Chapter 1: Debut Performance

812 9 0
                                    

"Ayan na sila!! yaaaaah!" tili ni Aki. grabe, basag yung eardrums ko dun ah.

"Hoy Aki, sakit sa tenga ah, sino ba yan?"

"Ay teh? ano ba yan? late ka ba sa news, sila kaya yung sikat na cover group ng Super Junior, yung Shining 13" sagot niya.

"Weh, sikat ba talaga? tignan nga natin,."

"Oo, as in Super!!! andami na nga nilang fan girls eh.. Uber kasi sa kagwapuhan yang mga yan... Tapos ang galing galing pang sumayaw, shet! makalaglag panty! :)"

"Adik ka talaga Aki" sabay batok sa kanya

"And now for a special performance here on stage, Shining 13!!!

"Kyaaaaaaa!" *fangirls screams*

Sikat nga... *takip tenga*

"Sorry, Sorry, Sorry, Sorry...."

NGANGA! :)

---

Yun yung first time na nakita ko sila tapos ngayon may iba na ulit silang kino-cover na KPOP artist. May mga sub-units sila parang Super Junior lang, para sa iba pang mga Kpop Groups, pate nga mga girl groups meron din sila eh.

Lahat na yata ng KPOP groups kinover nila eh, pero di tala ako nagsasawa sa mukha nung lalaking yun. Yung lalaking naging crush ko nun, si Seven.

---

Nga pala, ako si Machiko, Machi for short. Pang-japanese lang yung name kaso, hindi kami mayaman. Actually, nag-aaral nga ako sa hindi kilalang school eh, Tapos yung mga pang-entrance ko sa mga events, mga ipon lang galing sa baon sa school. Kaya lang naman ako nasali dito sa mga ganitong events kasi IDOL KO ANG SUPER JUNIOR. hahaha. ELF ako eh. 

Ayun, Beast ang kinocover namin, reversed CG kami eh. Yung mga members nakilala ko lang sa Facebook, kasi naghahanap sila ng members. Eh, sinali ako nung pinsan ko, ayun, pagkagising ko member na ko. Yung mga members, naging friends ko na rin after ng maraming practices na nangyari before our debut. Bale ang name ng group namin ay Beats, wala kasi kaming maisip na maganda eh..haha, yung members ay ako, si Mai, Mina, JC, Lila at Aki *yung pinsan ko*

Tapos ayun, parang biglaang nangyari, andito na ko sa backstage ng isang Kpop Event, at magde-debut performance na ang grupo namin.

---

"Shet! Ming kinakabahan ako!" sabi ni Mai

"Ay ako rin Sis!" sunod na sabi ni Mina

"Tumigil nga kayo, baka dahil dyan sa kaba niyo malimutan nyo yung steps na antagal tagal nating pinagpractisan..." kontra ko sa sinabi nila

"Machi, bakit parang di ka kinakabahan?" naiiyak na tanong ni Lila, yung maknae namin *maknae: pinakabata, bunso ng grupo*

"Ewan ko, pero siguro pagtungtong ko dyan sa stage, dun na ako kakabahan." pagpapaliwanag ko

"Sus! para sasayaw lang sa stage eh" sabi ni JC

"Tignan nyo, si Machi at JC, ganyan lang tayo guys, CHILL lang, wag kabahan! Fighting!" sabi ni leader Aki.

---

Di naman masyadong malaki tong event na 'to kaya hindi masyadong kilala yung mga sumali, Parang Debut Stage contest to eh, kaya yung mga nag-special performance, hindi ko rin masyadong kilala. pero ang masasabi ko lang, maraming GWAPO!!! :)

---

Ayun, after ng matagal na paghihintay, kami na rin ang magpeperform. Ang intro namin ay Bad Girl pero Shock ang buong sasayawin namin. hahaha, ang gulo no, ni-remix kasi. :)

After 5 minutes, natapos na rin kami,.

"Shet! ang dami kong mali, pero parang hindi naman halata eh" 

"Wah!! ayoko na, ansakit sa puso, ang dami kong kaba!"

"Natatakot akong tumingin sa audience, nahihiya kasi ako"

"Ang sakit sa mata nung spot light"

"Grabe! ulitin natin to, masaya pala"

Ayun, iba-ibang reaksyon ng mga members namin, hahaha... nakakatuwa sila pero hindi na ko sumali sa diskusyon nila. May hinahanap kasi yung mga mata ko, pero mukhang di ko siya makikita dito.

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon