Chapter 28

80 4 7
                                    

Dedicated to MissHotHeaded thank you for inspiring us to continue this work of fiction!



Raelyn's Pov

Kasalukuyan kaming may sari-sariling mundo. Ngayon ko lang din napansin na meron pa pala kaming isang kasama. So bale pito kaming nandito. Tatlong babae at apat na lalaki. Hindi ko lang siya nakita kanina dahil nandoon lang siya sa sulok. Katabi ko siya ngayon at parang another torture nanaman ito dahil hindi ako makapagsalita. Para kasing hate na hate niya ang maingay at anytime ay lalamunin ako pag nagsalita.

"Rae, marunong ka bang mag tirintas? Pwede mo bang itirintas ang buhok ko?" Nag-alinlangan naman akong tumango kay Cris. Sa haba ng buhok niya eh kailan kaya ako matatapos.

"Its already 30 minutes. Where the hell is our instructor?" Napatingin naman kaming lahat sa babae na may kulay green sa buhok. Tanging si Cristin at Luke lang ang kilala ko. Wala na akong kilala nun. Nahihiya naman akong magtanong kaya idedescribe ko na lang.

"Relax, baka late lang" Sabi naman nung lalaking puro black ang suot.

"Gosh! 30 minutes! Late pa ba yon?"

"Hey, can you please calm down. Maghintay pa tayo" Sabi naman nung lalaking may nerdy glasses pero hindi mukhang nerd.

"Tss. Our instructor must be stupid" Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Cristin.

"Rae, tapos ka na ba?"

"Ah.oo"

"Salamat"

"Hey, apple green hair." Nagulat naman ako sa inasta ni Cristin. Siya ba talaga to? Bakit parang sumeryoso ata siya? Bakit parang hindi siya yung kausap ko kanina?

"Are talking to me?" Taas kilay naman sabi nung may green sa buhok. Nanatili naman kaming tahimik at nakatingin sa kanila.

"Luke, stop Cristin. Kawawa yong babaeng yon pag nagkataon." Rinig ko namang bulong nung katabi ko.

"Bro, mahal ko pa ang katawan ko. Ayokong mabalian."

Teka, parang nabubuhol na ang utak ko. Nakaka op kayo.

"Do you really want to train? Just looking at you I can say that you can't do anything" Walang emosyong sabi ni Cristin.

"Wow. Who are you? Masyado naman atang mataas ang tingin mo sa sarili mo? Anong ipinagmamalaki mo? Yang buhok mo? Tss."

"Wag mong idamay ang buhok ko dito"

"Luke awatin mo na si Cristin." Bulong ulit ng katabi ko. Pero pambihirang bulong yan ah. Rinig na rinig.

"Bakit ako. Alam mo namang medyo mainit din ang ulo sakin ni Cristin"

"Ikaw lang ang makakagawa nun"

Wala na talaga akong maintindihan.

"Hindi porke mahaba yang buhok mo pwede ka ng magmalaki dito" Sabi ni green hair saka hinawakan ang buhok ni Cristin.

"Bitawan mo ang buhok ko" Seryosong sabi ni Cristin. Teka bakit parang nag-iiba na ang aura sa paligid.

"Eh kung ayaw ko?" Nakangising sabi naman ni green hair.

"Crap! Luke! Ano pang ginagawa mo awatin mo na Cristin!" Nagulat naman ako sa katabi ko. Bigla namang naghehestirical na hindi mo maintindihan.

"You won't able to use that fucking hand of yours ever again"

"Scary"

"Sherry tumigil ka na." Hinatak naman siya palayo nung lalaki na puro black ang suot dahilan para mabitawan niya ang buhok ni Cristin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now