Rae's Pov
Ngayon ang first day of school namin ni Janna. Sabay kaming pumapasok pero dahil nga hindi kami magkaklase naghiwalay din kami pagdating sa hallway ng school. Kung tutuusin ay masyadong malaki itong school na to kumpara sa ibang school na alam ko. Isa pa ay mas high tech at alam na alam mo na maganda ang kalidad ng school. Sabagay,wala naman akong ka alam-alam dahil una sa lahat ay matagal kaming naka imbak at bigla nalang nagising sa mundong to.
Binagalan ko ng kaunti ang lakad ko para naman mapagmasdan ko ng maayos ang buong lugar tutal medyo maaga pa naman para sa first subject ko. 8:00 ang start ng klase at 7:20 palang pero medyo madami na rin ang mga studyante although maaga pa. Karamihan sa kanila ay nakatambay lang at mukhang nagpapalipas lang ng oras.
May ilang studyanteng tumitingin sakin may iba din namang wala lang. Paano ba namang hindi ako titingnan eh malamang kalat na kalat na yung nangyari nung isang araw. Famous na ata kami dito. Kaming dalawang bagong recruit. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Malapit na rin ako sa room ko.
Medyo kinakabahan ako pero hindi dahil sa mga tao dito. Since magara ang school na to for sure ay nagkalat na ang mga bullies dito,hindi ko naman iyon problema dahil dati naman akong nabubully at kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko kahit papano. Kinakabahan ako dahil iniisip ko kung paano ba ako mag aadjust sa surroundings ko. Gumagalaw ako na parang ok lang,parang normal lang pero deep inside hindi ko alam kung ano ba talagang ginagawa ko. Idagdag mo pa ang katawan namin. Specially kay Janna. Kahit naman sabihing humihinga Kami at nabubuhay ng normal ay hindi pa rin maialis sa isip namin ang lahat.
"Hala sorry!" Nag aalalang sabi ko sa babaeng nabunggo ko. Kung saan saan kasi ako naka focus. Agad ko naman pinulot ang mga librong nahulog niya.
Na agaw ng pansin ko ang isang libro doon. RJKF DAIRY ang pamagat ng libro. Wait...Alam ko ba yun? Parang familiar yung name?
Nag aalinlangan kong iniabot yung libro dahil parang may something doon na dapat kong tingnan."Salamat" Sabi niya at agad-agad na umalis.
Binalewala ko na lang ito at dumeretso na sa room ko.
Pagdating ko marami ng mga studyante sa loob. Napatigil naman silang lahat sa ginagawa nila ng pumasok ako. Nakatingin silang lahat sa akin at parang nagtataka bakit ako nandoon.Ilang saglit din ay bigla silang nagbulungan na parang isang malaking speaker. Nakakarindi lang sa tenga promise. Ang lakas eh. Dinig na dinig ko.
"Siya ba yung babae nung isang araw?"
Yes. Oo. Ako nga.
"Iwww. Anong ginagawa niyan dito"
Malamang mag aaral? Alangan namang mag bakasyon ako dito no?
"Well,let's just see if she really deserve this section"
For your information kung ako lang ang papipiliin ay ayoko sa section na to dahil una sa lahat ay Wala si Janna dito at pangalawa Wala pa rin si Janna dito!
Napa irap nalang ako sa isip ko.
"Pag pasensyahan mo na sila. Ganyan talaga sila lalo na sa mga new recruit. Ako nga pala si Veronica. Veronica Calle. The president of this class. Nica nalang." Nakangiting sabi nito.
"Raelyn Castro. Rae nalang" ngiting sagot ko.
"Doon nga pala yung upuan mo dun sa dulo. Yun na lang kasi yung bakanteng upuan. Ok lang ba sayo?"
"Oo naman"
Agad naman akong pumunta sa upuan ko. Mukhang si Nica lang ang may maayos ang ugali dito.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong room. Wala silang blackboard kundi isang malaking screen sa harap. Iba din ung mga upuan dahil may kung anong mga buttons doon na ewan ko kung para saan ba. Hindi na rin gumagamit ng notebook dahil puro technologies na ang ginagamit. Kailangan mo nalang gawin ay pumasok dahil ang school na ang nag pro-provide ng mga kailangan mo. Ang sarap sanang matuto pero nakaka imbyerna naman ang tao ngayon.
Nagtama naman ang mga mata namin ni Nica at nginitian niya ako. Nginitian ko din naman siya pabalik. Mukhang siya lang talaga ang friendly dito puro Kasi masama ang tingin sakin ng ibang babae dito. Specially yung babaeng nasa bandang harapan. May dalawa itong kasama at mukhang may ibinubulong sa kanya habang nakatingin sakin. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Nakakasira sila ng view.
"What the heck Nica!? Hindi naman ito yung pinapabili ko! Tanga ka ba talaga!?"
Napatingin agad ako kung saan nanggaling ang malakas na boses na iyon."S-sorry" Nakayukong sabi ni Nica sa babaeng kaharap niya.
Totoo ba tong nakikita ko? She's the president of this class right? Tumingin naman ako sa ibang studyante at parang wala naman silang pake alam at tumatawa pa.
*Slap*
"Get your face out of here! Stupid!"
Halos nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko. Namumula na ang pisngi ni Nica at parang konti nalang ay maiiyak na. Ganito na ba ang mundo ngayon? Ang mga tao? This isn't right! I need to do something!
Tatayo na sana ako pero biglang may humarang sa harap ko. Yun yung babaeng nasa harapan na kanina pa nakatingin sakin.
"Don't you dare" Mataray na sabi nito at inirapan pa ako bago siya umalis.
Nakapakunot naman ang noo ko. These people! How can they do such a thing!
Kinagat ko ang dila ko dahil sa sobrang inis. Kung maaari lang ay ayokong maki alam at manahimik lang pero Hindi naman tamang manood lang ako. Alam ko ang pakiramdam na mapahiya at pagtawanan sa maraming tao at hindi lang ako ang basta basta uupo dito.
Pupuntahan ko sana si Nica ng tumunog na ang bell. Bumalik na rin ang lahat sa kanya kanyang mga upuan. Dumating na din ang teacher kaya wala akong choice. Tumungin naman ako kay Nica at nakayuko pa rin ito. Bakas din sa mga mata nito ang luha niya.
Wag na wag lang nilang ipakita sakin ulit yun!
But when that happens I swear they will going to regret it!
-----
To be continue...
YOU ARE READING
Taste of Flesh (On Going)
ActionBasta nalang sila nagising. Nagising sa ibang henerasyon. Iisang mundo ... Ngunit magkaiba ng henerasyon. Alam nila lahat. Lahat. Lahat. Join Raelyn and Janna as they Conquer the new generation... Different and new people .... Upgraded things... An...