Janna's POV
Hindi ko magawang gumalaw. Ang tunog ng tubig na pumapatak mula sa mga katawan ng mga kalaw ay nagmistulang nag echo sa pandinig ko. They are all looking at me!
Parang gusto ko nalang mahimatay at malunod ng biglang may pumasok pang mga kalaw!
A-anong gagawin ko? What am I supposed to do? Wala akong armas... Anong... Paano ko... WHAT TO DO?!
Nag mistulang salamin ang mga mata ko ng bigla nalang magtubig ang mga ito.. Ayoko na... Natatakot ako...
Please... Someone... Help me!
Napatingin ako sa hanggang bewang na baha. Sunod kong tiningnan ang limang mga kalaw na nakangiti sakin habang mulat na mulat ang mga mata.
Nakayuko naman at nahihirapan ang pinaka malaki sakanila. Anong gagawin ko?
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko at nag isip ng kung anong pwede kong gawin. Hindi rin ako makakagalaw ng maayos dahil sa tubig.
Hanggang dibdib ko na ang baha pero hanggang tuhod palang nila!
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sword na malayo sakin pakiramdam ko ay may nag uugnay saamin ng weapon na iyon. Ilang saglit lang ay nagulat ako ng pakipad na bumato ang keychain sword ko kaya napa ilag ako at natumba sa tubig! Hi-hindi ako marunong lumangoy! Kaya habang abot pa ng talampakan ko ang tubig ay pinilit kong sisirin ang keychain sword ko. Kung sino man ang naghagis nito. Maraming salamat!
Hinawakan ko ito ng makapa ko at tulad ng inaasahan ay lumaki ito at humaba isa na ulit itong fighting sword hindi na keychain.
Umakyat ako sa lamesang nakita ko at binuhat ang isa pang maliit na mesang umaapaw sa tubig saka ako tumuntong duon.
Teka? Paano ko sila papatayin?
Janna... Isipin mong mga zombies sila...
Isipin mo---
"AAAAH!"
Napasigaw ako sa takot ng biglang lumapit sakin ang pinaka maliit na kalaw kaya napadyak ko ito sa mukha. Kaagad itong natumba na ipinagtakha ko at kahit hanggang tuhod lang ng mga ito ang baha ay hindi na sya naka ahon pang muli.
Nalunod ....ang kalaw?
Bigla akong nilapitan ng pag asa, parang biglang lumakas ng konti ang loob ko ng mapansing hindi sila agresibo. Sinisira lang nila ang mga kagamitang nakikita nila at kapag napansin ka nila ay susugurin nila.
'They are too big... But too weak...'
Nasabi ko nalang sa isip ko at inihanda ang sarili ko. Pumorma ako ng fighting stant saka tumingala sa tatlong papalapit saakin.
YOU ARE READING
Taste of Flesh (On Going)
AcciónBasta nalang sila nagising. Nagising sa ibang henerasyon. Iisang mundo ... Ngunit magkaiba ng henerasyon. Alam nila lahat. Lahat. Lahat. Join Raelyn and Janna as they Conquer the new generation... Different and new people .... Upgraded things... An...