Chapter 23: Unspoken Truth Leads to Misunderstanding

234 8 0
                                    

<Seven's POV>

Papalapit na kami sa kanila. Kasama ko si Chemi. Kinakabahan ako. Konti nalang magkikita na ulit kami ni Machi... Arrrggghhh~ Kinakabahan ako pero excited at the same time. Oh well, let's do it...

"Yoohuuu~! Andito kame Seven!!"  sigaw ni JP.

Lumapit kami ni Chemi habang akbay-akbay ko siya. Then, pinakilala sa lahat ng andun.

Nagulat ako kay King kasi, "Girlfriend mo?" biglang tanong niya.

"Oo..." sabay tingin kay Chemi.

Napansin kong parang nagdilim yung mukha ni King eh. Parang nagalit yata. Ewan ko. Bakit naman siya magagalit? Type niya ba si Chemi kaya ba siya affected? Oh well, di ko alam...

Ayun, puro usapan yung nangyari habang kumakain kami sa Jollibee. Pero napansin kong masyadong spaced out 'tong si Machi. Ewan ko pero mukha siyang malungkot. Bakit? Ano kayang nangyari?

"Maching, galaw-galaw naman dyan... May problema ba?" narinig kong tanong sa kanya ni King

"Ay! wala. Wala naman. Napagod lang siguro ako. Matagal na rin after kong makapunta sa mga events eh..." sagot niya. Pagod nga lang siguro siya. Pagod lang yun.

Pero nung sinabi ko na yung about sa FB at cellphone ko, parang mas lalo siyang naging matamlay. Para siyang may sakit.

---

Then, nagkayayaan ng umuwi, magkakasama kami nila Chemi, Aki, Machi at King. Dun kasi sa kabilang exit yung iba kaya naghiwa-hiwalay na kami.

"Maching, sabay na tayo... Gabi na eh... Hatid na kita" yaya ni King kay Machi

"Eh? mapapalayo ka kapag hinatid mo pa ko. Wag na... May kasabay naman ako eh, si Aki..." sabi ni Machi. 

"Ay! yun nga yung problema eh, kina Tita Sonia na ako nakikitira ngayon eh, mas malapit kasi sa school so ibang daan ako."

"Eh? Yaan mo na. Kaya ko ng umuwi mag-isa... Malaki na ko noh :)"

"Parang di ka naman lumaki eh...hahaha"

"I hate you Maching!"

Ang sweet naman ni King at Machi. Siguro sila na...

Mukhang wala na akong pag-asa dito.

Pero si Lila ang gusto ni King ah, nag-iba na ba siya ng gusto? Si Machi na ba ang gusto niya? Kailangan kong malaman yung sagot dito...

Ayun, nagkahiwa-hiwalay na. Kanya-kanyang sakay. Naiwan si Machi dun sa may bus stop. Madaming tao. Kaya...

"Chemi, ano?"

"Sige na kuya... Go! Kaya ko na sarili ko... Goodluck!! :)"

"Sige, sige. Ingat ka..."

"Kuya, may feelings siya sa'yo. Alam ko."

"Huh? Pa'no mo nalaman?"

"Basta. Malalaman mo rin yan. Dali na Kuya baka makaalis na siya."

"Explain it to me later, okay."

"BYE~"

Okay... I'll reveal my plan...

Actually, plan talaga namin 'to ng malayong pinsan kong si Chemi. Si Chemi yung nakaisip ng plan na 'to para daw malaman ko kung may feelings nga ba sa'kin si Machi. Kahit na matagal na kaming hindi nagkikita. Para malaman kung one-sided love lang ba 'to napi-feel ko para sa kanya. I want to know kasi if she feels the same for me. So Chemi helped me.

"Sige Kuya Seven, magpapanggap akong GF mo para malaman mo yung feelings ni Machi sa'yo. Pero bakit hindi mo nalang siya tanungin kasi eh..." tanong niya sa akin...

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon