Chapter 8

80 4 0
                                    

Aika's POV

"Oy! Aika gising na..late ka nanaman nyan eh"..

"Katutulog ko lang eh" reklamo ko, nakapikit pa rin ang mata. Inaantok pa ko eh.

"Hah?! Ilang oras ka ba natulog?" naramdaman   ko ang pagumupo nya si gilid ng kama ko, humarap ako sakanya para sumagot.

"1 or 2am?"

"Haaaaaaah?!" Maka react talaga to si Trisha eh pati laway sumasama, "sorry hehehe...eh bakit ka kasi natulog ng ganung oras hah?"

"May iniisip kasi yan" sabi naman nung isa sabay pasok ng cr.

"Ahhhh~...sino yan hah?.hah?." Naalala ko nanaman yun.

Actually, oo. Tama si jam magdamag Kong inisip yung pinsan nya, nakakakunsensya naman kasi. patay ako sa bwesit na yun, hinintay pa daw ako nun sabi ni allen eh, na iimagine ko na kung anong mala aura nyang dragon..kung pwedi lang umabsent eh.

"Oh sha, tatawagan ko na si Allen para sunduin ka. Hindi ka pwedeng magdrive sa aura mung yan, kawawa yung mababangga mo." Pabiro nyang tinanggal yung kumot ko. "maligo kana after ni jam hah" pinisil pa yung malambot Kong pisngi..outch!.."aaaaaiiikkkkaaaa!?!"

"Oo na, babangon na po!"

After Kong maligo, nagbihis narin ako, matutulog na sana ulit ako nang makita ako ni trisha, napanguso nalang ako, hinila na nya ako pababa para kumain. Sakto naman na anjan na yung sundo ko. Nakipag chikahan pa Kay jam. Bati sila ngayun hah.

"Hay sa wakas! Bumaba ka rin..tara na?" Tinaasan ko sya ng kilay, hindi pa ko kumakain at gutom na ko, hindi ko nga sya pinansin.

"Mauna kana kung gusto mo" sabi ko habang nagaahin ng pagkain sa plato ko.

"Eh sinong sasakyan mo?" Tanung nya ulit.

"Malamang! Si kotse."

Nagsitawanan naman yung dalawang nasa harap ko.

"Geh, Una na ko.." Bumeso slna si jam samin ni trisha tsaka na umalis "see you around"

Si Trisha naman, hihintayin pa daw si xian. Si Allen? Ayun, naupo hinihintay ako dun sa sala habang nanunuod ng TV. Hindi din ako matiis nyan eh.

Pagkatapos Kong kumain sakto naman ang dating ni xian. Nagpahinga lang saglit si xian tsaka na rin sila umalis. Pinatapos lang naman ni Allen yung pinapanuod nyang cartoon bago kami umalis.

Mabilis kaming nakarating sa school, hindi kasi ako yung nagdrive.

"Ok kalang hah" patawa nyang sabi.

"Bakit? May problema ba?" Tinawanan nya lang ako, hindi pinansin yung tanong ko.

"Nakalimutan muna ba yung kasalanan mo? Pinaghintay mo lang naman si zed ng ilang oras sa meeting nyo SANA.." Tumawa ulit sya, may diin pa ang pagkakasabi nya sa huling salita. Kinabahan tuloy ako."oh, gusto mo bang ihatid na kita sa room nyo?" Napayuko nalang ako, pinapa guilty ako nito eh.

"Wag na, umalis ka na." Ngumuso ako.

"Sure ka?" Tumigil na sya sa pagtawa, pero yung mata nya, nangaasar.

"Yah! Oo na! Mag so sorry na ko mamaya."

"Ok? good luck nalang"

Nagpaiwan muna ako dito sa loob ng kotse nya. Nagdadasal na sana hindi ako mabuntal nung zedrick na yun. Ayaw pa naman daw pinaghihintay nun,  May dahilan naman ako. Eexplaine ko na lang kung bakit hindi ako nakasipot. yun lang..yun lang..

Paglabas ko ng kotse, napalunok nalang ako nang makita kong nakatayo na sya sa harap ko, inaabangan nya kaya ako?.

"Oh-uh" tinignan ko sya mula paa hanggang ulo, nakayuko kasi ako, confirm, siya nga wala ng iba nakakatakot yung itsura nya mukha syang papatay ng tao,  bata pa ko oy..ito na yung time na mag su super sayan sya.

Single meets Brokenhearted (LuYoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon