'Pano ako magmo-move on kung sa tuwing makikita ko ang wallpaper ng cellphone ko, ikaw ang nakikita ko?'
#selected.gm
#im.moving.on
Si Seven kasi ulit yung wallpaper ng cellphone ko, yung first picture naming dalawa. Yung todo-todo ang smile ko...
'Move on ka dyan. Hindi naman kayo eh, bakit ka magmo-move on?' reply sakin ni Aki after niyang ma-receive GM ko.
'Hahaha... Oo nga pala, hindi pala naging kami... :/'
'Malungkot ka? puntahan kita sa inyo?'
'Wag na. I want to be alone...'
'Naku! kapag nabalitaan ko bukas na nag-suicide ka, papatayin kita'
'Patayin mo na nga ako... Dali na'
'Baliw! susumbong kita kay Tita, tumigil ka nga dyan...'
'Hahaha. joke lang,'
No reply.
Tahimik na buhay ko.
Goodbye Earth, Goodbye world.
*Don't dare do this at home*
Joke lang... Hindi ako papakamatay noh, parang yun lang eh.hahaha
Tutulog lang ako...
---
3hours later,
'I just called to say I love you....' ringing tone ko, si Kyuhyun yung kumakanta nyan.hahaha
"Panira ng tulog, sino kaya to?"
Pagtingin ko sa CP ko, unregistered number.
"Hello? Sino po to?"
"Hello..."
"Sino to?"
"Secret..."
"Hay, pasaway. sige goodbye na..."
"Antaray..."
Bago ko pindutin yung 'End Call' button medyo nahimasmasan ako, naalala ko yung boses niya. Siya... Siya nga...
"Sino ba kasi talaga to?"
"Si Seven? Yung ka-Junhyung couple mo..."
"Ah... Junhyung napatawag ka?"
"Wala lang... Na-miss kita eh"
"Baliw! panira ng tulog..."
"Natutulog ka pala. Sorry. Wag ka ng matulog, di ka na lalaki!"
"Aish~ :) Baliw" bumabalik yung smile ko. :)
"Joke lang, di na mabiro 'to"
"Bat ka nga tumawag?"
"Wala nga, na-miss nga kasi kita..."
"Wala akong piso ah, kaya wag kang mag-joke dyan."
"Hindi nga... Miss na kita eh, miss ko na kasi yung smile mo, napansin ko kasing ang lungkot mo nung last event eh... May nangyari ba?"
Napansin niya yun? Ohmy~
"H-ha? ah... wala yun, wala lang ako sa mood nun kaya tahimik ako"
"Ay ganun ba? Gusto kita ulit makita. miss ko na talaga smile mo..."
"Talaga lang ah... Yaan mo next event makikita mo ulit smile ko..."
"Pwede bang ngayon na?"
"Hahaha... Tinatamad akong lumabas ng bahay eh."
"Andito naman ako sa may baba nyo eh."
"Weh?" napatayo ako sa kama tapos silip sa may bintana. Pero wala naman siya dun
"Joke lang, eeh! sumilip yan sa bintana... hahaha... miss mo na rin ako no..."
"Haha, tanong mo sa lelang mo, tutulog na nga lang ulit ako..."
"Eh sabi ng lelang ko miss mo na nga ako eh... Wag ka munang matulog, wala ka ng ilalaki pa!"
"Adik! matutulog na talaga ako"
"Wag muna, online ka nalang. Tetris tayo"
"Ayoko, matatalo lang ako, Di ako magaling dun eh"
"Dali na, minsan lang, Laban tayo"
"Bahala na next time na lang..."
Ewan ko kung bakit hindi ko na narinig yung boses niya nun eh. Pero pagtingin ko sa cellphone ko 'Battery Empty'
Aw! Wrong timing! sayang, natutuwa na ko sa usapan namin, Miss ko na nga siya. Gusto ko na ulit siyang makita. Gustung-gusto ko siyang makita. I want to see him again so badly kahit nasaktan ako nung last ko siyang nakita. Hays~! ano bang ginawa mo sakin Seven?
BINABASA MO ANG
Seven Beats *Completed*
Teen Fiction[TAGALOG & ENGLISH] minlai22---All Rights Reserved 2012----i don't know what got into me nung sinulat ko 'to eh.. basta sobrang nainspire lang talga ako kaya nasulat ko, ------------------------------------------------ Ang Pangalan, Lugar o Pangyaya...