Third Person's POVKAAGAD NA dumating si Cathy sa War Field at natagpuang puro usok ro'n at puro putok ng baril ang naririnig, may mga pag sabog pa 'ring nagaganap at kahit sa loob ito sumasabog rinig na rinig pa'din ito sa labas.
Inihanda ng dalaga ang kaniyang armas at tuluyang pumasok sa loob. Hindi siya nag dalawang isip na barilin ang mga kalaban, "Sino kayo?! Anong kailangan n'yo sa reyna?!" Tanong nito
Ngumisi ang lalaki "Nandito kami para pabagsakin kayo." Saad nito, "Kung ayaw mong mamatay, sabihin mo sa amin kung nasaan ang hangal n'yong reyna!"
She felt an urge to pull the trigger exactly on his chest. Nagalit ito ng insultuhin ng lalaki ang reyna. Umiling si Cathy at lumapit sa lalaki "Sinong may pakana nito?! Sino?!" Hinigpitan niya ang kapit sa leeg nito "Sumagot ka!" Malakas n'yang sigaw
"I-ibabagsak n'ya kayo . . ." kahit sa kan'yang huling paghinga ay sinubukan n'yang tumawa. Galit na ibinagsak ito ni Cathy. Tumayo s'ya at nagbalak lumingon nang makita si Jamie sa harapan niya. Nakatututok sa kaniya ang baril.
Nanlaki ang mga mata ni Cathy "A-anong binabalak mo, Jamie?" Siya nga ang traydor!
"Paano mo 'to nagagawa sa'min, Cathy?! Kaibigan ka namin!" Kumunot ang noo n'ya. Naguguluhan ito sa sinabi ng dalaga
"Hindi kita m-maintindihan!" Sagot n'ya at tinutok rin ang baril sa kaibigan "Hindi ko d-dapat ito gagawin pero,"
Kinagat n'ya ang ibabang labi niya "Pero nararapat lamang ito, Jamie." Tumawa si Jamie
"Anong pinaparating mo, Cathy?" Tanong nito "Sinasabi mo bang ako ang traydor?"
Her forehead creased "What do you m-mean?" Tanong ni Cathy
Sa isang iglap kaagad lumapit si Jamie kay Cathy at hinawakan ang kamay, "The show is over. Patayin na natin sila!" Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ni Jamie
"Anong i-ibig mong sab—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya sapagkat pinaulanan na kaagad sila ng bala. Tumakbo ang dalawa at nag tago. Sumandal sila sa pader at tumingin sa isa't isa.
"Hindi ko naiintindihan!" Cathy exclaimed "Anong nangyayari?!" Tanong pa nito
Jamie pulled her trigger and looked at Cathy again "Tapos na ang palabas," sabi n'ya at nagpaputok muli "Ang mga sinabi ko kanina, parte 'yon ng plano ni Queen!" Lalong dumami ang kalaban "Nanonood ang traydor kanina habang nag uusap tayo."
"On your left!"
Kaagad na binaril ni Cathy ang mga kalaban na nagbalak silang barilin "Plano?! Para kanino?! Ang sabi niya ikaw ang traydor!" Tumawa si Jamie sa sinabi ni Cathy
"Ginawa lamang akong palusot ni Queen," she chuckles at nagbato ng granada sa likod nila "—dahil alam niyang may nakabantay sayo."
Malakas ang pag sabog ng granada at dahil doon, naubos ang mga nasa arena. "Sweet!" Sigaw ni Eric mula sa itaas nang makitang duguan ang mga kalaban. Napatingala tuloy ang dalawa sa direksyon ng binata. Sumaludo ang binata at gano'n din ang dalawa
"Let's go, kailangan pa ng iba ang tulong natin." Hinawakan ni Jamie ang kamay ni Cathy ngunit napatigil sila "Hindi ko padin maintindihan, Jamie!" Naguguluhang saad n'ya.
BINABASA MO ANG
Meet The Mafia Queen: The Revelations
Action[ 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 : 𝟐 ] The Queen is back as the bloody war continues. Highest Ranks: #1 in Action & #1 in Mystery Language: Tagalog & English Cover by: bibimbboxx