Chapter 19

31 4 0
                                    

*Pyaang* *Pyaang* *Pyaang*

Rinig na rinig ang kalembang ng isang napakalakas na gong na wari mo ay bigla nalang itong pinukpok at umalingawngaw ng sobrang ingay. Nagsilbi itong hudyat ng pagtatakbuhan at pagwawala ng mga tao sa paligid. Sabay sabay silang tumakbo na parang isang malaking stampede papunta sa kung saan.

"Raelyn anong meron?"

"Hala ewan ko! Pahinga day ngayon ah?"

"Naku..."

Bigla akong kinabahan. Ano kayang nangyayari?

"Tara dalian mo tingnan natin. Besides pumunta na lahat dun! Baka may pulong." Kaagad akong hinigit ni Rae saka tumakbo. Nagagawa ko ng sumabay ng konti. Tingin ko konting konti nalang ay makaka recover na ang katawan ko sa pagiging lupaypay.

"Rae, hindi ka ba nalulupaypay simula ng makalabas tayo?" Tumatakbong nilingon nya ako hawak ang kamay ko.

"Medyo pero di gaya nung epekto sayo. Kaya ko namang magpatumba. Ikaw?" Nice naman.

"Gumaganda na ang lagay ko."

"Mabuti naman."

Hindi na namin nagawang magsalita dahil nakarating na kami sa Training Gym. Nagkakagulo ang lahat at hindi magkanda ugaga sa pagkuha ng mga armas nila at mga kung ano anong itinatarak sa sarili nila.

"Janna. Raelyn. We need your cooperation. May mga sumusugod na mga Kalaw sa lungsod na pinanggalingan ninyo. Nasira nila ang harang. Alam kong kaya nyo kaya, please cooperate."

"Teka teka! Anong gagawin namin?" -Rae

"Save life."

Hindi parin ako kumibo at hinayaang si Rae ang magtanong sakanya. Sya iyong lalaking nag angkas samin sa motor nya.

"Iaasign namin kayo sa bawat pamilya at siguraduhin nyong ligtas sila. Iligtas nyo sila sa mga kalaw. At kung kailangang pumatay, I am giving you my permission to kill." Napakabilis ngunit malinaw ang bawat katagang sinasabi niya. Nagsisimula na akong kabahan. Ang paraan ng kanyang pagsasalita ay para bang nagmamadali. Parang tense na tense sya. Hindi rin sya magkanda ugaga sa pag sasabay ng kanyang pakikipag usap samin at pagbibihis.

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now