After nung event na yun, kung saan-saang events kami nag-special performance at ang masaya pa, naimbitahan kami para mag-perform sa isang album launching ng Beast sa Pinas.
"Shet! ang laking opportunity nito for our group so we should grab this chance"
"Leader, pa-english english ka na agad dyan, porket nakuha lang tayo sa album launching" tukso ni JC
"Oo nga ate Aki, nakaka-nosebleed ah" sabat ni Lila.
"Hahaha" lagi lang talagang natatapos yung usapan namin sa tawanan pero maayos naman lahat ng napag-uusapan namin.
"Magpe-perform din daw sa event na yun yung Boys of the East ah.." sabi ni Mai
"Oo, andun nga yun CG ng boyfriend ni Ate Machi" dagdag ni Mina
"Hoy! pasaway kayong kambal kayo ah.. anong boyfriend ko? baliw"
Lagi na lang nilang tinutukso si Seven sa'kin pero kashit ganun, nage-enjoy at kinikilig ako. Nasasanay na nga ako eh, kasi halos sa lahat ng practice namin, hindi pwedeng hindi matatapos ang practice ng hindi nababanggit ang Boys of the East at pati si Seven.
After nung discussion naming yun, practice na. Seryoso na ulet.
---
Album Launching...
"Ate! pa-picture..."
Yan, samin naman sila nagpapa-picture. Parang dati-rati lang kami yung lumalapit sa kung sinu-sino para lang makapagpa-picture tapos ngayon sa'min na sila nagpapa-picture. Tapos eto pa, dati, audience lang ako sa mga album launching na ganito eh, taga-sigaw, taga-tili, taga-fan chant, taga-fancam pero ngayon, iba na. Ako, kasama ang Beats na ang magpe-perform sa stage na yan, stage kung saan magpe-perform din ang Boys of the East at si Seven. Halos isang stage na lang pala yung naghihiwalay sa'ming dalawa. Ang drama ko... :P
Crush ko lang yan ah, panu pa kaya kung mahal ko na? Ay! baka mahal ko na siya? Wah! hindi pa... Aish, di ko alam tong feeling na to... It's so complicated.
"And now, presenting a reversed cover group of Beast, BEATS"
Sigawan.
Kinakabahan ako.
"Ajik nan neol itji mothago
Modeun geol da mitji mothago
Ireohke neol bonaeji mothago oneuldo"
---
Maayos naman yung performance namin. Enjoy ako sa tilian ng mga fangirls. Nakakatuwa kasi kahit medyo hindi pa kami ganung kasikat katulad ng Boys of the East ay tinitilian pa rin nila kami na para bang Kpop artists talaga kami. Iba nga talaga ang power ng KPOP. Astig!!! :))
---
After ilang minutes, natapos na rin yung grupo niya. Syempre pinagkaguluhan ulit sila. Picture-picture. Eh kasi naman, sino ba namang babae ang hindi lalapit sa kanila eh. Gwapo na, anlakas pa ng appeal. I can't blame those fangirls.
---
After 3 days, sa secret group namin sa FB, may wall post si Leader Aki...
Aki: Good News, just have a chat with the manager of Boys of the East. We might have a collaboration performance with them. I'm so excited. How about you guys?
6Likes
Comments
Mai: OMG! This is really good news
Mina: Wah! I am so excited..
Lila: Anong meron sa english? Ba't keu nage-english?
Machi: Wow! may manager sila? Sosyal!
JC: Anong trip na naman to leader? Alam mo naman kung panu gumalaw yung mga yun eh,.
Machi: Ayos lang sakin,
Aki: Minsan lang naman to eh, let's grab the opportunity. Kilala yung grupo nila and baka after nito ay makilala din yung grupo naten.
JC: Sabagay...
Mai: Uy! kilig yung isa jan. Machi *tagged*
Machi: hindi ah...
Mina: Deny ka pa ate Machi, if i know tumatalon ka na sa tuwa jan...
Machi: hindi nga... :))
Aki: smiling face pa siya...
---
Wishlist #7 is starting to come true ^^
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...