Chapter 1

71 8 0
                                    

CHAPTER 1

Rae Pov

Ang ingay...

Anong nangyayari?

Bakit ang lamig ng pakiramdam ko?

Patay na ba ako?

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko.

May nakikita akong mga tao...

Nakaputi sila at tila hindi mapakali...

Sino sila?

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nanghihina ang buong katawan ko at idagdag mo pa ang lamig na bumabalot sa katawan ko.

Ilang saglit din ay biglang nawala ang ingay sa buong paligid. Bigla kong naimulat ang mga mata ko ng may naramdaman akong kakaiba. Hindi ako sigurado kung ano yun pero ang weird sa pakiramdam.
Iniangat ko ang isa kong kamay at ang weird dahil pakiramdam ko ngayon ko lang sila ulit naigalaw.

Janna?

Halos Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ako pweding magkamali. Nasa loob ito ng isang tube na puno ng tubig at ang dami ding nakasaksak dito.

"JANNA!"

Tawag ko dito pero bago ko pa ma-realize ang ginawa ko ay napasukan na ako ng tubig sa bibig! So ibig sabihin?

Wahhhhhhhhh!!

Agad kong isinarado ang bibig ko. Paano ako makakalabas dito? Hindi ko kayang pigilan ang hininga ko ng ganun katagal!

Sinubukan kong sipain ang salamin nitong tube na kinalalagyan ko pero masyado akong mahina...

Nahihirapan na ako...

Tumingin ako sa ibabaw ko at may nakita akong mga kable na nakakabit sa katawan ko. Tinanggal ko lahat ito at kumuha ng puwersa at itinulak ang bandang ibabaw na mukhang takip ng tube na ito. At tama nga ako!

"*Cough* *Cough* *Cough*"

Halos habulin ko ang hininga ko ng makaahon ako sa tubig. Agad akong bumaba sa tube na ito at saktong pag apak ng paa ko sa sahig ay bigla akong natumba.

Hinayaan ko Muna ang sarili kong nasa sahig. Masyado akong nanghihina at ni makatayo ay hindi ko kaya.

Ng maka ipon na ako ng lakas ay tumayo na ako papalapit Kay Janna. Nakakatayo na ako pero natutumba pa rin ako.

Kumuha ako ng matigas na bagay at inihagis iyon kung nasaan si Janna. Agad kong sinalo si Janna ng mabasag ang salamin. Yinakap ko ito ng mahigpit.

"Janna..."

Totoo ba to? Hindi ako nanaginip diba? Bigla nalang akong napaluha.

"I miss you Janna."

Basang basa na ang mukha ko dahil sa luha ko idagdag mo pa ang sipon ko pero ok Lang atleast nandito na ulit si Janna.

Sinubukan ko itong gisingin pero hindi ito magising.

Hinayaan ko na lang at dahil Hindi ko siya kayang buhatin kaya isinandal ko nalang siya sa likod ko.

Kailangan na naming umalis sa lugar na ito.
Medyo mabagal kaming makausad dahil nanghihina pa rin ang mga paa ko pero mas importante maka alis Kami sa lugar na to.

Ng malapit na Kami sa pinto ay bigla itong bumukas at bumungad sa amin ang napakaraming taong nakaputi.

Lahat sila ay gulat na nakatingin sakin.
Biglang humigpit ang hawak ko ay Janna.
Akmang lalapit ang isa sa kanila ng pigilan ko ito.

"Wag kang lalapit! Sino ba kayo?! At anong ginagawa namin dito!"

"Raeyln huminahon ka"

Kilala niya ako? Sa itsura niya ay mukhang siya ang pinaka matanda sa kaniyang lahat at mukhang siya rin ang leader nila.

"K-Kilala mo ako?"
Gulat na tanong ko dito.

"Raelyn Castro. The one and only child of Silvia and Richard Castro."

Paanong...

"And that girl is Damijana---"

Hindi ko na ito pinatapos sa sasabihin niya. Wala akong paki alam kung kilala niya kami. Hindi namin siya kilala at mukhang sila ang may Gawa ng lahat ng to.

"Hoy Matanda! Kung sino man kayo pwede bang umalis kayo sa dadaanan namin!? Aalis na Kami dito!"

Hindi man lang niya ako pinansin at may ibinulong siya dun sa mga kasama niya. Nagulat na Lang ako ng may humawak sa dalawang braso ko. May dalawa ding kumuha Kay Janna.

"Bitawan niyo ko! Anong gagawin niyo Kay Janna! Hoy! Ibalik niyo si Janna!!"

Hindi ko magawang pumalag dahil nanghihina pa rin ako at mukhang alam nila yun dahil kung tutuusin Hindi naman ganun kahigpit ang mga hawak nila at mukhang kampante na Hindi Kami makakatakas.

Grrr!! Humanda ka talaga saking Matanda ka!

Naramdaman kong may kung anong tumusok sa leeg ko. Biglang lumabo ang paningin ko. Teka... Bakit... Blurry?

Bago ko tuluyang ipinikit ang mata ko ay nakita ko si Janna na unti unting nawawala sa paningin ko. No...

"Janna..."







To be continue!:)

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now