Chapter 8: The First Beat: His First Move?

272 8 1
                                    

Waaah! Kinikilig ba ko? OMG! Collaboration... ^^ i like it! like it!

Nagtatalon pa ako sa tuwa sa may kwarto ko habang paulit-ulit na binabasa yung wall post ni Aki sa Facebook.

Beats meeting @ Lila's house, 

"Guys, wag kayong magugulat kapag sinabi ko kung anong song yung gagamitin natin ah..." 

"Hala!"

"OMG!"

Ayan, sila na namang kambal, kung maka-react bongga eh. Excited masyado...

"Wah? so anung song?" tanong ni JC

"Ano..." pabitin na sagot niya.

"Kasi sila yung nag-suggest nun eh. Hindi ko na kayo natanong eh, kaya ayun, sariling sagot nalang..."

"Ano nga? Babatukan kita dyan eh..." sabi ko.

"Trouble maker..."

OMG! O_O

Yung sayaw na maraming kapit tapos yung sayaw na sobrang lapit ng mukha ni Hyunseung kay Hyunah. Naalala ko pa yung debut performance ng Troublemaker nung MAMA 2011, nag-kiss sila Hyunseung and Hyunah dun, so gagawin din namin yun? Kami na lang ni Seven... PLEASE... joke~ imagination ko, gumana na naman... erase, erase... masyadong censored yung nasa isip ko...

"Sus! Trouble maker lang pala eh..." sagot ni JC

"Uy! ano ba yun? ang daming touchy moves nun"

"Parang hindi ako masyadong comfortable dun sa sayaw na yun."

"Ayos lang samin" sabi namin ni Lila.

"Ano? eh di sabihin nalang natin na wag masyadong gayang-gaya yung steps. Wag masyadong touchy and intimate yung sayaw." paliwanag ni Aki

"Eh, panu yung partner partner?" tanong ni JC

"Yung una ko kasing naisip, cover to cover. Kung sino cover mo, yun ang partner mo."

"Eh, panget yun, height to height na lang." suggestion ni JC

"Tama! mahirap magpartner kapag maliit and matangkad..." paliwanag ko. Si Seven kasi makakapartner ko kung saka-sakali.

"Oo nga, okay, kakausapin ko manager nila and sasabihin ko yung napagdesisyunan natin."

---

Practice...

Bale may contact numbers na namin sila. Syempre kabisado ko na yung kay Seven kaso, ayoko siyang itext. Ayun, practice namin sa isang Gym dito sa ****.

Nung una, syempre medyo nahihiya-hiya pa kami. Si Lila yung partner ni Seven. Hindi naman ako nagseselos kasi si King yung partner ko. Gwapo rin naman. Bagay kami. Joke~

Medyo maayos naman yung first practice namin, parang get-to-know-eachother-stage to eh. Close na namin sila pero hindi ganun ka-close. We talk pero hindi pa yung sobrang close talaga.

A week later...

Close na kaming lahat, pero ilag pa rin ako kay Seven. Ewan ko ba, parang nahihiya talaga ako sa kanya eh. Sobra :/

5:30 pm - Pauwe palang after nung practice ng Troublemaker

"Machi, Di ako makakasabay umuwi sa'yo... May pupuntahan pa kasi ako eh..."

"Eh di samahan na lang kita,"

"Baka gabihin ako eh, patay ka kay tita kapag ganun,"

Hala! eh pano ako uuwing mag-isa? :/

LRT mode mag-isa...

Naghihintay ako sa may gilid for the LRT tapos biglang may kumalabit sa akin.

"Uy!"

"Uy! :)"

"Dito ka rin sasakay?" tanong niya

"Oo, pauwe na ko eh... ikaw din?"

"Oo, sabay tayo ah..."

Si Seven yun... ^____________^

Dumating yung LRT, medyo masikip so pinagkasya namin yung sarili namin sa loob. Katabi ko siya nun eh. Medyo malapit sa may pinto kasi hindi na kami nakapasok pa sa loob dahil sa sobrang siksikan na tao. Pero habang parating sa may station na babaan namin, pabawas ng pabawas yung tao, so medyo nakaupo rin kami after ng mga 20 minutes, kaso hindi kami masyadong nag-uusap. Nahihiya talaga ako sa kanya. Tapos...

"Junhyung couple pala tayo eh"

WATDA :)) couple ka dyan? ^^

"Ah~ oo, hahaha. Junhyung cover ko. Ikaw din pala"

"Oo nga, sayang di tayo magka-partner"

"Oo nga eh..." Bakit parang pambara yung mga sagot ko. Wala talaga akong kwentang kausap... Ang fail ko :|

"Ang liit mo kasi eh" tukso niya

"Anong sabi mo?" sabay hampas sa may balikat niya

"Hahaha. Joke lang" tapos nag-flash siya ng smile, nakakatunaw yung smile niya, sobra...

"I hate you" joke ko

"Sus! hindi na mabiro ito, pero sa liit mong yan, ang sakit mong humampas ah."

"Aba! nang-aasar ka talaga ah..."

EDSA STATION...

Shet! di ko alam na sabay pala kaming bababa nun. Dito rin siya bumaba. So magkasabay pa rin kami.

"MRT ka?" tanong niya

"Hindi, hindi, tao ako..." tapos tumawa siya, ako napa-smile lang

"Hahaha... Hindi, ibig kong sabihin kung mage-MRT ka?"

"Ah... Oo eh, ikaw ba?"

"Oo din, tara sabay ulit tayo..."

Tapos ayun, pagsakay namin sa MRT. Magkatabi kami sa upuan, tapos todo chikahan.

Ansaya-saya ng puso ko. Ang dami-dami naming pinag-usapan.

Kung saan-saan napunta yung usapan namin pero patuloy pa rin kaming nag-uusap.

Hiniram niya pa yung cellphone ko, buti nalang napalitan ko na yung wallpaper ko dun, yung picture kasi namin yung dating wallpaper nun eh. Hindi ko nga alam kung bakit niya hiniram eh. Baka kinuha yung number ko. Hahaha, I wish...

Shaw Station...

"Uy! dito na ko ah... Babay! See you next practice." paalam ko sa kanya.

"Sige, sige... See you, babay Ma..." hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi sumara na yung pintuan nung MRT. Di ko alam kung saang station siya bumaba nun eh. Pero habang papalabas ng MRT ay nangangarap pa rin yung puso ko na sana mas matagal ko siyang nakasama at nakausap. Pero sobrang saya ko talaga, kinikilig ako ng sobra... Baka hindi na ako makatulog ng maayos nito. Waah! I'm so effin' inlove? hahaha... :))

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon