Aika's POV
5am palang pero gising nako, ang aga ko din kasi natulog kagabi. Di halatang excited pumasok.Two days akong absent dahil sa pilay ko. Sa dalawang araw na yun nasa ospital lang ako. At sa sabado at linggo naman nakahilata lang ako sa Kama ko, Pero dahil hindi ako makulit, ok naman na tong paa ko. Nakakalakad nako ng maayus. Hindi ko na kailangan kumapit sa iba para lang tumayo sa sarili Kong paa, Yeah!
Andito na ko sa kusina para mag almusal, magisa. Naghihilik pa kasi yung dalawa kaya hindi ko pa sila ginising. Bahala sila buti nga sila may sundo araw araw eh, si isha sinusundo sya ni xian dito, si jam naman si racky minsan yung pinsan nya si zedrick..eh ako?..minsan minsan lang ako sunduin ni Allen eh.
Naka dalawang Plato nako ng rice pero wala parin bumababa para saluhan ako dito. Baka malate kami nyan. Mukhang nasarapan ata sila sa tulog ah.
"Aga mo ah?" Pababa na si jam ng lumingon ako.."ano meron?"
"Oy, jam Tara Kain kana. Kanina ko pa kayo hinihintay eh, si Trisha pala, tulog pa?" Niligpit ko na yung pinagkainan ko, tapos na rin naman na ako.
"Oo, ang lakas pa nga ng hilik eh, nagising tuloy ako" reklamo nya.
"Buti nga nagising ka pa eh" biro ko, napatingin sya sakin. Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Nagulat siguro dahil naka ligo at syempre naka uniform na ako. Sya naka pangpantulog pa.
"Bakit nga pala maaga ka aika hah?" Tanung nya habang naglalagay ng kanin sa Plato nya.
"Hmmm..Excited lang pumasok?"
"Ooooookeeey?"
Sabay pa kaming napatingin ni jam sa may pintuan ng marinig namin ang doorbell.
"Hala, anjan na ata sundo nyo.."
"Ang aga naman, hindi pa nga nagtetext si racky eh. Baka sundo ni Trisha" nagkibit balikat lang sya.
"Malay mo gusto ka nyang isurprise" pumunta nako sa pinto para malaman kung sino nga yung nandun.
Pagkabukas ko, nakabusangot na mukha agad ang bumungad sakin, Umagang umaga, badtrip?
"Si jam ba--"
Hindi ko na natapus ang sasabihin ko. Bigla nalang kasi syang pumasok at ayun! Nauntog ako.
"Arayy, sakit." bulong ko nalang. Pumasok sya ng bahay NAMIN na parang kanya talaga to.
Relax aika, masyadong maganda ang araw mo. Wag mong hayaan na masira lang dahil sa lalaking yan, smile na aika.. Iiiiiiiisssmaaaaaayle!
"Bakit nandito ka?" Tanung ni jam habang busy dun sa pagkain nya, kumuha naman ako ng yelo sa ref, tsaka nilagay sa noo ko bago pa lumala tulad sa pilay ko. Nakakadalawa na sya hah, Baka sunod mapatay nako nito.
Oh aika, relax lang diba? Sabi ko relax lang.. Relaaaaaaax laaaaaannnnnnggg!
"Diba, susunduin kita?" Tanung pabalik ng pinsan nya.
"Wala naman ako sinabi ah"
"Susun---"
"Goooooood moooorning madlang peeeepoul! My name is-- ano nga ba pangalan ko? basta alam nyo na yun" napatingin kaming tatlo kay trisha, ganda ng gising. "ohmy! Zedrick?!"
Nanlaki yung Mata ni isha nung nakita niya si zedrick..syempre tumakbo sya palapit sakanya.."Oh-uh" bulong naman nung isa sabay tago sa likod ko na parang bata. Muntik pa nga ako matumba eh. Makahila...close kami?
"Huwag kang magalala hindi sira ulo si Trisha tulad ng mga humahabol sayong mga babae sa school" inirapan ko sya.
BINABASA MO ANG
Single meets Brokenhearted (LuYoon)
Teen Fiction~~si SINGLE na masiyahin, hopeless romantic pero walang alam sa pagibig..mame meet si BROKENHEARTED na masungit, pero mapagmahal yun nga lang nagmahal...nasaktan...iniwan ng minamahal...ano kaya ang manyayari kapag nagtagpo ang dalawang to? matututu...