Chapter 17: Flashmob... Yeah~ a MOB indeed!

266 7 2
                                    

Mabilis tumakbo yung mga araw after ng birthday ni Lila. Sumasali ulit kami sa mga contest, tapos nananalo. Minsan naman nag-sspecial performance kami tapos minsan hosts na rin ng iba't ibang cosplay at KPOP dance competition. Hanggang sa isang araw,

********* posted on your page

Would you like to join a flashmob for Beast's Beautiful Tour in Manila Petition. We would like your cover group to be with Boys Of The East for our flashmob to be held at ***********. Please message me if your cover group would like to join. Kamsahamnida~

---

'[BEATS]

Guys, sali daw tayo flashmob para sa Beautiful Tour in Manila...

ksama BOTE... sa may *********** gaganapin, msg ko na, sali tayo!!!'

text ko sa kanila.

'Call'

'Go'

'Sige,'

'Fighting'

'Gora na!!'

mga reply nila na halatang excited na sa nalalapit na flashmob.

---

FLASHMOB day...

Hay....

sabi nila, gusto nilang pumunta

sabi nila, go lang daw

sabi nila, lahat kami present dito

sabi nila, aattend daw sila

BAKIT MAG-ISA LANG AKONG REPRESENTATIVE NG BEATS DITOOOOOO?????

'Machi, sorry, may major exam kami bukas, hindi ako makakarating' - si Aki

'Unnie~ Mianhae, di kami makakapunta ni 'saeng ko, birthday ni Appa nmin eh... Sorry talaga~' - text nung kambal

'Chi! Asa meeting ako ng Kfest eh, ttry ko humabol... pero baka hindi na ko umabot eh, matagal pa raw ung meeting' - text ni JC

'Unnie~ may sakit ako!!! gustong gusto ko pumunta dyan unnie~ waaaah~' - si Lila

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba or baka nangti-trip lang 'tong mga 'to pero ako lang talaga ang representative ng buong grupo namin. At eto kasama ko ang BOTE tapos andun din pala yung ibang members nung Super Girls, siguro mga B2uty din tong mga to... Sila yung CG na ka-close ng BOTE.

Nao-OP ako kasi hindi ko naman masyado kakilala yung ibang taong kasama namin. Hindi ko rin masyadong ka-close yung mga Super Girls. Yung BOTE lang naman talaga ang ka-close ko eh, sila King, JP at Seven, kaso mukhang hindi nila ako napapansin kasi kausap nila yung Super Girls.

Ayun, so nagkakausap muna ako nung ibang nandun, tapos medyo naging ka-close ko rin kasi pare-pareho kaming fans ng Beast hanggang sa nakita ako ni King at nilapitan ako,

"Uy! andito ka pala, hindi ka man lang nagtext..." bati niya sa'kin

"Ay! andito rin kayo? wow!~ kumpleto kayo?" tanong ko sa kanya

"Oo, syempre, gusto naming mag-concert ang Beast dito noh... Asan sila Lila?"

"Huh? eh may sakit eh, yung iba hindi makakapunta kaya ako lang yung present sa grupo namin..."

Seven Beats *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon