Chapter 26

43 3 0
                                    

Rae's POV

Iniwan kong nanghihina si Janna doon sa bubong nung dorm namin para gumawa ng nakakalokong hakbang na di ko man alam kung magtatagumpay. Basta eto ang tawag ng laman ko at sana wala akong pagsisisihan sa dulo.

Mabilis ang pagtakbo ko hanggang sa maka abot sa dorm nung dalawang babaeng pinaghihinalaan nilang kami. Kung magkakataong mauna sila sakin, tiyak na kawawa ang dalawang to. Papasok nalang sana ako kaagad sa bukas ng pinto ng dorm nila ng makakita ako ng black mask. Saka ko lang narealize na, I need to cover my identity for my own protection. Isinuot ko yun kahit hindi ko alam kung sinong gumamit. Wala ng arte arte.

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa dorm namin ng ganitong gabi?"

Nakapamaywang at taas kilay na sita sakin ng isang babaeng may maikling buhok na hanggang balikat. Naka damit pantulog na ito.

"You are in danger. Andito ako para tumulong. So please, cooperate."

Di nako nagpadalos dalos pa at kaagad ko ng sinabi ang pakay ko.

"You're joking aren't you?"

Slang na tanong nito.

"I'm serious."

Sabi sabi ko at tinabig sya para maka pasok sa dorm nila.

"Isara mo yung pinto. I lock mo. Bilis."

Taas kilay pero ginawa naman niya ang sinabi ko. May babaeng mahaba naman ang buhok nito na hanggag baywang ang nakatingin sakin. Pabalik balik ito ng tingin sakin at sa kasama nya.

Mabilis ko namang sinuyod ang kwarto nila at nag isip ng patibong, ilang segundo lang ay may naisip na ako. At kasabay nito ang ingay na nagmumula sa labas.

"May weapon kayo?"

"Of course."

Sabay pang sabi nila.

"Kunin nyo at humanda kayo. Itago nyo malapit sainyo."

Sabi ko at nalilitong kinuha nila ang mga ito ngunit bago pa man sila maka kilos ay saktong bumukas ng malakas ang pinto.

Kaya't pasimple akong nagtago sa pagitan ng likod ng pinto at aparador na nasa gilid nito.

"Move, and your dead."

Kitang kita ko ang unti unting paglapit ng dalawang lalaki sakanila pumasok sabay sara ng sirang pinto kaya't naiwan ito naka awang ng kaunti. Hindi na nila napansin ang presensya ko sa likod nila at sinensyahan ko ang dalawa na tumahimik at wag akong tingnan.

Kabado ang mukha nila dahil sa may dalawang baril ang naka tutok sa sakanila. Nakaputi ang mga lalaking ito at may puting mask at cap rin. May hawak na puting maleta rin ang isa sakanila.

Hindi ko na pinatagal pa at bago pa lumingon sakin ang isa sakanila ay tinadyakan ko na ang likod ng isa sakanila at sinipa ang batok ng isa kaya dalawa na silang nakabulagta sa sahig. Ang isa ay walang malay at ang isa naman ay naka dapa habang hawak ko ang braso nyang naka palipit sa likuran nito.

"Anong kailangan nyo sakanila? Anong ginagawa nyo sa school na ito? Ilan kayo? Bakit nyo ginagawa to? Sagot."

Mahina ngunit may diin na tanong ko rito.

“Tingin mo sakin? Sira ulo para sagutin yang mga tanong mo na yan? Huh!Aaaackk----”

Tinadyakan ko tong lalaking naka dapa habang hawak ko ang naka palipit nyang kamay habang nasa likod naman nya ang tuhod ko. Wala kang kawala tsong. Panira pa naman ng moment, e ang cool ko na kaya dun sa dialogue ko sabay gumanun. :/

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now