Chapter 22: Goodbye Stage: The Seventh Beat ends it all

257 9 1
                                    

<Machi's POV>

"Yoohuuu~! Andito kame Seven!!" sigaw ni JP nung nakitang patingin-tingin sa kanan at kaliwa si Seven na para bang may hinahanap. Inakbayan niya yung girl na kasama niya at inilapit sa amin para ipakilala.

"Guys, si Chemi. Chemi, si JP at King tapos Beats members, Aki, Lila, JC, Mai, Mina at si Machi" pakilala niya sa'min.

"Hello po, ako po si Chemi. 18 years old po. Nagko-cover din po ako ng 4minute."

"Girlfriend mo?" biglang tanong ni King.

"Oo..." sabay tingin dun sa girl.

Oo...

One word, isang word lang pala ang makakapagpasakit sa'king puso.

HOY PUSO! makisama ka...

Huwag muna ngayon...

Mamaya na please ah...

Ayoko nitong feeling na 'to.

Feeling ko sasabog anytime yung puso ko. 

Ayun, usap-usap kami. Pinipilit kong tumawa at ngumiti kahit parang medyo nawala ako sa mood makipag-usap. Parang suddenly gusto kong mapag-isa.

"Maching, galaw-galaw naman dyan... May problema ba?" biglang tanong ni King.

"Ay! wala. Wala naman. Napagod lang siguro ako. Matagal na rin after kong makapunta sa mga events eh..."

Tapos ayun, balik usapan kami ng kung anu-ano. Sa hinaba-haba ng hindi namin pagkikita, pinag-usapan namin yung mga panahong hindi kami magkakasama. Tapos may sinabi bigla si Seven na parang ikinalungkot ko talaga ng sobra...

"Ay guys, nga pala... Yung FB ko, may naka-hack na kung sino eh. Antagal ko ng hindi nabuksan yun, so baka may nag-message sa inyo or nagta-tag sa mga posts, i-unfriend n'yo na lang. Di ko alam kung sino naka-hack eh... Sayang nga, andami ng friends nun, pero nakagawa na ako ng bago... Tapos nakalimutan kong sabihin na nawala na yung cellphone ko... So baka may magtext sa inyo ng kung anu-ano... Wag n'yo na lang pansinin, okay..."  mahaba niyang sabi.

So, ibig sabihin....

THAT WAS NOT HIM?

Hindi siya yung nag-message sa akin nun.

Hindi siya yung nabaliw sa akin.

Hindi siya yun.

Pinaasa ko lang pala yung sarili ko na gusto na ako ni Seven.

Pero yung mga sinabi ni King...

Ano yun?

Nangtrip lang si Seven?

O pinapaasa lang ako ni King kay Seven?

O baka umaasa lang talaga ako kay Seven?

"Hoy! aalis na tayo... Kanina ka pa spaced out dyan ah..." sabay tapik sa akin ni King.

"Ah... sige, sige, una na kayo, si-CR lang ako..."

"Okay..."

Nasa loob ako ng CR, actually, hindi naman ako naiihi eh...

Gusto ko lang huminga mag-isa.

Gusto ko lang mawala sandali sa lugar na yun.

Gusto ko lang makahinga ng maluwag.

Gusto ko lang mawala yung mabigat na feeling.

Gusto ko lang...

Gusto ko lang umiyak...

Pero pagpasok ko sa CR, andun si Chemi. Nagre-retouch siya mag-isa. Maganda, mas bata sa akin, hindi childish kumilos at mukhang bagay sila ni Seven.

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon