisha dun sa sinabi ni jam.

"Jam, crush Lang naman Hahaha."

Single meets Brokenhearted (LuYoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon