<Machi's POV>
Pagdating ko sa meeting, may dalawang bakanteng upuan. Sinenyasan na ko ni Ms. Concert Producer na pumasok and maupo dun sa isang bakanteng upuan. May bakanteng upuan pa sa tabi ko.
"Okay, we'll just to wait for the sound engineer then we'll start the meeting..."
Sound Engineer? Why am I having this weird feeling?...
Then, nagbukas yung pintuan and there he was slowly occupying the seat beside me. Seven was Super Junior's sound engineer. Ito pala yung pinagchi-chismisan ng mga OJT na yun. Infairness, they're right, he's so gwapo pa rin. Though, medyo nag-mature siya. Medyo lang... ^^
<Seven's POV>
Mukhang last na pagkikita namin ni Machi yung kanina. Babalik na kasi ako ng South Korea after nitong concert ng Super Junior. Hinayaan lang nila ako na mag5-days stay muna sa Pilipinas.
I was driving my car papunta dun sa place nung office meeting pero nag-break fast muna ako sandali sa McDo. Yun kasi yung pinakamalapit na fast food sa may condo namin. So medyo na-late ako sa meeting na yun. Oh well, pwede naman silang paghintayin eh...
Nagmadali ako pagdating ko sa building. Tapos nung malapit na ko sa conference room, binagalan ko yung paglalakad ko at inayos yung damit ko. Dapat presentable ako dito sa mga ito para makacollaborate pa namin sila sa mga susunod na KPOP concerts na dadalhin namin sa Pilipinas.
Nagulat ako kasi pagpasok ko, nakita ko si Machi. I thought I was dreaming pero habang papalapit ako ng papalapit dun sa bakanteng upuan, I was sure that this is not a dream.
"What a coincidence?" sabi ko pagkaupo ko.
"Yeah, right..." maikli niyang sagot. So this is how she treats me after helping her last night. So cold...
After nung meeting na hindi ko masyadong inintindi, sinundan ko si Machi palabas ng room kahit hindi niya ako pinapansin.
"Yah! pansinin mo naman ako..." kulit ko sa kanya.
"Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi ka ba nakuntento sa thank you ko? Ano pa bang gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ikaw..."
<Machi's POV>
"Bakit mo ba ako sinusundan? Hindi ka ba nakuntento sa thank you ko? Ano pa bang gusto mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Medyo naiirita na ako kasi halos buong meeting para bang yung atensyon niya na sa akin lang. Though I don't mind that pero nasa work kasi kami. Nakakahiya naman sa co-workers ko at kay Ms. Concert Producer. Professionality naman kahit konti.
"Ikaw..." WATDAPAK? What did he just say?
"A-ano?"
"Sabi ko ikaw ang gusto ko..." Ano ba? Hindi pa rin ba siya nagbago? He was just like this almost 4 years ago. I can clearly remember it.
"Huwag ka ngang mag-joke..." eto na naman ako. Just like what he said in that letter, I always think everything that he says are jokes.
"Yan... Ganyan ka na naman. Feeling mo joke pa rin yung mga sinasabi ko..." Did he just read my mind?
Dahil wala na akong maisip na sabihin, tumalikod na ako at naglakad na palabas ng office. After kasi nung meeting wala na raw kaming gagawin muna kasi naging successful yung concert. Bale may bakasyon kami. Yey!
"Uy! Ano ba? Ba't mo ko iniiwan? Eto naman, ngayon na nga lang tayo nagkita after ng matagal na hindi natin pagkikita tapos ganyan trato mo sa'kin" paawa effect niya habang humahabol pa sakin.
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...