Part 16

32 4 0
                                    

Rae's Pov

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng pumasok kami dito. Nakahabol na din kami sa mga subjects namin. Marami ang matalino especially sa section kung nasaan ako. Halos lahat ay active at sumasagot sa recitation. Kung sa mga test naman ay halos 93% ng klase ay perfect score samantalang yung natitirang 7% ay halos isa o dalawa lang yung mali. Mahirap maki bagay at mag adjust pero sa kabutihang palad ay nakayanan namin.

Biyernes ngayon at nandito lahat ng studyante sa IG. Ngayon kasi magaganap ang training. Seryoso akong nanonood sa mga naglalaban para magkaroon ako ng ideya. Marami ang nananalo na galing sa higher section at bibihira naman ang nananalo na galing sa lower section.

Kanina pa ako kinakabahan pero hindi ko pinahalata. Katabi ko ngayon si Nica na seryoso ring nanonood sa laban. Kalmado lang siyang nanonood pero alam kong kinakabahan siya deep inside. Pinag papawisan kasi ito at nanginginig ang mga kamay niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil may ibang mga studyante na ang dudumi makipaglaban.

And about dun sa nangyari sa kanya last time sinubukan ko siyang kausapin tungkol dun pero mukhang ayaw niyang pag usapan ang bagay na yon kaya hinayaan ko muna. Itatanong ko na lang ulit pag ready na niyang sabihin.

Marcu Mcferrin Vs Janna David

Agad akong napatingin kay Janna. Isinalang na ito at biglang may lumitaw na malaking screen at kitang kita mula dito kung nasaan siya .

Go Janna! Kaya mo yan!

Sigaw ko sa isip ko. Kahit gusto ko iyong isigaw ng malakas pero hindi pwede dahil una sa lahat ay pagtitinginan ako at pangalawa ay hindi rin naman niya maririnig since nasa ibang dimension na siya.

Nakangiti ako habang pinapanood ang laban nila. Hindi ako nag aalala dahil alam kong kayang kayang yan ni Janna. Nawala na rin ang kaba ko dahil alam kong kaya ko din! Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko.

Ng matapos na ang laban nila ay hindi ko napigilang pumalakpak dahil ang galing ng ginawa niya. Sabi na eh! Kayang kaya yan ni Janna!

Napatigil agad ako dahil nakatingin lahat sila sakin.

Ooops Sorry 🙊

Ngumiti naman ako sa kanila.

Agad din naman nilang inialis ang mga tingin nila ng magsalita ang MC para sa susunod na maglalaban.

Nag thumbs up sign naman ako kay Janna at ngumiti naman ito sakin pabalik.

---

Kanina pa kami nandito pero marami parin ang hindi natatawag. Kasali na kami ni Nica dun. Sabagay,sa dami ba naman ng studyanteng nandito ay talagang magtatagal kami.

"Ok ka lang Nica?" Tanong ko dito dahil hindi na katulad kanina na kalmado ito dahil ngayon ay bakas na bakas na sa mukha nito na kinakabahan siya.

"O-Okay lang ako,salamat"

"Uminom ka muna tubig ohh."

Inabot ko sa kanya ang isang bottle water. Kinuha naman niya iyon.

"Ayos ka lang ba talaga? Kanina pa nanginginig ang mga kamay mo eh. Pwedi ka namang hindi lumaban kung masama ang pakiramdam mo. Gusto mo I-excuse ki---"

"WAG!"

Medyo nagulat ako dun dahil hindi ko iyon inaasahan.

"Alam ng lahat na isa akong duwag at mahina. At kahit masama pa ang pakiramdam ko hindi yun sapat na dahilan dahil iisipin lang nilang tumatakas ako. Pero tama naman sila,natatakot talaga ako. Hindi pa ako nakapasa sa training na to kahit minsan dahil mahina ako" seryosong sabi nito habang nakayuko.

Natigilan ako sandali sa mga sinabi niya.

"Lahat naman tayo mahina eh. Pero nasa sayo na yun kung gusto mong maging malakas o maging mahina. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Alam ko kong kaya mo"

Tumingin ito sakin ng seryoso at nginitian ko naman siya. Agad din niyang inialis ang tingin niya at tumingin sa ibang direksyon pero this time hindi na siya yumuko. Lalo naman kong napangiti.

Madison Hagen Vs. Raelyn Castro

Agad akong tumayo at pumunta sa harap kung saan nadun ang dalawang higaan.

Tumingin ako sa kalaban ko at saktong nakatingin din ito sakin. Mukha naman siyang mabait. Hindi naman siguro siya ganun ka brutal katulad nung napanood ko kanina. Pinagsasaksak niya yung kalaban niya kahit wala ng malay.

Ngumisi ito sakin saka ako inirapan. Binabawi ko na pala. Hindi siya mabait.

Humiga na kami at isa isa ng isinaksak ang mga kable sa katawan namin ng mga taong naka itim. Mukha silang mga butler at napaka seryoso ng mga mukha nila.

"Excuse me, pwede akong pumili ng level diba?" -Madison

"What's your name again?"
Tanong sakanya ng isang butler na may hawak na na isang device na parang tablet.

"Tsk. Madison Hagen" Mataray na sabi nito.

"Ok. Madison Hagen from class 0001. You can now choose level 150-200"

Teka,Ano bang pinag uusapan nila? Akala ko ba kailangan Lang naming maglaban? Hindi ko alam na pwede palang pumili ng level?

"Tss.Whatever.  Level- 200,Monster-Zombies"

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya. Parang merong Bees?

"Ok. Please close your eyes"

Wala na akong narinig at tila hinahatak ang katawan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at saktong pag mulat ng mata ko ay nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo. Mukhang nandito na ako.

Mausok ang paligid at makalat. Parang isang abandonadong lugar.

"Hey"

Agad akong napatingin sa likod ko. Naka upo siya sa isang wooden box at may hawak na baseball bat.

"I'm a little bit disappointed you know. Akala ko pa naman makakalaban ko na si Sarah. Hindi ko inaasahan na isang newbie pa ang makakalaban ko. Ugh,this will be boring"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nang iinsulto ba siya?

"Pwede mo bang ipaliwanang sakin kung ano yung level thingy na sinasabi mo kanina? Since isa nga akong "newbie" kaya wala akong maintindihan"

"What an idiot.😒"

Kalma lang Rae. Kalma lang.

"Pwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko?"

"Why would I? Besides you're my enemy right now. But if you can beat me I will tell you everything you wish to know. But that's not going to happen"

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now