Chapter 16

22 2 2
                                    

Aika's POV

"Bakit magkasama kayo ni zed?"

"Diba, si jiroh ang kasama mo kanina? Eh san na yun?"

"Anong ginawa nyo ha, bakit ganun nalang ngiti mo nung bumaba ka ng kotse nya?"

"Nag date ba kayo, aika? Eh bat si jiroh ang sumundo sayo kanina? Sinurpresa ka ba ni zed, yiiee, siguro plano yun lahat ni zed!"

Napabuntong hininga nalang ako. Palipat lipat lang ang tingin ko kila jam at isha habang iniinterview ako, nakaupo ako sa kama ko habang nakatayo naman sila sa harapan ko.

Pabagsak kong humiga sa kama, hindi pinansin yung mga tanung nung dalawa. Bahala silang magisip ng kung ano jan.

Nakatitig lang ako sa kisame habang nagiisip kung sasabihin ko ba sakanila ang mga pinagsasabi ni zed kanina, or hindi nalang, hindi pa naman ako sigurado kung seryuso ba si zed sa sinabi nya.

Sumasakit ulo ko!

Bakit pa kasi nangbibigla yung lalaking yun, nakakainis, hindi ko tuloy alam gagawin ko.

Hindi parin natigil yung dalawa kakatanung tungkol sa nakita daw nila kanina. Eh bat sila andito sa bahay, hindi naman kami matutulog ngayon dito nagtanong ba ko, hindi naman ah? Dito lang ako matutulog dahil dito ako nahatid ni zed, dahil sa pagtulala ko kanina hindi ko na nasabi kung saan nya dapat ako ihahatid.

Pagkatapos kong maligo ay wala ang dalawa sa kwarto, baka nasa kusina. Patutuyuin ko na lang buhok tsaka na ko matutulog, sigurado hinihintay ako ng mga yun sa kusina para interview-in nanaman.

Hindi naman sa ayaw kong sabihin sakanila ang tungkol SAMIN ni zed, hindi ko lang alam kung pano sabihin, hindi din naman ako direktang nag yes or what. Pero ayaw ko naman saktan si zed kaya sasakyan ko muna trip nya, mawawala din naman siguro sa isip nya yun.

Hintayin ko nalang sigurong malaman nila jam at isha kay zed tsaka ko nalang eexplain.

Kung sasabihin niya.


Halos isang linggo rin akong hindi tinigilan nung dalawa sa kakatanung. May time na iniiba ko nalang ang topic at hindi nalang ako nagsasalita, pati tuloy si allen nag dududa na, hindi na Kong magtataka kung pati sya araw araw na rin akong interview-in.

Sa halos isang linggo rin iyon, lagi ko ng nakakasama si zed. Mula nung nangyare yun hanggang ngayon, hindi parin namin na oopen ang topic na yan, tahimik lang ako, sya lang naman hinihintay kong magsabi.

Tulad ng mga ginagawa ng tipikal na couple, sabay kaming kumakain sa break at lunch. Gusto pang hintayin ako sa labas ng room namin, but i insisted na doon nalang sya maghintay sa canteen, marami na ang fans ni jiroh, ayaw ko ng madagdagan ang mga matang halos patayin na ko sa titig, naku..

Pagdating naman sa ibang bagay andami nyang sinasabi na hindi ko maintindihan like, wag daw akong makipagusap or sumama sa hindi ko kilala..duh? Seriously? Mukha ba kong batang maliit na sipunin? Kailangan pa nya talagang sabihin yun sakin, kinder ako, kinder?.

Pagkatapos ng klase, practice, then sa JV room na kami nagkikita. Hindi ko na dinadala ang kotse ko dahil ihahatid rin naman ako ni zed pagkatapos. Good thing busy si aaron sa bagay bagay kaya madalang na kami magkita ngayon, at kung nagkataon baka magtalo pa tong dalawa kung sinong maghahatid sakin, at kung mangyari man yun, baka maglakad nalang ako pauwi. Mas gusto ko pa yun kesa magbasag ulo pa ang dalawa dahil sakin, hindi ko pa din naman nasasabi kay aaron tungkol dito sa sunod na pagkikita nalang siguro namin.

Single meets Brokenhearted (LuYoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon