Aika's POV
Bawat pagdaan ko sa hallway maraming mata ang nakatuon sakin, samin. Hindi dahil member ako ng JupVibes kundi dahil dito kay allen. Paano naman kasi itong kasama ko kung makatawa wala ng bukas, kanina pa sya ganyan. Parang tanga. Kila jam at isha nalang Sana ako nakisabay amp! Nakakahiya na talaga, lupa bumukas ka lamunin mo na ako huhuhu..
Bakit sya tumatawa ng ganito kalakas at kabaliw? Dahil lang naman sakin tss. Pinagtatawanan nya ako dahil dun sa kahapon. Paano nya nalaman? Sinabi lang naman ni zedrick. Magkasabwat sila dun sa triple date na yun. At ito pa.. Hulaan nyo kung sino yung nagtxt Kay zed na nagpanggap na sya ako, si Allen lang naman na baliw. Tsk bwesit!..
Nakakainis sya! Hindi lang nakakainis, nakakabwesit rin! Hindi lang sya pati yun si zed. Magsama sila! Asarin pa naman ako hanggang dito na crush ko daw yung ilusyonadong mokong na yun. At ito naman isa, hindi ko alam kung paano napapayag ni Allen na sumakay sa trip nya para lang asarin at Bwesitin ako, nakaukit na sa utak nya na date ko daw sya kahapon, ang yabang yabang akala mo naman ako talaga yung nagtxt sakanya, si Allen kaya yun. Dapat pala sya yung date ni zed kahapon tss sarap lang nila sapakin..nako.
Binilisan ko nalang ang paglalakad para hindi na marinig ang mga tawa nyang parang tanga tsk, baliw. Lumingon ako ng saglit sa likod, nung nakita Kong wala na si Allen tumuloy tuloy na ko sa paglalakad.
Pero bago ko pa tahakin ang Hagdan, may nadumbo akong lalaki. Pababa sya samantalang ako pataas ang tungo. Nauntog ako sa dibdib nya, hindi naman ganun kalakas kaya ok lang.
"Sorry..." Sambit ko. Nung hindi sya umimik napatingin nako sakanya.
Bago ko pa masabi ang pangalan nya, umalis na sya at nagsuot na ng headset. Yun bang hindi ako kilala?. Hindi ko na nagawang sigawan sya nung nakita ko ang mukha nya dahil narin sa pagtataka ko. Si zed ba talaga yun? Bat hindi nya ako pinansin...bat hindi man lang sya nagsalita..ok naman sya kahapon ah? Anyare dun.
Tulala akong tumungo sa classroom ko. Hindi ko parin maalis sa isip ko yung nanyari kanina. Ang pagkakaalam ko, sinunod ko naman ang gusto nyang maging date nya kuno, binilhan ko din sya ng dress para daw sa special someone nya kahit na tapos na yung deal namin kahapon. Ok naman sya, kami nung hinatid nya ko ah..
Teka nga..bakit ko ba yun iniisip! Eh ano naman kung hindi nya ko pansinin? Mababawasan ba ko, hindi naman ah. Urg! Nahawaan na ata ako ni Allen sa pagkabaliw nya. Tss kinakausap ko na sarili ko.
Naramdaman ko naman na may nakatingin sakin. Hindi lang isa, lahat sila. Ngayun ko lang napansin na nasa room na pala ako at nakaupo na ko sa upuan ko. Pano nanyari yun? Napatingin naman ako sa teacher namin na nakataas na ang kilay na tila may hinihintay.
"Tinatawag ka ni ma'am. Kanina pa.." Sabi nung classmate Kong lalake na nasa harapan ko.
Tumayo naman ako at yumuko ng kunti.."sorry po ma'am". Tumango lang sya at nagsimula ng magdiscuss. Buong klase wala akong ganang nakinig sa mga sinasabi ng teacher ko. Wala din kasi dito yung katabi Kong kadaldalan ko. Inaantok tuloy ako. Hays..
---
Pagkarinig ko ng bell, lumabas na agad ako at hinanap ang direksyon patungo ng music room. Salamat! Break na din!.
Habang naglalakad ako wala ata akong naririnig na mga istrumento. Sumilip ako sa pinto ng music room pero wala akong nakitang jiroh at jamine. Magkasama nanaman siguro mga yun. Napapansin ko ang pagiging close nila nitong mga araw.
Sunod Kong pinuntahan si isha, nasa JupVibes sila nagpapractice ni xander ngayun.
Pagdating ko, andito nga sila nadatnan ko pa silang sumasayaw. Andito si Allen at si zedrick na busy dun sa may sulok. Ngayun ko lang nakita tong JupVibes room, maluwang naman sya mukhang naayus at nalinisan na.
BINABASA MO ANG
Single meets Brokenhearted (LuYoon)
Novela Juvenil~~si SINGLE na masiyahin, hopeless romantic pero walang alam sa pagibig..mame meet si BROKENHEARTED na masungit, pero mapagmahal yun nga lang nagmahal...nasaktan...iniwan ng minamahal...ano kaya ang manyayari kapag nagtagpo ang dalawang to? matututu...