Ngunit may maitim na balak na naisip si Raelyn. Maitim na balak na makakatulong sa mga tumulong sakanila.
Dagliang itong nagpasama kay Yiriko na kasing edad lang nya. Nagpasama ito sa isang junk shop na malaking talaga.
"Anong isasanla mo?"
Tanong ng taong naruon.
'Ang akala ko ay ano ang ibabakal bote mo ang sasabihin nya...'
Maloko ang pagkakasabi nito. Sa isip nya.
"Yung kotse. Hindi ko na sya kailangan. "
"Ano?!"
At nagsabay nga sa pagkagulat ang dalawang bantay ng sanglaang ujunk shop at ni Yiriko.
"Opo... Gusto kong mbaklasin nyo yan ng pinong pino at walang ititira. Hahaha!"
Namamangha ang tatlo na tiningnan sya at ang mamahaling kotse na may basag na bintana. Hindi nila ito pinigilan at tuwang tuwa sa nangyayari.
"Baklasan nyo sa harap ko."
Natatawa ngunit seryo ang pagkakasabi nya nito. Napatingin pa sya sa pagkulbit ni Yiriko sa tagiliran nya kaya bahagya pa itong napaiwas.
"Seryoso ka?"
Nakangiti lang itong ngumiti.
Hindi alam ni Yiriko kung mayayabangan o mamamangha sa pinapakita ng dalaga.
"Hindi kaya nakaw ito?"
MPanuring sabi ng isa.
"Hindi yan. Kapag hindi nyo pa binaklas yan ay hindi ko sainyo ibebenta yan. Nakakainip ah."
Pagbibiro pa nito. Kaya kaagad naman nilang binaklas yun at di kalaunan ay hindi na nila nakilala ang kotse. Ang napakamal at isa sa mga latest na kotse ngayon...
"Magkano ito?"
Tanong nito sa dalawang lalaki abang ipinapa check kay yiriko ang mga pera na nakabag. Hindi nito kilala ang mga pera dahil ibang iba ito sa mga pera nuon.
"Two Milyon Five hundred thousand yan."
"Hm?"
Kunwari pa ito ngunit gusto na nyang lumuwa ang mga mata niya. 'Ang mga perang nakasilid sa bag na yun ay ganun kalaki ang halaga?!'
Hindi rin mawari ni Yiriko kung anong marramdaman nya dahil ngayon lang ito nakakita ng ganuong halaga ng pera.
"Teka. Teka! Alam naming igit sampung milyon yan okay?! Ato pa yung tseke tatlong milyon yan."
YOU ARE READING
Taste of Flesh (On Going)
ActionBasta nalang sila nagising. Nagising sa ibang henerasyon. Iisang mundo ... Ngunit magkaiba ng henerasyon. Alam nila lahat. Lahat. Lahat. Join Raelyn and Janna as they Conquer the new generation... Different and new people .... Upgraded things... An...