Rae Pov
Dahan dahan kong inilock ang pinto ng kwarto kung nasaan kami ni Janna. At Oo buhay siya.
Fresh na fresh mula sa Ref XD
Hindi ako makapaniwala na buhay siya.
Kinurot ko pa nga siya ng ilang beses to be sure na buhay nga at hindi isang multo.
Masaya ako dahil buhay siya pero hindi ko maintindihan. How? Namalikmata lang ba ako? I don't know how to express my feelings right now. I'm happy and at the same time confused.
Hindi ko alam kung saang lupalop ako hahanap ng sagot sa mga tanong ko ngayon.
Saka ko na lang itatanong kung paano pag gising na siya dahil hanggang ngayon tulog pa rin siya.
Hindi ko muna siya gigisingin dahil alam kong pagod ito. Kailangan ko rin munang isipin kung ano ba talaga ang nangyayari sa amin.
Nasa ospital kami ngayon at mukhang pag aari ito ng mga taong nakaputi na nagpatulog sa amin.
Paano kami napunta sa tube na yun?
At anong ginagawa nila sa amin?
Sinubukan naming tumakas pero nahuli din kami at may kung anong itinurok sa amin dahilan para makatulog kami. At heto Kami ngayon nandito nanaman sa teritoryo nila.
Naalala ko ang lahat simula sa umpisa pero Hindi ko maintindihan kung paano Kami napunta sa tube na yun?
Sino sila?
Anong pakay nila sa amin?
Yung mga zombies?
Si Kibb?
Flauries?
Yanna?
Anong nangyari sa kanila?
At higit sa lahat paano Kami nakaligtas at napunta sa tube na yun? At kung hindi ako nagkakamali 3020 na ngayon.
Yun ang nakasaad na taon sa kalendaryong nasa harap ko ngayon.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang nakikita ko ngayon. Nababaliw na ba ko?
Ang pagkaka alam ko 2016 ng mangyari ang lahat ng yon.
Ughhh!!Ano ba talagang nangyayari?!
Bigla akong nataranta ng may pumihit sa door knob ng pinto. Buti na lang at nailock ko ito. Dali dali akong humiga at nagkunwaring natutulog.
Narinig kong dahan dahang bumukas ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko at sinugarado kong hindi ako gumagalaw dahil isang Mali ko Lang ay maaaring mahuli ako.
Palapit na ng palapit ang mga yabag niya. Hindi ko alam kung saan banda ito pumunta at Wala rin ako sa isip ko para isipin kung saang direkyon ba. Huminto ito at mukhang nasa Bandang kanan ko ito dahil ramdam ko ang presensya niya.
Ramdam kong may ginagawa ito Kay Janna dahil may tunog akong naririnig.
Lakas loob kong iminulat ang mata ko at tama nga ako. Nakatalikod ito sa akin at may kung anong pinipindot siya dun sa nakasaksak Kay Janna.
Humanda ka sakin!
Kinuha ko ang pinaka malapit na vase at ipinukpok ko ito sa ulo niya at agad naman itong nawalan ng malay.Buti nga sayo!
Agad akong pumunta kung nasaan si Janna at walang Sabi sabing inalog ko ita para gisingin.
"Janna!!!Gumising ka na!!" Inalog ko na ito pero Hindi parin gumigising.
Sorry talaga Janna pero ito lang alam kong pinaka mabisang paraan.Patawarin mo sana ako.
Bumilang Muna ako ng tatlo bago ko ito tuluyang itinulak dahilan para mahulog ito sa kinahihigaan niya.
At salamat naman at success dahil gising na siya hawak hawak ang balakang niya.
"Ouch." Mahinang daing nito. Ang hinhin talaga eh XD
Tinulungan ko itong tumayo at nagkunwari akong walang kinalaman sa nangyari sa kanya. Ayokong masapak no. Tumingin ito sakin at binigyan ako ng tingin na
"Ikaw ba ang nagtulak sakin?"
"Huh? Hindi ah! Bat naman kita itutulak. Ang sabihin mo malikot ka lang matulog" Painosente kong Sabi sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Hmp.Oo na,tinulak kita. Ayaw mo kasing magising eh. Tsaka mamaya na tayo mag chikahan dahil kailangan na nating umalis dito"
"Teka Ano bang nangyayari? Tsaka nasaan tayo?" Kamot ulo nitong sabi.
"Nasa mental hospital tayo at maraming baliw na zombies ang nagkalat kaya kailangan na nating magmadali!" Umakting pa ako ng takot para makatotohanan pero ang totoo Wala naman talaga.
Gawa Gawa ko Lang yun para naman mataranta siya ang hinhin eh XD
Mukhang effective naman dahil namumutla na ito.
Wahahahaha!
To be Continue...
YOU ARE READING
Taste of Flesh (On Going)
ActionBasta nalang sila nagising. Nagising sa ibang henerasyon. Iisang mundo ... Ngunit magkaiba ng henerasyon. Alam nila lahat. Lahat. Lahat. Join Raelyn and Janna as they Conquer the new generation... Different and new people .... Upgraded things... An...