Chapter 16: Ate Machi?... Seven-Oppa?

255 8 1
                                    

"Eh? Mas matanda ka sa'kin?"

Yan ang topic buong araw... Ang sakit sa loob ko kasi ako nga yung tinutukoy nila. Hindi sila makapaniwalang 20 na ako.

"Kaya pala ate ang tawag nila sa'yo" dagdag ni JP

"Pero infairness hindi ka mukhang 20, mukha ngang mas bata ka pa sa'min eh" sabi ni King.

"I hate you King!" sabay hampas sa kanya.

"Bakit? Totoo naman ah, diba?"

"Oo nga..." pagsang-ayon nung iba

"Sige, pagtulungan nyo ko! I hate you all..." sabi ko, medyo naasar na nga ako eh.

Hahahaha. Nagtawanan na naman sila. Grabe~ walang humpay ang tawanan nitong mga 'to. Hindi na natigil. Hay Naku! kahit kailan, clown talaga ako ng grupo...

"Ate Machi"

"Ate Machi"

"Ate Machi"

"Ate Machi"

Paulit-ulit nilang asar...

"Sabi ng wag akong tawaging Ate eh... Hindi nga halata eh..." sabay walk out, pasok sa loob ng kwarto. Iniwan ko sila dun sa parang Nipa hut na malapit sa may pool sa hotel.

"Hala~ Nagalit... Lagot kayo..." naririnig ko silang nagsisihan.

"Uy! Sorry na..." pahabol nilang sabi, pero hindi na ko lumingon. Dire-diretso lang ako papunta sa kwarto namin. Magtatanggal lang ng inis.

Habang nakahiga sa kwarto, naalala ko yung nangyari kanina. Napansin ko na hindi umiimik sa tabi si Seven. Tahimik lang ito habang nagaasaran yung buong grupo. Hindi niya siguro inakalang mas matanda ako sa kanya. Siguro nawala na yung pagkagusto niya sa akin dahil mas matanda ako sa kanya. Ang pangit namang magkaroon ng isang karelasyon ang lalaki na mas matanda sa kanya. Hay naku! wala ng patutunguhan yung Maven or Sechi couple. Hay, hanggang panaginip na nga lang yun... :( Kung bakit kasi ako pinanganak ng mas maaga sa kanya, pwede namang sabay nalang kami ng year pinanganak. Hay...

---

Di ko namalayang nakatulog ako habang nag-iisip, nagising na lang ako nung ginising ako ni Aki.

"Uy! nagsisimula na yung party, gumising ka na..." yugyog niya sa akin...

"Ay! di ko namalayan, wait lang sabay na tayo..." nag-shower ako tapos nagbihis at nag-ayos ng itsura.

Sabay kaming bumaba ni Aki, tapos nakita ko na sila dun sa isang table na nagkukumpulan. Ang daming bisita ni Lila, pero karamihan yata mga ka-negosyo ng parents niya. Yung iba mga friends yata ni Lila sa school.

Pagdating na pagdating ko sa table namin,

"Uy! sorry na" lahat sila lumapit sa akin at sinabi yan.

"Hahaha, hindi, okay lang yun. Nakalimutan ko na..." sabi ko sa kanila.

Then, start na ng kasiyahan...

Kain dito, kain doon. Sayaw dito, sayaw doon...

Super enjoy, hanggang sa napansin ko na, wala si Seven.

Wala siya? Ba't di siya sumama? Ay naku! Stop thinking about him Machi, magpakasaya ka muna ngayon.

Enjoy ako kasayawan sina JP at si King. Pinag-tripan naming dalawa yung chocolate fountain. Ansaraaap~

Ansaya kasama ni King. Ankulit-kulit, ang dami kong tawa sa kanya.

Tapos medyo gumabi na, merong parang bar/cocktail drinks place sa isang tabi, tapos ewan ko pero parang napag-tripan kong mag-shot kahit isa. Pampawala ng asar, ewan ko rin kung bakit naasar ako despite dun sa tawanan namin ni King kanina.

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon