I was writing my diary when I remembered my last conversation with him
"Wala lang... Na-miss kita eh"
one...
"Wala nga, na-miss nga kasi kita..."
two...
"Hindi nga... Miss na kita eh, miss ko na kasi yung smile mo, napansin ko kasing ang lungkot mo nung last event eh... May nangyari ba?"
three, four...
"Ay ganun ba? Gusto kita ulit makita. miss ko na talaga smile mo..."
five...
"Joke lang, eeh! sumilip yan sa bintana... hahaha... miss mo na rin ako no..."
six...
"Eh sabi ng lelang ko miss mo na nga ako eh... Wag ka munang matulog, wala ka ng ilalaki pa!"
seven...
Ako lang ba nakapansin nito?
Seven? Seven? Seven? Seven times na niya akong na-miss?
Ako na paranoid sa number 7.
Hays... Ano ba? magmo-move on ba ako? Pero pano to? Oh my~!
---
Medyo tigil muna ang Beats sa pagsali-sali sa mga contest kasi masyadong busy sa studies kaya wala na rin masyadong practices na nangyayari. Malapit na kasi yung bakasyon nun, kaya mga busy sa mga final exams. Medyo nami-miss ko na nga yung mga ibang members, si Aki nalang kasi yung palagi kong nakikita kaya nakakasawa na eh...
"Tara! Laboy tayo..." yaya ni Aki
"San naman?"
"Gusto ko sa ibang lugar naman. Tambay na tayo ng Megamall eh. Wala na ba tayong ibang pupuntahan?"
"Sama natin yung Beats... Pwede? miss ko na sila eh...sobra..."
"O sige, get together din 'to after ng ilang weeks na hindi tayo nagkakasama."
"O saan tayo magpupunta?" tanong ko
"SM Mall of Asia? Star City? Enchanted? or gusto mo mag-swimming na lang?
"Waah! Enchanted na lang... Masaya yun. Pero parang gusto kong mag-swimming. undecided,.. tanungin natin sila..."
"O sige, sige.. diba birthday ni Lila sa April 18? sa 18 nalang kaya. Para double celebration, birthday+get together"
"Ai! oo nga noh? tara bili tayong gift para sa kanya"
"May alam akong ireregalo sa kanila. :))" *evil smile si Aki*
"Kinakabahan ako sa naiisip mo ah..."
"Hehehehe" *evil laugh*
---
Update Status: BATANGAS! Wait for Us... Beats, I really miss you guys... :)) April 18 na! See you...
*tagged* Aki, Mai, Mina, JC, Lila
Excited na talaga ako kaya pati sa FB nai-status ko na siya.
Comments:
King: Sama naman ako jan...
Machi: Pwede rin, ipon ka? Libre mo kami
King: eh? ano kaya yun, Sama ako... Kelan ba yan?
Machi: April 18, tatapat namin sa birthday ni Lila
King: WoW! sama naman ang *tagged* Boys of the East dyan...
Seven: SAMA!!!!!!!!!
Machi: @king, paalam ka kay Lila. KKB daw eh... hahaha...
@Seven, sige sama ka rin! pero lilibre mo kami...
Seven: Ok Sige...
Machi: Weh? Lilibre mo kami?
Seven: Sinabi ko ba?
Machi: sabi mo Ok Sige.
Seven: Tara! talunin mo muna ako sa Tetris, tapos ililibre ko kayo ng pizza kapag natalo mo ko ng 3 times
Machi: Wow! sige ba!
Seven: Pa'no pag nanalo ko?
Machi: Eh di nanalo ka! hahahaha
Seven: i mean, anong consequence mo?
Machi: Eh, di *offline*
Seven: Andaya...
Machi: wala ako maisip eh.haha... Milkis nalang, gusto mo
Seven: sige, sige.. mga 7, para masaya...
Machi: Sige, tutal Seven naman ang pangalan mo eh
Seven: Tetris battle na!
Machi: Game On! TARA!
Ayun, nag-tetris kami. Hindi ko alam kung magaling lang ako mag-tetris o nagpapatalo lang siya talaga eh. Kasi natatalo ko talaga siya. Akala ko pa naman magaling siya, kung makapaghamon ng tetris eh, kala mo napakagaling...hahaha
---
So ang nangyari, libre na kami sa transportation kasi pumayag yung parents nina Lila na i-celebrate yung birthday nila sa may resort nila sa Batangas... Libre din lahat, hindi natuloy yung KKB na napag-usapan. Tapos yung gift namin para kay Lila... wahahahaha *evil laugh*
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...