Aika's POV
"Tapos nako kumain hehe, dun lang ako sa sala."
"Ako rin, oy allen sama ako.."
As usaul, kakatapos lang namin mag jogging, tutal walang pasok today so maaga kaming gumising para dito. Nasa dining kami at ito kinakain ang tinake out namin pagkain.
Hindi ko na inabala pang tignan yung dalawa, alam ko naman dahilan lang nila yun para makapagtanungan sa isa't isa. Napabubtong hininga nalang ako at tinuloy na ang pagkain.
Tahimik lang na kumakain si jam sa harap ko. Inipit na rin nya ang kanina ay nakalugay na buhok, pinagpapawisan sya dahil sa kinakain na spicy noodles. Hindi sya tumayo gaya nung dalawa na naririnig ko na ang kanilang mga bulangan mula dito. Nahuhuli ko syang tumingin sakin minsan pero hindi naman nagsasalita.
Hindi ko inaasahan ang nangyare kagabi, wala pa akong balak na sabihin kay allen ang tungkol sa pagboboyfriend ko. At dahil nadulas na nga ang magaling kong bunganga, napaamin na rin ako, at sigurado ako nasabi na rin ni allen kila isha at jam yun.
Umamin ako sakanya na may boyfriend na nako pero hindi nya pa alam kung sino, hindi ko pa sinasabi na si zed ang boyfriend ko. Hinahanda ko pa ang sarili ko sa magiging reaksyon nila.
Kasalanan talaga lahat ng ito ni zed eh, kung hindi nya ako bweniset hindi ako mapapaamin kay allen.
"Rinig ko mula dito yang mga buntong hinga mo.." Biglang sabi ni jam, hindi nakatingin sakin. "sinong boyfriend mo, si zedrick ba?"
Kalmado lang sya habang pinupunasan ang pawis sa noo at leeg gamit ang face towel nya. Napatingin ako dun sa sala, biglang tumahimik.
Uminom muna ako ng tubig bago dahan dahan na tumango. Nakatitig lang sya sakin ng lingunin ko sya, hindi ko alam kung nagulat o hindi sya naniniwala, hindi ko mabasa ang mukha nya ngayon. Tila ayaw nyang maniwala pero dahil ako ang nagsabi maniniwala nalang sya. Sa huli ay napailing nalang sya.
"Iba kutob ko sainyong dalawa eh.."
Kumunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nito lang, bwesit na bwesit ka kay zed tapos mababalitaan ko nalang boyfriend mo na? anong nangyare?" She said, sarcastically.
"B-basta.. Long story." Hindi pa ako defensive nyan.
"Whatever..kung ano man yang katarantaduhang sinabi sayo ng pinsan ko, ingat ka nalang." kilalang kilala na talaga nya si zed. "Takot na nalang nya sakin kung saktan ka nya." Ngumisi sya.
BINABASA MO ANG
Single meets Brokenhearted (LuYoon)
Teen Fiction~~si SINGLE na masiyahin, hopeless romantic pero walang alam sa pagibig..mame meet si BROKENHEARTED na masungit, pero mapagmahal yun nga lang nagmahal...nasaktan...iniwan ng minamahal...ano kaya ang manyayari kapag nagtagpo ang dalawang to? matututu...