<Machi's POV>
Dahil hindi ko na kaya... Sabi nila magbilang daw ng one to ten para mawala yung galit... Kaya...
1...
2...
3...
4...
5...
Hindi ko na talaga kaya eh...
Tumayo ako at sinabing, "Manong, may bababa pa. Sandali lang"
Hindi na ko tumingin pa kay Seven. Hindi ko kaya eh, baka maiyak pa ko biglaan sa harap niya.
Kahit umuulan at wala akong dalang payong, bahala na si Wonderwoman.
Wonderwoman naman ako eh...
Kunyare hindi na lang masakit.
Kunyare masaya ako.
Kunyare kaya ko pa.
Kunyare lang...
Kunyare...
T^T
Nahirapan akong makalabas ng bus kasi may mga taong nakatayo at nakaharang sa dadaanan ko,. Nagulat ako ng pigilan ako ni Seven sa may kamay ko, pero hinila ko pabalik yung kamay ko at dire-diretsong lumabas sa bus. Bahala na yung ulan sa'kin. Bahala na...
Nakalabas na rin ako ng bus tapos mabilis na sumilong dun sa nakita kong malapit na bus stop.
Pero nagulat ako nung tumalon siya palabas ng bus. Medyo paandar na yun eh, pero tumalon siya palabas. Muntik na siyang madulas pero buti nalang nabalanse niya yung katawan niya. Buti na lang kundi baka may masama ng nangyari sa kanya...
<Seven's POV>
Grabe~! Nabasa ako ng tubig ulan pagbaba ko ng bus. Muntik-muntikan na kong madulas buti na lang nabalance ko yung sarili ko. Nakita ko si Machi na nakaupo dun sa may bus stop, medyo basa na rin siya katulad ko.
"Ano ba? Ba't ka bumaba? Anlayo mo pa ah..." tanong ko kaagad nung nalapitan ko na siya. Basa pati yung mukha niya.
"Pakialam mo ba? Ba't ka rin ba bumaba? Dapat hindi mo na ako sinundan..."
"Nag-aalala ako sa'yo. Bakit ba nagkaganyan ka?"
Hindi na siya sumagot. Tumayo siya tapos naglakad, para bang nagpapabasa sa ulan.
<Machi's POV>
Tumayo na ako at tuluyang nagpabasa sa ulan. Hindi na kasi kayang pigilan yung mga luhang gustong bumagsak mula sa mata ko. Kanina ko pa sila pinipigilan pero mukhang hindi ko na mapipigilan ngayon. Kaya help me raindrops to conceal my teardrops. T^T
"Hindi mo na kailangan mag-alala. Okay lang ako." sabay talikod sa kanya.
"Hindi ka okay. Alam ko..." iniharap niya ako sa kanya. "Bakit ka ba nagkakaganyan Machi? Ano bang problema?"
Nahihirapan ako...
AYOKO ng ganito.
Dapat hindi na ako nagdrama.
Dapat pinigilan ko nalang yung nararamdaman ko.
Dapat nanatili na lang akong walang imik kanina sa may bus at hinintay na lang makarating sa bababaan ko.
Dapat ganun ang ginawa ko.
Dapat ganun.
"Wala namang problema eh... Walang problema... Wala..." paulit-ulit kong sabi pilit na umaalis sa pagkakapit niya sa dalawang balikat ko pero hindi ko kaya. Parang na-drain lahat ng energy ko. Emotionally and physically drained na ko. Kumbaga sa cellphone, battery empty na.
"Wala? Pero bakit pakiramdam ko meron... Bakit ayaw mong sabihin sa'kin? I'm here to comfort you naman, pwede namang minsan sa'kin mo naman sabihin ang problema. Pwede bang minsan huwag muna si King, ako naman oh... Minsan lang..." tapos niyakap niya ako ng mahigpit. Nagpapasalamat ako sa pagyakap niya kasi at least hindi niya masyadong makikita yung pag-iyak ko pero malamang sa malamang mararamdaman niya yung paghikbi ko.
"Ano ba? Bakit mo ko niyayakap? Huwag ka ngang ganyan! May girlfriend ka!!! Pakiusap naman, huwag mong saktan si Chemi..." pilit pa rin akong kumakawala sa mahigpit niyang yakap pero,
"Anong Chemi? Wala yun, hindi ko siya girlfriend. Everything was just a lie. Walang kami. Hindi ko siya girlfriend."
"A-anong ibig mong sabihin?" sa wakas natanggal ko na rin yung pagyakap niya sa'kin. Medyo pinupunasan ko pa yung luha ko, pero hindi ko pinahahalata sa kanya.
"Everything was just a set-up. Gusto ko kasing malaman if you have feelings for me like as I have for you. Gusto kong malaman, pero hindi ko matanong sa'yo so Chemi thought of an idea na pagselosin ka, na i-set-up ka para malaman ko if you feel the same for me..."
"So... Sinet-up mo ko para lang malaman yan? Sana pinag-isipan mo muna yang lahat na yan before deciding to do it. Kasi emotions ko yung pinag-uusapan dito. Akala mo ba masayang malaman na joke lang yung sinabi mo? Alam mo ba yung pakiramdam na nagseselos? Alam mo ba yung pakiramdam nun? Masakit yun, Seven... Hindi naman ako manhid... Hindi naman ako si Superman na walang kahinaan eh. Emosyon yun, Seven. Ang sakit lang eh... Masakit..."
<Seven's POV>
"...Ang sakit lang eh... Masakit..." sabi ni Machi.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko.
Pwede bang rewind na lang.
Pwede bang i-undo yung ginawa ko.
Pwede bang isa pang second chance.
Pwede bang isa pa.
Promise, hindi ko na gagawin yun.
Hindi na.
Nasasaktan siya at ako ang may kasalanan nun.
"Machi... Sorry..." that was the only word that I can think of.
---
A month later...
<Machi's POV>
Matagal na rin, since nakita ko si Seven. Yung last na pag-uusap namin sa may bus stop, yun yung last na nakita ko siya. Nakita ko sa isang event si Chemi and she told me everything. Nalaman ko yung totoo. Nalaman ko yung feelings niya. Nalaman ko lahat. Pero would it change anything? Nasaktan na ako eh. Lolokohin ko sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nasaktan. Pero pwede naman magpatawad eh. I can forgive him pero hindi pa ngayon, I still need time. Mapapatawad ko rin siya in time.
Natuwa rin ako ng konti because we feel the same way for eachother pero hindi lang kayang magtapat sa isa't isa dahil sa fear of the unknown. Ewan ko ba? Pareho kaming natalo ng mga takot namin eh. Pero next time, kung magkakaroon pa ng next time, promise, I will not let fear rule my life. Magkikita pa naman kami ni Seven eh. I hope...
<Seven's POV>
Nasaktan ko siya ng sobra. Ang bobo ko talaga. Dapat hindi na ako nagpadala sa takot ng rejection eh. Eto tuloy ang nangyari sa akin. If only sinabi ko sa kanya at hindi ako nagpadala sa takot, siguro masaya kaming dalawa ngayon. Siguro magkasama kaming dalawa ngayon. Siguro hindi ako nasasaktan ngayon. Siguro wala 'tong guilt sa loob ko. Siguro...
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...