Chapter 20

25 3 0
                                    

"M-magingat ka."

Kinakabahan ko sabi. Kasabay ng pagharurot ng motor nito ay ang paghakbang ko patalikod at tumakbo sa mga batong bahay. Lahat ng bahay ay bato. Maliit malaki mga matitibay na bato parin.

Kaagad akong kumatok sa bahay kung saan ako naka assigned.

"Sino yan? Protector ikaw ba yan?"

"Oo!"

Pinapasok nila ako saka kaagad na sinara ang pintuan. Bakit kahoy ang pinto?!

"Mama babae ang protector natin ngayon!"

"Maaari nyo bang ipaliwanag saakin kung ano ang mga kalaw?"

Kaagad akong tumakbo sa tinakbuhan ng bata. Nasa ikalawang palapag ang mga ito at nakatanaw sa mga bintana... natanaw ko ang mga kalaw at saglit na kinabahan. Hindi ako maaaring matakot. You need to help them and fear is not a hindrance janna. Pagchi cheer ko sa sarili ko.

Puro mga babae ang narito. Isang tatlong gulang na bata, isang limang taon, isang trese,isang desi otso, at isang tatlong pu't pitong gulang na ginang. A-andami nila...

Hindi sila nagsayang ng oras at ipinaliwanag sakin ang hindi pa malinaw at hindi nasabi sakin.

"Iyan ang mga kalaw. Madalang lamang ang mga itong lumabas sa kanilang mga lungga. Kapag sinira ang kanilang tirahan ay nag aaklas sila. Malamang ay may kung sinong nambulabog sa mga ito. Dati rati ay iilan lamang ang naliligaw na mga kalaw rito. Sa tuwing may magaganap na away ng mga mababangis na hayop sila nagaaklas. Ngunit iba ang ngayon! Sobrang dami nila!"

"Pu-lumapatay ba sila?"

"Oo kung gusto nila! Pero hindi madalas. Ang pananakot at paninira ng mga bagay ang lagi nilang ginagawa. Wala pa naman akong nakitang pumapatay na kalaw sa buong buhay ko ngunit may nababalitaan akong tiniris nila ang mga tao sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa mga ito o di kaya ay ang pagapak ng mga malalaki sakanila. May ruon din daw sa mga kaainlaki natin na kinakagat nila at nagiging dahilan ng pagka baliw at pagka matay...."

Taste of Flesh (On Going)Where stories live. Discover now