Janna's POV
Magkikita sana kami ni Raelyn ngayon sa harap ng mini park ng school ng may mapansin akong ilang kumpulan ng mga estudyante. Out of curiosity ay napagpasyahan kong lumapit dito at sipatin kung anong tinitingnan nila pero wala akong makita, nang may maramdamang nakatingin saakin ay napatingin ako sa pinanggagalingan nito.
Nagulat ako ng makita ko ang babae sa History class. Iyong kamukha ni Flauries!
Umalis rin ito kaagad kaya hindi ko na sya nagawang habulin pa. Lalo na ng marinig ang mga bulungan.
"Kamay nga ata ng tao yan!"
"Hala nakakatakot naman!"
"Anong meron?"
Kinakabahang tanong ko sa mga nakasiksik.
"May kamay po ng babae!"
Nagulat ako kaya nagsumiksik pa ako. Pagdating ko sa kumpulan ay nakita ko ang kamay na may dugo.
A-anong...
Hinawakan ko ang pulsuhan nito at naramdaman ang bahagyang pagtibok rito.
"B-buhay pa to! Tumabi kayo please!"
Nagsitabihan ang mga ito pero crowded parin!
Hinatak ko ang babae at nakitang may saksak ito sa may tiyan at sobrang nagdurugo pa ito. Ngayon lang nangyari to!
Nagulat ako ng may isa pang paa ang naka usli. Nasa may ilalim sila ng hagdanan na puno ng mga nakatambak na kahon.
Hinatak ko rin ito at pinulsuhan.
"Sinong med student dyan? Sinong nag aaral mag doctor? Sinong may alam dito? Tumulong kayo please!"
"Janna? Ikaw ba yan?! Hala Jusko po!"
Walang ibang lumapit kundi si Rae kaya nagsimula naakong kabahan. Pinulsuhan ko ang isa. Puro bugbog ito at may tama sa ulo.
"Ms. Wake up please. Wake up!"
Sabi ko dito at pinakiramdaman ang mga ugat nya habang tinatapik sa pisngi.
"Ano to? Anong nangyari Janna? Anong gagawin ko?!"
Natatarantang sabi nito.
"Panyo! Maraming panyo! I-itapal mo sa nagdurugong tiyan nya!"
Sagot ko kay Rae at taranta itong sumigaw.
"Panyo daw! Akin na mga panyo nyo, lumayo pa kayo, huwag nyo silang siksikan kailangan nila ng hangin! Salamat! Salamat! Please tawagin nyo ang admins, ang head or kung ano mang tawag nyo sakanila pati mga nurse sabihin mo may kailangan ng tulong!"
Sigaw nito at sobrang natataranta pa habang itinatapal ang panyo sa bewang ng babae.
Tsk! Nagalaw ang ugat ng babaeng hawak ko sa may batok! Mukhang hinapas sya duon!
Muli kong ginalaw ang ugat nito sa batok at kapos ang hininga nyang suminghap sa hangin. Nanghihina itong huminga.
"Ms. Alalayan mo please!"
Sabi ko sa kumpol ng kababaihang nakikinood. Hindi alam ang gagawin ng isa pero yumukod ito at inalalayan ang babae. Sunod kong chinck ang vital sign ng babaeng may saksak sa tiyan.
"Hindi na sya humihinga! Please lang kailangan na nilang madala sa hospital! Rae! Higpitan mo ang pagkakatapal!"
Kinakabahang sabi ko.
"Hindi na sya humihinga!"
"Ano!"
Hindi na ito humihinga at sobrang bagal na ng tibok ng pulso nya.
Sinarado ko ang ilong nito saka bahagyang iniawang ang labi niya at binagyan sya ng hangin.
CPR.
Pagkatapos ay pinump ko ang dibdib nito. Ilang beses kong ginawa iyon hanggang sa maramdaman ang pagbalik ng hininga nito kahit wala pang malay... Kasunod ay ang lagdating ng ambulansya at pagkuha sa dalawang babaeng iyon.
Napasandal kaming dalawa ni Raelyn sa hagdanan.
"Ano 'yon?"
Hindi makapaniwalang sabi ko.
Napailing nalang si Rae at parang may inalala .
"Lyn Castro, and Yanna David..."
Kabadong saad nya.
"W-what?"
Hindi makapaniwalang anas ko..
Ibig bang sabihin ... Iyon ang mga pangalan nila?
"Nagsisimula na sila..."
Sabay naming sabi at parehong itinikom ang mga kamao naming hindi malaman kung bakit nanginginig....
YOU ARE READING
Taste of Flesh (On Going)
ActionBasta nalang sila nagising. Nagising sa ibang henerasyon. Iisang mundo ... Ngunit magkaiba ng henerasyon. Alam nila lahat. Lahat. Lahat. Join Raelyn and Janna as they Conquer the new generation... Different and new people .... Upgraded things... An...