After nung sayaw namin, bumaba kami ng stage. Marami-rami parin kasi yung mga magpe-perform na CG after namin, so ibig sabihin, medyo mahaba pa yung time to stay in this event. Marami ring tao pero hindi katulad nung malalaking KPOP events talaga tulad ng Kpop Convention at Kpop Nation/Kfest.
Pagbaba namin ng stage.
"Wow! galing nyo guys! kinilabutan ako!" sabi nung friends namin na nag-aabang sa baba ng stage
"Weh? parang hindi naman eh."
"Oo nga! galing-glaing nyo. Astig!!!"
"Hahaha... May fancam ba kami?" *fancam: video nung performance*
"Oo naman, heto oh..." tapos iniabot yung camera
"Wait, kain muna tayo... gutom na ko eh" yaya ko.
"Sige, Let's go!"
---
Kumain muna kami sa medyo malapit na fast food restaurant. Since sa isang mall naman nangyari tong event, dun na lang kami sa may malapit kumain.
Nakalimutan na nga naming magpalit ng costume sa sobrang gutom eh.
"WOW! COSPLAYERS!" sabi nung waitress
"Ah, thank you po" sabay sabay naming bigkas
"Anong order niyo?"
Tapos ayun, kanya-kanyang order na.
"Machi, ikaw? ano order mo?" tanong ni Aki
"Katulad na lang nung sa inyo"
Actually, tinatamad lang akong magdecide nun. Kaya gaya-gaya na lang, yso naman yun eh. Kasi, gusto ko na talaga siyang makita eh. Hello! last September pa yung event na nakita ko siya eh ano na ngayon, April na... 7 months na yun,. Hay, seven na naman...
Nagde-day wishing pa ko nun eh, kaso...
"Si SEVEN oh!!" biglang tili ni Aki
"Weh? asan?" tanong nung mga members
Syempre, ako patay malisya muna pero unti-unti ding lumilingon.
"GOTCHA!" biglang sabi ni Aki
"HAHAHA!!" napuno ng tawanan dun sa lugar namin
"Sabi ko na nga ba eh, si Seven yang nasa isip mo eh" sabi ni Aki
"Yiiiieeeeeh!!" panunukso nung ibang memebers, yung iba parang kinikilig pa.
"Bagay kayo!" sabi ni JC
"Mga Adik! CR lang ako" sabi ko, tapos umalis na ko. Nahihiya kasi ako sa kanila kasi nalaman nilang crush ko si Seven.
---
"Ay naku Aki! patay ka talaga sakin! I hate you! Ipinaalam ba naman sa mga members na crush ko si Seven. Oh well, crush lang naman eh, no harm done. Kakalimutan ko nalang muna yung nangyari. Kaso baka asarin ako nung mga yun eh... hays!~ Ganun na ba ako ka-affected sa kanya?"
---
After namin kumain, bumalik kami sa place ng event. Ayun, marami paring tao. Marami parin yung mga nagpapa-picture dun sa mga gwapong tao sa event. At syempre, hindi papahuli yung Beats. Ayun, "Kuya pa-picture po!" kung sino-sino ang tinawag at nagpa-picture na, ako naman, DAKILANG PHOTOGRAPHER lang. Wala naman kasi akong hilig dyan sa mga picture-picture na yan.
Kung sino-sino yung mga nakilala namin. May naging close nga rin kami na CG ng Super Junior eh, nakalimutan ko lang yung pangalan. Pero hindi yung Shining 13. Hay! how i wish, sila na lang sana yun. ^^
---
Announcement ng winners...
Nasa may harap na kami ng stage nun, naghihintay sa sasabihin nung host.
"Shet! ambilis ng tibok ng puso ko"
"I'm so kabado"
"Wah! Maiiyak ako kapag tayo yung champion"
"Parang hindi tayo mananalo eh, andaming magaling eh"
"Ayos lang kahit hindi manalo, magaling naman daw yung performance natin eh"
"Basta, manalo o matalo, no regrets ako sa debut performance natin"
"Group hug tayo beh!" ayun, group hug ng grupo.
---
"And for our champion...."
"Beats, Beats, Beats..." dasal naming lahat. Hindi kasi kami natawag dun sa 3rd hanggang sa 1st runner up, so nagwi-wish kami na sana champion kami. Ansaya siguro nun, sobra... kasi debut palang tapos champion agad...
"STARS!!!"
---
AW! talo, nakakalungkot yung results pero nung tinignan namin yung ranking, pang 7th pala kami, kaso nga lang kinulang lang sa 0.30 para matalo yung 6th runner up.
"Sayang!" sabay-sabay naming banggit
"Basta, next time. Dapat tayo na yan ah..."
"Okay, Fighting!!!"
"Tara na sa next event! ^^"
"HWAITING!" tapos group hug! :]
"Tara pa-picture tayo sa nag-champion..."
"Go!"
In my mind, 7th talaga eh noh, nananadya yung tadhana. Seven... :))
Ang utak ko, polluted ni Seven.
---
At ayun, dun natapos yung debut performance namin. Medyo ayos na rin kasi out of 25 performers pang 7th kami. Achievement na rin yung ng buong grupo noh...
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...